After almost three weeks, the semester finally ended. Nakauwi na ako sa bahay at sinusulit ang oras na walang kailangang basahin o panoorin. Dahil karamihan ng mga unibersidad at kolehiyo ay wala na ring pasok, niyaya ako ng ilang kaibigan ko na lumabas.
"Ang baba talaga magbigay ng grade no'ng prof ko sa lab, leche!" ani Ann, ang kaibigan kong nais maging latin honor simula high school. Para daw dagdag sa credentials niya 'pag pumasok ng med school.
"Baka lahat kayo mababa talaga," katuwiran naman ni Ria, ang kaibigan kong mahilig sumali sa mga pageant. Palagi siyang panalo sa school pageants namin no'ng high school. Hanggang ngayon ay sumasali pa rin siya.
"'Di, e, may galit talaga sa 'kin 'yon prof na 'yon. Kasi 'yong kaklase ko na mababa quizzes, tapos same lang score namin sa finals, mas mataas sa 'kin! Ang daya talaga!"
Sumali sa usapan si Paul. "Baka mataas talaga standards."
"Ewan, duda talaga ako. Parang dinoktor 'yong grades namin, 'tang ina." Bumuntong hininga si Ann matapos sabihin 'yon at kumain muli ng ice cream niya.
Narito kaming apat sa dati naming escuelahan—kumakain ng dirty ice cream sa labas—dahil kumuha sina Ann at Paul ng mga high school grades; sasali kasi sila sa scholarship ng siyudad. Iyon ang mayro'n ako ngayon, gusto rin daw nilang makatanggap ng datung para sa mga pangangailangan nila sa escuela. Pare-pareho kaming laki sa hirap, kaya walang ni isa sa amin ang nasa private university o college. Ngayon, naimpluwensiyahan ko silang sumali sa scholar ng siyudad para sa allowance.
Pagkatapos nito'y pupunta kami sa periyahan, sa Marikina, Riverbanks. Medyo malayo 'yon sa amin dahil dulong kaliwa pa kami ng Quezon City. Ngunit nagsarado na kasi ang talagang pinupuntahan namin dito malapit sa escuela. Kaya naman do'n ang destinasyon namin.
Sa periya kami lahat naging malapit, kaya naman nakasanayan naming pumunta ro'n tuwing huling Biyernes ng buwan. Nitong magkolehiyo lang kami nahinto dahil pare-pareho kaming nag-adjust sa panibagong buhay namin.
"Guys, Makati tayo next time," aya ni Ria. "Ba't do'n? Mahal do'n," si Paul.
"May mga art museums do'n na libre lang entrance, sinabi ng kaklase ko!" masiglang paliwanag ni Ria habang tumutulo ang ice cream niya.
Inabutan si Ria ni Ann ng tisyu.
Kailan pa nahilig si Ria sa art? E... no'ng high school, halos isumpa niya ang art class namin dahil ang hirap daw magpinta, ayon sa kaniya. Puro pagpipinta ang ginawa namin no'n...
"Boring, tititigan lang naman mga paintings do'n, e, tapos 'pag nagutom tayo, ang mahal ng mga kainan." Ani Paul.
"'Tsaka, ang layo ng Makati, Ria," dagdag ko sa usapin. "Ang KJ n'yong dalawa! Buong buhay natin, nasa Quezon lang tayo! Ayaw n'yo bang lumayo ngayong college na tayo!"
Hindi ako sumagot. Inubos ko lang ang ice cream ko at kinain ang apa.
"Mahal do'n at malayo, kung art gallery lang ang habol natin, parang sayang pagpunta. Mayaman ka dapat 'pag naro'n ka." Ulit ni Paul bago niya kainin ang apa niya.
"Kaya n'yo 'yan! Ipon kayo! Maganda ro'n, 'tsaka maganda 'yong mall nila ro'n sa Rockwell!" tumaas ang kilay ko at tinignan siya saglit.
"Rockwell? 'Di ba, 'yon 'yong lugar ng mga artista? Mahal do'n, panigurado." Pag-counter ni Paul.
"Nakapunta ka na ba ro'n?" si Ann. Tumango si Ria.
Umiling ako at inayos na ang cap na suot ko.
Si Ria ay kaibigan ko, may pakialam ako sa kaniya, oo. Subalit, hindi ko matanggal ang inis na nararamdaman ko simula no'ng high school dahil umaasta siya madalas na... mayaman siya kahit na mas pinapasok ang bahay nila ng baha kaysa sa 'min. Nais niyang napapalapit sa mga taong may pera. Hilig niya rin ang mga bagay na branded kahit hindi niya naman talaga kayang bilhin. Siguro dahil pangarap niyang makaahon sa buhay, kaya para niyang isinasabuhay ang 'fake it 'til you make it.'
BINABASA MO ANG
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)
General FictionDreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aiming for stability. Nothing can compare to a safe life. However, Ignacio Trillano, a guy who lived in...