💰Money 44💰

941 28 0
                                        

I really thought everything is going smoothly because there's no active action coming from my father and his organisation. 

Ilang buwan din tumahimik ang buhay namin dahil wala kaming involvement at naging connection underground.

Pero talagang panandalian lang ang kasiyahan.

"Kuya, Angie is kidnapped!" Umalingawngaw sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Yuna.

She'd never joke around. Kaya noong sinabi niya iyon ay nagulantana kaming lahat.

"Saan kayo huling pumunta?" Nagaaalalang tanong ni Dylan. And for hell minsan lang namin makitang lumuha si Yuna. She's at her breakdown.

"Sa mall kami pumunta. She told me na magbabanyo lang siya pero nagkagulo sa mall. At may mga armadong lalaki ang pumasok doon." Pagpapaliwanag ni Yuna at sinusubukang pakalmahin ang sarili.

"Check the cctv footage, Esto. Hack their system. We need to find her." Pag-uutos ko.

Adue goes out for a while kaya noong bumalik siya ay nagulat siya sa nadatnan.

"What's happening?" Tanong niya.

Walang sumagot sa amin dahil lahat kami ay abala.

I heard my phone rang kaya kinuha ko iyon sa may mini table at sinagot.

"You must know what happened, sister?" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Syto sa kabilang linya.

"Damn you all! Pakawalan niyo ako!"

That's Angie's voice.

"Angie! Tangina Syto, saan niyo dinala si Angie!" I shouted because of anger. Nakuha ko ang atensyon ng lahat kaya lumapit sila sa akin. I signalled them not to go near me kaya tahimik lang silang nakikinig sa paguusap namin ni syto.

"Chillax, wala pa kaming ginagawa." Tumatawang saad niya mula sa kabilang linya.

"Tarantado ka ba?!" Hindi ko naiwasang sigaw.

"Oh? That's unusual of you? Is that the effect of being drowned?" Nangiinsultong sabi niya.

I felt Adue's dark presence napansin ko rin ang pagkuyom ng kamao niya.

"What do you want, Syto?" Kalmado pero may diin na tanong ko sa kanya.

"Simple lang naman. Show yourself here and I will return this precious friend of yours. At kapag hindi ka pumunta, alam mo na ang mangyayari."

Pagkasabi niya non ay agad kong ibinaba ang tawag nagmadali akong umakyat sa kwarto ko dito sa hideout at hinalungkat ang mga armas na tinatago ko.

"Liliana, fucking watch your steps!" Sigaw ni Adue.  I don't why he was over reacting when I usually do this.

Agad akong bumaba at nakita kong nakaayus na rin sina Esto.

Madilim ang mga mukha nila.

"You're not going." Kalmado pero may diin na sabi sa akin ni Adue.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Angie's life is in danger what do you expect me to do!" Sigaw ko.

"Shanaya just stay here kami na ang bahala." Halos malaglag ang panga ko ng pati sina Esto ay sabihin iyon sa akin. Anong nangyayari?

"Nahihibang na ba kayo?!" Sigaw ko. Pero mukhang wala lang sa kanila iyon.

"Adue, stopped her mauuna na kami." Utos ni Esto kay adue na agad namang ikinatango ni adue.

Lumabas ang lahat at tanging kami na lang ni Adue ang naiwan sa hideout. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya ng harangue niya ang dadaanan ko papunta sa pintuan.

Love over GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon