Ang una kong sinabi kay Iggy nang magsimula siyang manligaw ay ayaw kong ililibre niya ako araw-araw. Gano'n kasi ang ginawa ni Quentin dati, e. Hindi kaya ng sikmura kong makitang walang humpay ang gastos niya para sa akin. Kaya ko namang magbayad. Minsan nga lang, gusto niyang siya talaga ang magbayad.
"Baby, busy ka sa 14?" he asked me when the second week of February came. We were on a video call.
"Hindi naman, unless may ibagsak na mga activities." Sagot ko habang nagsasagot ng isang aktibidad para sa SocSci subject ko.
"Date?" alok niya. Tumango ako bago siya balingan. "Pero 'yong curfew ko, ah," he nods.
We studied until he told me to stop since midnight already came. Sabi niya, matulog na raw ako dahil maaga ang klase ko bukas. Hindi ko dapat siya susundin dahil gusto kong matapos ang isa pang essay na kailangan ko gawin, pero natuwa ako nang marinig sa kaniya ang katagang, "baka sumakit ulo mo bukas, tama na, please."
Paano naman ako tatanggi sa gano'n kalamyos na pakiusap?
Natulog ako matapos ayusin ang mga gamit.
***
Ilang araw matapos no'n, nagkita kami ni Quentin sa RobMan. Bumibili ako ng itim na marker nang tapikin niya ang aking balikat.
"Long time," he muttered while taking a marker for himself. "Uy," tanging sabi ko. "Busy ka? Kain tayo," gumilid siya dahil may daraan.
"Mag-aaral ako, e," sabi ko bago tumalikod. That was partly true. Ayaw ko na kasing sumang-ayon sa kaniyang mga aya. Hindi ko naman sigurado kung nagpapahiwatig pa rin siya, mabuti na ang umiwas para hindi siya umasa.
"Kahit isang oras lang? Meriyenda lang?" pagsunod niya sa 'kin. "Sorry, busy ako," paliwanag ko.
Tumango siya at sinundan na lang ako sa counter. Nagbayad ako at lumabas. Habang patungong exit ng mall, nakita ko si Iggy naman na papasok. Lumapit ako at kinalabit siya. When he turned to me, agad siyang ngumiti at hinila ako upang samahan siya. Pero napansin ko rin na may kasama siyang ibang tao, kaya binawi ko ang kamay ko.
"Pauwi na 'ko," sabi ko. "Kain muna tayo, sama ka sa 'min," aniya bago saglit tingnan ang mga kasama. Kaklase niya siguro ang mga 'to, mga kaibigan din siguro.
"Siya si Diwata?" tanong ng isang babae. "Oo, Kate, siya si Diwata." Pagsang-ayon ni Iggy.
"Hi! I'm Kate, friend ni Iggy, and kasama sa org." Nilahad niya ang kamay niya, kaya naman sh-in-ake ko 'yon. "Nice to meet you."
"Baby, ito sina-" naudlot ang sinasabi ni Iggy dahil sa pangungutya ng mga kaibigan niya. "Baby amputa! Corny mo!"
Nagtawanan sila, pati 'yong Kate. "Bakit ba? Mga inggitero! Anyway, ingay n'yo! Baby, ito sina Mark, Cornelius, at Kate."
Tumango ako at bahagyang nginitian sila habang naglalakad. "Kain tayo, Diwata, para ma-interview ka namin." Agad akong nagdalawang-isip dahil sa narinig.
"'Wag n'yo nga siya kulitin! Tara?" tumingin sa 'kin si Iggy ng hopeful. "Mabilis lang ako," sabi ko naman.
Mayabang niyang nginitian ang mga kaibigan niya. "'Pag ako, matic na oo!" deklara niya.
"Kapal! Parang napipilitan lang naman si Diwata, e!" natatawang saad nung Mark. Binatukan siya ni Iggy dahil sa sinabi.
Naglakad kami papuntang Wendy's dahil do'n nila gusto kumain. Tinanong naman ako ni Iggy kung may iba akong gusto, para daw mahiwalay kami at makabili. Humindi ako at nagsabing kahit ano naman ako, kaya siya na ang pumili ng order ko habang kasama ko si Kate sa upuan.
BINABASA MO ANG
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)
General FictionDreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aiming for stability. Nothing can compare to a safe life. However, Ignacio Trillano, a guy who lived in...