For the last week of September, my parents told me to come home on the weekend. So, I packed my things and went home to Quezon City. Isang train ride at isang dyip ang mga sinasakiyan ko tuwing umuuwi. Hindi ako madalas umuwi, kapag may kailangan lang ako sa bahay. Nakapapagod kasi magbiyahe ng pabalik-balik.
"Nagluto ako ng tinola, kakain ka?" ani Mama pagdating ko sa bahay. "Opo."
Pinasok ko sa kuwarto namin ng mga kapatid ko ang mga bag ko bago ilagay sa labahan ang maruruming mga damit. Pagbalik sa kuwarto ay napansin kong binago ng mga kapatid ko ang ayos ng kuwarto. But my things never moved which meant they listened to me.
"Ma, bakit n'yo 'ko pinauwi?" umupo ako sa la mesa kung saan nagkukulitan ang kambal kong nakababatang mga kapatid.
"Magsasalo-salo bukas sa bagong bahay ng tiya Perla mo, sa Mandaluyong. Pinapupunta tayo, gusto ka nilang makita at matanong kung kumusta ang kolehiyo," I began to eat as Mama explained.
"Ate," tawag ni Beatris, ang nakasalamin sa dalawa kong kapatid. "Oh?"
"Sabi ni tito Viktor hindi niya raw alam 'yong course mo nung pumunta siya rito para kunin 'yong inutang niya kay Mama," tumaas ang kilay ko.
"Tapos, sabi niya, Ate, baka raw kaya hindi niya alam kasi hindi raw sikat 'tsaka hindi kumikita ng pera sa ganiyan," dagdag ni Racquel, ang kambal ni Beatris.
I smirked at them before continuing to eat.
"Hayaan n'yo siya, wala kasing narating sa buhay, kaya ganiyan," si Papa. "Yeah, don't mind him. Siya ang nang-insulto, pero siya rin ang nangutang dahil wala siyang pera," wika ko.
Gusto ko sanang idagdag na nakatatawa ang Tiyo ko na 'yon, pero pagagalitan lang ako ni Mama.
Sumubo na si Beatris muli, pero nakatitig pa rin sa akin si Racquel.
"Ubusin mo na 'yan, titigas 'yang kanin mo," utos ko sa kapatid. Sumunod naman siya at kumain na rin. Pero nauna pa rin ako sa kanilang matapos.
Pumasok ako ng kuwarto para mag-aral para sa darating na linggo, may ilang nalalapit na kaming midterm exams. Simula last week ay gumagawa na ako ng reviewer, kaya ngayong weekend ay magre-review na lang ako at magbabasa ng readings sa ibang subjects.
As I read about ethical relativism for the Ethics midterm exam, Mama entered the room and sat beside me in my and my siblings' old creaking bed.
"May pangkain ka pa ba ro'n?" tumango ako sa tanong ni Mama at nilipat ang pahina ng binabasa ko. "Sigurado ka? May sobra pa naman ako, Ate, may 300 pa ako na maibibigay."
Huminto ako at bumaling kay Mama.
My mother who was 45 and a seller in the wet market looked exhausted right now. Well, she always looked exhausted even when I was a kid. Papa, on the other hand, had a team of amateur builders. He was a construction worker at a firm that specialized in making concrete. Sila ang kinukuha kapag may kliyente ang firm, sila ang nagtatayo ng isang gusali. Maliit lang ang suweldo ni Papa, binabarat sila no'ng firm, e. So, I lived in a household that was always short of money.
Dalawa si Papa at Mama na nagtatrabaho simula bata ako. Kung maliit ang sahod ni Papa, mas lalo naman ang kay Mama. Lahat ng kinikita nila ay madalas kulang pa para sa pang-araw-araw na pagkain, koryente, ilaw, tubig, at renta sa tinitirhan. Dahilan ang kagipitan para mag-aral kami ng mga kapatid ko sa publikong paaralan.
"May pera pa ako, Ma, bumili ka na lang ng pagkain ng dalawa," pagtukoy ko sa dalawang kapatid.
Inilagay ni Mama ang buhok ko sa likod ng balikat ko. "Mabuti na lang talaga at maunawain ang Ate ko," she kissed the side of my head after saying that.
BINABASA MO ANG
Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)
RomanceDreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aiming for stability. Nothing can compare to a safe life. However, Ignacio Trillano, a guy who lived in...
