Habang lumalalim ang pag-aaral ko sa program na malapit sa gusto ko talagang aralin, si Iggy ay kasama ko. He, too, was aiming high to help his family. I didn't realize having someone while reaching what you badly want made everything better.
Weeks preceding Valentine's Day, my life continued to be mundane. Ngayong sanay na sanay na ako sa presensiya ni Iggy, parte na siya ng inaasahan ko bawat araw. Subalit, hindi naman ibig sabihin no'n, hindi ako natutuwa kasama siya. On the contrary, I am. Naro'n ang pakiramdam ng tahimik na tuwa tuwing malapit siya sa 'kin. But I admit that the excitement, or kilig, still occurs sometimes when I'm with him. Lalo na kapag ilang araw kaming hindi nagkikita dahil sa acad workload o personal plans.
Today was the start of midterms season, it was the second Thursday of March, and the first exam I'd take was Econ. I was quite nervous, marami ang topics na covered sa exam, at gusto kong mataas ang marka na makuha ko dahil 30% 'to ng grade ko.
"Good luck, baby," sabi ni Iggy bago ako pumasok ng campus. "Ingat ka," I mutttered before he went to Sampaloc.
Naglakad ako papasok ng classroom at tahimik na nag-review. Ang ilang mga kaklase ko ay naging malapit na sa isa't isa dahil magkagrupo sila sa mga group work, o siguro kaklase rin nila ang isa't isa sa ibang subjects.
Ako naman ay talagang aloof pa rin sa iba. Hindi rin naman sinubok ng ibang kausapin ako kapag hindi tungkol sa acads, e. Siguro iyon ay dahil umaalis ako agad pagkatapos ng klase. Kahit kasi no'ng first sem, gano'n ang ginagawa ko. Kung hindi lang ako kinukulit ni Mario tuwing after class, wala talaga akong matatawag na kaibigan dito. Puro kaklase lang.
When the test began, I focused on it and finished the first two portions within 20 minutes. Ang sumunod na part ay puro mathematical equations at graphs. And, after the last number, I had 20 minutes left. Kaya naman matapos sagutan lahat, binalikan ko ang ilang numerong hindi ko lubos na sigurado na tama ang sagot ko.
13. For a price ceiling to be binding, it needs to be below the equilibrium price.
Answer: TRUE
Iniisip ko kung dapat ba above the equilibrium price ang price ceiling o tama na ang sagot ko... Hindi ko kasi mahalungkat sa isipan ko ang specific part na 'to ng lesson. I think it was one of the latter ones, or maybe it was in the middle? I checked on other numbers and changed some answers before passing my paper.
Afterward, I went to my next class which was NSTP.
"Hi, Diwa! Miss na kita!" ang bungad na salita sa 'kin ni Mario. I was just about to sit down near him when he noticed me. Now, he was pulling me to sit beside him.
"Nagkikita tayo sa campus," saad ko pabalik. I put my bag on the floor while taking out my notebook and pen. "E, 'di na tayo nagkikita to eat lunch. 'Di kasi tugma sched natin. Kasi naman, who takes seven AM classes in college?!"
Kumunot ang noo ko ng bahagya bago siya inilingan. Ayaw na ayaw niyang magklase ng umaga, kaya siya nahiwalay sa 'kin. Last sem, since block system pa kami, sa lahat ng classes ay kasama ko siya pati si Annika.
"Kain tayo lunch ngayon, puwede ka? O may date na naman kayo ni Iggy. Inagaw ka na talaga sa 'kin no'n." He muttered childishly as more of our classmates came in the room.
"Wala, sige, kain tayo." Ngumiti si Mario. "Bluementritt? 'Yong sa dati?"
May kamahalan ang kinainan namiin dati, at wala ako sa posisyon para kumain sa gano'n ngayon... Umutang kasi sa 'kin si Mama recently, malaki ang perang nakuha ni Mama sa 'kin, kaya tipid na tipid ako ngayon. Sa mga paanyaya nga ni Iggy, hindi ako sumasama, e. Hanggang fishball at kwek kwek lang ako ngayon. Nauunawaan niya naman, minsan ay nililibre niya na lang ako just to have a proper meal.
BINABASA MO ANG
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)
General FictionDreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aiming for stability. Nothing can compare to a safe life. However, Ignacio Trillano, a guy who lived in...