Kapitulo 6

1.9K 54 28
                                    

After ng dinner namin ni Quentin, nagsimula na naman siyang magparamdam sa akin. Iyon o nag-overthink lang ako dahil limang araw siyang straight na nag-message sa akin. Pero malakas ang kutob ko na nagpapahiwatig na naman siya ng nararamdaman niya, e. Baka tama ako. Hindi lang si Quentin ang panay message sa akin, pati ang humingi sa akin ng isang panayam.

"Good afternoon, Diwata," magiliw na bati ni Iggy nang magkita kami pagkatapos ng huling klase ko nung Friday.

Sinabi ko sa kaniya kagabi na huwag na niya ako hintayin dahil kasama ko naman si Mario. Alam ni Mario ang condo na pagdarausan ng interview, ewan ko bakit ang kulit nitong Iggy na 'to. Kung ano-anong sinasabi niya sa akin talaga. Madalas ko siyang hindi sinasagot, pero nakokonsesiya ako, kaya minsan, nagre-reply ako. Tulad no'ng Wednesday.


Iggy Trillano: good evening, diwata

Iggy Trillano:

Iggy Trillano: laro tayo bingo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iggy Trillano: laro tayo bingo

Iggy Trillano: sa letrang D! Diwata! Ikaw ang panalo at ikaw ang napili kong yayakap sakin kasi cold ang breeze

Diwa Mahalina: walang d sa bingo

Iggy Trillano: SHIT NAG-REPLY ASDFGHJKLZXCVB

Iggy Trillano: hi hi 😉

Iggy Trillano: kindat yan, kiligin ka sana

Iggy Trillano: 💔 ← puso ko yan

Iggy Trillano: pagamot naman ng puso, need ng lambing para mabuo siya uli

Iggy Trillano: kung may heartbreaker, hindi ikaw yon ❌

Iggy Trillano: kung may heartfixer, ikaw yon ✅


Sometimes, he would send memes and GIFs that... were funny, I'll admit. Pero 'yong tawa ko, itinatago ko, lalo na kapag nasa school ako dahil mabilis makapansin si Mario. Aasarin ako no'n. Isipin pa no'n, natutuwa ako na nagtsa-chat palagi si Iggy.

"Hanggang five lang ako, may gagawin pa ako," sabi ko habang naglalakad kaming tatlo sa condo. Tumango si Iggy at pumunta sa gilid ko.

"Thank you ulit," aniya. "'Di ka ba nagugutom? Ayaw mo munang kumain ng meriyenda?"

Umiling ako sa kaniya. "Hindi." Sagot ko habang pinagmamasdan namin ang daang nilalakbay. Patungo ito sa Pedro Gil.

"Sa P. Gil ba 'yong condo?" tanong ko kay Mario. "Yeah, do'n," si Iggy ang sumagot.

Nagkatingin kami saglit, ngumiti siya sa akin.

"Sure kang 'di ka gutom? Puwedeng kumain muna tayo, libre ko," I shook my head in response.

Kapag pumayag ako sa ganiyan, e 'di, tatagal ang oras na magkasama kami. Mas magkakaroon siya ng tiyansa upang tanungin ako ng kung ano-ano. Pagkatapos naman nito, hindi ko na siya makikita, e.

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon