Epilogue

1.3K 27 4
                                        

Ilang buwan na ang nakakalipas mula noong nangyari ang katapusan ng masalimuot kongnakaraan. Mula noon ay napagdesisyunan namin ni Adue na ilibing na lahat ng masasakit na pangyayari na dinanas namin.

"Baby, dahan-dahan sa paglalakad." Napatingin ako kay adue noong binitawan niya ang hawak niyang kutsilyo at lumapit sa akin para alalayan akong bumaba ng hagdan.

Napangisi ako nang makita ang pag-aalala sa mukha niya.

Sobrang laki na ng tiyan ko at halos hindi ko na makita ang inaapakan ko sa may hagdan. Mabuti na lang at may hawakan.

Malapit na lumabas ang mga anak namin ni Adue. Naramdaman ko ang mga kamay ni Adue sa mag balakang ko at inalalayan niya akong bumaba.

I hated it when he carry me. Mas nakakatakot pa iyon dahil baka mabitawan niya kami sa may hagdan. Kaya panay ang reklamo ko sa kanya.

"You should just stayed on our room, baby." Saad niya habang pababa kqmi ng hagdanan.

Napanguso naman ako at hinampas siya.

"Mabubulok na ako roon. Saka sabi ng doctor mabuti raw at maglakad lakad ako. Asan pala si Celestina?" Takang tanong ko.

"Nasa garden siya sa kabilang mansion. " napatingin ako kay Adue nang sabihin niya iyon. Doon nakalibing ang panganay namin. At nagpapadala na ang pagpunta roon ni Celestina.

"Napapadalas na siya roon ah?" Hinalikan ako ni Adue sa may noo bago sagutin.

"She's talking to her younger brother. " napangiti naman ako sa sinabi ni Adue. Celestina wanted to be called ate instead of tita or aunt. Since she's still seven Adue and I decided to legally adopt Celestina as our kid. Tuwang tuwa naman siya at wala pang isang araw mula noong sinabi namin sa kanya na leagal na ang adoption namin sa kanya at pwedeng daddy at mommy na ang itawag niya sa amin ay iyon na ang tawag niya sa amin.

"Does your tummy hurt?" Napatingin ako kay Adue nang tanungin niya ako non.

"No, why?" Takang tanong ko.

"Nothing, baby. Just making sure. Malapit na lumabas ang mga anak natin."

Nagluluto siya ngayon kaya nasa kusina kami pareho. Nakita ko ang selpon niya at sakto namang tumunog iyon kaya dinampot ko.

"Adue, Limuel is calling," saad ko at pinakita ang  screen ng selpon sa kanya.

"Answer it, baby." Saad niya at pinagpatuloy ang pagluluto.

"Bro! Tangina, nagiging tatay na rin ako!" Nailayo ko ang tenga ko mula sa selpon ng marinig ang malakas na boses ni Limuel mula sa kabilang linya na pati si Adue ay nakasulat sa akin.

"Yuna is pregnant! Damn, hindi muna ako maiinggit! Magiging tatay na rin ako!"

Halos malaglag ko na ang selpon ni Adue dahil sa mga sinasabi ni Limuel mula sa kabilang linya.

Tama ba ang narinig ko? Si Yuna?

"Anong sinabi mo?!" Hindi ko napigilan at napasigaw na ako. Maging si Adue ay nataranta at agad pinatay ang niluluto at pumunta sa tabi ko.

"Hey, what happened?" Tanong niya agad at kinuha ang selpon mula sa akin.

Agad ko naman siyang nilingon at pinantayan ang tingin.

"Yuna is pregnant... omg! She's pregnant!" Sigaw ko at agad yumakap sa leeg ni Adue.

Narinig ko ang pagkatawag ng ilang tao sa kabilang linya kaya napatingin kaming sabay ni Adue roon.

"Pambihira! Makasigaw ka kanina!" Sabi ni Limuel mula sa kabilang linya.

"Pambihira, Esto, inunahan ka na ng mga nakababatang kapatid mo!" Pangaasar nila Dylan mula sa kabilang linya.

Sabay sabay naman kaming napatawa dahil sa sinabi ni Dylan. Well, tama naman sila. Esto treat me also as his younger sister. At ngayon parehas na kami ni Yuna na buntis at si Esto tamang babysit pa rin sa amin. Wala pa ring nobya ang gago.

"Adue!"

"Shit! Tangina! Urgh!

Halos bumabati na ang mga kuko ko sa balikat ni Adue dahil sa sakit ng baba ko.

Why?! Why does no one inform me na ganito pala kasakitan kasakitan manganak.
"A-adue!"

"Shit, baby... kaunti na lang please bear with it!" Natatarantang saad niya. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko matapos kaming makarinig ng iyak ng bata.

"Ma'am, sir! Lalaki po ang nauna!"

Agad kaming nagkatiginan ni Adue dahil sa sinabi ng doctor. "Nurse, paki hawak muna si baby mukhang gusto na rin lumabas nong isa.

Kumpara sa nauna ay mas naging madali ang paglabas ng babaeng anak namin ni Adue.

"Thank you, misis ko..." bulong sa akin ni Adue bago ako bigyan ng halik sa noo.

Nginitian ko siya bago tumingin sa bagong silang naming mga anak.

We named them Aziri Adue para lalaki at sa babae ay Shande Leonela. We still considered our first born Azuel Leo our baby hero.

Hindi naging madali ang buhay namin bilang first time parents lalo na sa akin. Mabuti na lang at may experience si adue kay Celestina kaya kahit papaano ay hindi ganon naging mabigat ang unang taon namin bilang magulang.

Sa unang birthday ng kambal ay sa may garden ginanap ang venue. Hindi naman bongga ang ginawa namin salo salo lamang.

Habang tinitingan namin ang garden kung saan nakalibing ang panganay namin hindi ko maiwasang maluha.

"Shh... I know, he's watching us." Bulong sa akin ni adue habang buhat buhat niya ang lalaking anak namin.

Nginitian ko siya. "Habang lumalaki sila gusto kong makilala nila ang kuya nila kahit hindi natin siya nakita."


"Let's do that, baby. After all our first born is the reason why his siblings are with us. Our baby hero will never be forgotten. I love you even how many guns went after us i will always love you.. I will always love our childeren just like how much I love you... "





Love over GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon