After that night just like what I promised to Celestina tinabihan ko siyang matulog. At hindi ko alam kung sadiyang papansin lang si adue dahil nakitulog rin siya sa kwarto ni Celestina.
At talagang kinareer na niya ang pagiging magasawa namin kuno.
Alas singko na ng madaling araw ng maalipungatan ako. Binuksan ko ang selpon ko at nakita ang message galing sa isang gangmates namin.
Dahan dahan akong umalis sa kama para hindi magising ang dalawa pero hindi pa man ako nakakaapak sa sahig ay hinawakan na agad ako ji Adue sa palapulsuhan. Hindi iyon mahigpit kaya hindi ako nagreklamo at kinunutan lang siya ng noo.
Halatang naalipungatan lang siya dahil kinukusot pa niya ang mga mata niya na parang bata.
"Where are you going?" Napapaos na tanong niya sa akin. Ginulo niya kaunti ang buhok niya bago umupo mula sa higaan ng dahandahan para hindi magising si Celestina na nakaakap sa isang braso niya.
Bahagyan kong kinamot ang batok ko bago siya tingnan ng deretsyo at sagutin.
"Magbabanyo." Tipid na sagot ko sa kanya pero mukhang hindi siya kontento. "Bakit gusto mo sumama?" Pilyong tanong ko sa kanya.
Got you! I chuckled a little when it hit him. Nabitawan niya ako dahil sa pagkabigla. Told you, mister. Kaya ko rin ang mga ginagawa mo sa akin. Let's see who can endure it longer.
Pagkatapos no'n ay hindi na siya nagsalita kaya naman naglakad na ako papalayo sa kama ng biglang sumagi sa akin ang palad niyang may benda. I wonder kung hindi na iyon masakit? Hindi rin namin napansin iyon kagabi ngayon lang na may tali na ito.
Hindi ko pa ganoon kaalam ang pasikotsikot rito sa mansion ng mga Duncande pero alam ko na kung saan ang mini terrace nila. Malapit iyon sa kwarto ni Adue at ipinakita niya ako noon doon.
Agad kong dinial ang numero ni Yuna ng tatlong beses dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Paniguradong natutulog pa iyon pero kaylangan ko siyang makausap para balitaan silang derating ang kapatid niya.
"Hello?" Napapaos na bati niya sa akin mula sa kabilang linya. Napangisi ako ng mapagtantong tama nga ako. Mukhang naalipungatan lang rin siya tulad ko.
"Yuna, ako 'to." Pagpapakilala ko.
"Oh, Master, bakit?"
"Bumangon ka na riyan. Nasa Airport ang kapatid mo kanina pang alas tres."
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero agad rin siyang natauhan at may bahid ng Inis siyang nagreklamo sa akin.
"May kotse naman siya, ba't hindi na lang magkusa!"
"Just do it, Yuna. Baka may dala siyang mga impormasyon na pwedeng makatulong sa atin."
Matapos naming magusap ay agad niya akong binabaan ng tawag kaya naman napabuga ako ng hangin at tumingin sa paligid. Malawak ang mansion ng mga duncande may isang malaking fountain pa ang nasa may malapit sa gate. Medyo madilim pa kaya hindi ganoon kalinaw at limited lang ang nakikita ko pero hindi nakawala sa paningin ko ang isang lalaking naka-itim at nakatingala sa kinaroroonan ko.
I was about to jump out from the terrace kung hindi lang ako pinigilan ng kung sino.
"Your so reckless!" Panenermon sa akin ni Adue at hinatak ako pababa at kinorneran sa railings ng terrace nila.
Sobrang lapit ng katawan niya sa akin at madilim niya akong tinitingnan.
"Adue, let go." I demand while trying to push his chest. Nang mapagtantong wala talaga siyang balak pakawalan ako ay tumalikod ako sa kanya at muling tiningnan ang kinaroroonan ng lalaki kanina.

BINABASA MO ANG
Love over Gun
RomanceShanaya Liliana Arkande a well known gangster underground. She lead the most powerful gang around Asia. Lies after lies. Trust after Trust. Trust after lies and lies after Trust. who knows... behind every kindness there's something hidden. If ther...