💰Money31💰

994 23 2
                                        

Gaya ng inaasahan kong reaction ni papa ay nagaalboroto nga talaga siya sa galit.

3 of the Moondrel influenced holder died. At mamayang gabi ay magiging apat na.

"Come here. ASAP! Find and kill the person behind this!" Sigaw niya mula sa kabilang linya. Na ikinangisi ko.

Find? Paano ko hahanapin kong ako nga na maghahanap ang may gawa?

Kung ako si Adue ay iniisip ko na na nasisiraan na ako ng bait. Dahil kasi sa sobrang tuwa ay hinahampas hampas ko pa ang arm chair ng passenger seat.

Binaba ko ang tawag at liningon si Adue.

"Sa Moondrel tayo." Pagkasabi ko palang non ay umasim na ang mukha niya.

He don't like the idea.

"Are you going to see your father?" tanong niya.

"Who else? Hindi naman ako pupunta roon para tumambay."

"Just make sure na wala kang pasa na uuwi." Pagkasabi niya non ay tumahimik kami buong byahe.

I was in a deep thought kung mamayang gabi ko ba gagawin ang pagpatay sa ikaapat na sangay ng moondrel o sa susunod na lang. Isa lang kasi ang ibig sabihin non.

Para makatakas ako mamayang gabi kailangan ko na namang patulugin si Adue. You know, he's like a big baby. Hinahayaan ko siyang matulog habang yakap yakap ako.

Ang sabi niya kasi ay mas hinihila at mas mahimbing ang tulog niya pag naaamoy niya ako. And I fall for that trick. I know that he was flirting so I did too. In order for my plan to go on my ways I need to do so.

"Medyo late ako mamaya. May lakad kami ni Limuel."

Nilingon ko siya at kinunutan ko siya ng noo. Bakit 'to nagpapaalam sa akin?

Hindi naman niya ako kaylanagn i-inform. Kahit umiei siya sa oras kung kailan niya gusto.

"Whatever, Adue." I rolled my eyes on him bago ako bumaba sa kotse niya.

Agad aking pumunta sa opisina ni daddy at bumungad sa akin ang nagkalat na mga documents sa sahig. Pretenteng nakaupo siya sa swivel chair niya habang may hawak hawak na alak.

Oh, he's drunk. At mukhang nakahithit rin dahil sa itim ng ilalim ng mata niya.

"Oh, ang magaling kong anak!" Bati niya sa akin na mas ikinairita lang ng pagkatao ko.

Anak? Saka lang naman niya ako tatawagin ng ganyan dahil may kailangan siya. He need me for something.  The reason why he's calling me that.  Using that to have control on me. Pero wala na iyang talab ngayon.

He used that to let me know na wala akong karapatan I-object siya kasi anak niya ako at kailangan ko siyang sundin.

"Bakit po." I asked with my blank face.

This is what he thought me. To be a cold-hearted, heartless person. He believed that showing emotions is a weakness and look at him now?

Pambihira. Minsan talaga kung sino pa yung nagtuturo sila pa yung hindi maturuan yung sarili nila.

"Talk with your brother. Asked him to find out the traces behind this happenings in our organisation. You asked him and if he find out something you do the killing." Sabi niya bago uminom sa hawak niyang baso ng alak. Tumayo siya mula sa pagkakaupo bago pumunta sa isang kabinet hindi kalayuan sa kanya.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bakit ako pa ang lalapit sa gagong 'yon? "Dad, he's nor my brother. At ayokong gawin ang sinasabi mo. I'll just rather do it by myself. " 

Love over GunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon