Kapitulo 20

1.4K 43 22
                                    

Ibinaling ko ang pokus ko ngayon sa performance ng block ko para sa kompetisyon kahit na kagabi lang ay may paghihirap na namang dumating sa buhay ng pamilya ko. Gano'n talaga, e. Patuloy lang. Sabi nga ng mga kaklase ko, padayon. Kahit ang hirap. Kahit na walang gana.

It was Wednesday afternoon and our block was up next to perform. Ito na 'yong competition na sinalihan namin para sa dagdag grade. Patapos na ang naunang performers, at, grabe, sobrang creative nila. Kahit 'yong pinakaunang nag-perform ng play nila, bigay todo. Hindi lang 'yon, talagang hinaluan nila ng malalalim na mensahe ang play nila, hindi lang puro kanta at pagsayaw.

Parang ang sarap sabihin na... ang saya pala matuto ng mga problema ng Pilipinas. Pero alam kong natuwa lang ako dahil ang pagkuwento ng mga problema ay malikhain. But I knew for a fact that it wasn't fun. It was actually infuriating.

Ang unang nag-perform ay ipinakita ang tunay na mabibili gamit ang minimum wage ng mga trabahador sa factory. Naalala ko si Papa dahil do'n. Kung paano palaging kulang ang aming datung para sa lahat ng pangangailangan. Ilang taong nagsilbi sa kompanya niya, pero sa huli... iniwan lang sa ere.

Ang sumunod na nag-perform naman, ipinamalas ang galing sa pagkanta. Ang mga liriko ay tungkol sa hirap na dinanas ng iba't ibang tribo ng bansa sa kamay ng mga may-ari ng mining companies. It was the first time I found out about something like that. Pagkatapos no'ng performance na 'yon, may video pa na ipinalabas tungkol sa tunay na mga Pilipinong naapektuhan ng mga nagmimina.

It was disturbing to know the realities other people faced, and how awful it was compared to mine. Subalit, alam ko namang hindi no'n nababawasan ang sarili kong paghihirap. Ibig sabihin lang, marami talagang may kailangan ng tulong.

All these empathetic thoughts vanished when my block got on stage while the lights were out.

Here's to additional grades.

***

Two more groups performed before the winners were announced. And, when the winner was announced, the people beside me were quiet. I was too. We were only in third place. Walang plus sa grades. Ramdam ko ang dismaya ng mga kasama ko sa block. Medyo sayang ang pagsali ko.

I sighed while staring at the winners who were screaming while jumping and hugging each other. Ang nanalo ay ang pinakaunang block na nag-perform.

Nauna na lang akong umalis sa mga kaklase ko dahil hapon na at gusto ko na maligo at magpahinga. Iyon ang plano ko, pero nang makita ko sa labas ng school si Iggy na inaabangan ako, agad na nagbago ang gusto kong gawin.

"Good afternoon, Diwata." Said Iggy when I walked towards him. "Buko tayo," aya ko dahil hindi ko naman siya maaayang kumain ng pagkain.

Hapit na hapit ako sa natitira kong pera na parang do'n nakasalalay ang buhay ko.

Tumango siya at naglakad kami patungo sa tindero ng buko juice. Bumili ako ng dalawang baso at nagbayad. Inabot sa akin ng tindero ang dalawang plastic cup, at ibinigay ko ang isa kay Iggy.

"Natalo kami ro'n sa competition," sabi ko kay Iggy nang magsimula siyang uminom. "Sayang pagsali ko," dagdag ko saka uminom din.

"Wala kayong award? Mga best in ganito?" lumunok ako. "Third place kami, 'yon lang." He drinks again before speaking. "Okay, malungkot ka, i-feel mo 'yan. Sana after mo ma-feel 'yan, magbago isip mo na 'di sayang ang pagsali."

He drank again as I thought about what he said. "Bakit 'di sayang, sa tingin mo?" I asked him.

"Kasi panigurado namang may nakuha ka pagkatapos sumali, hindi man medalya, mayro'n pa rin 'yan. Gano'n naman sa bawat competition, e. Kunwari, karanasan. Oh! Karanasan 'yong nakuha mo. Ano ba 'yong sabi nila?" he looked at the sky for a moment. "Experience is the best teacher," he continued.

Beginnings Beyond Comfort (Erudite Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon