STELL
Ang dami ng nangyari dahil ilang taon na rin ang lumipas. Unti unti kong pinagtatrabahuhan ang mga pangarap ko. Hindi naman agad agad yung pangarap e, ang mahalaga ngayon kahit papano nagsisimula ng makilala ang grupo namin.
5 kami sa grupo. Ang dami na naming pinagdaanan ng magkakasama. Muntik ng sumuko pero go parin kami para sa pangarap. Medyo nakikilala na nga kami kahit papaano dahil lumalabas na rin kami sa tv at nakakapagperform na rin sa mga kilalang tv stations. Masaya kami dahil unti unti naming nakikita ang goal namin, malayo pa pero kakayanin namin.
"Stell! Dami views ng dance cover nyo ni KC ah, kagabi lang yon? San kayo kagabi?." tanong ni Josh sakin. Isa sa kagrupo ko sa SB19 sya ang pinaka matanda. Pero di naman sobrang tanda ah.
"Oo nasa studio nila ako kagabi kami ni Jay nagmessage kasi ako sayo di ka naman sumagot tas nakita ko nag sstream ka. " sabi ko sakanya.
Matagal na kaming magkakilala ni Josh dahil bago pa magkaroon ng SB19, magkasama na kami sa isang dance group na nagcocover ng mga Kpop songs.
"Oo nga e. E naisip ko rin na wag na muna sumunod nagpahinga nalang ako pagkatapos ng stream, siguradong madami nanaman tayong gagawin." - Josh
"Tama kayo jan mga Kuya dahil today ay may meeting tayo para sa next EP natin." eto na pala si Justin, ang bunso. Kasama rin namin sya sa group at isa sya sa mga creative director namin ngayon sa next EP namin. Isa sya sa mga punong abala sa lahat.
"Ano oras na nga meeting natin Jah? Natapos ko na yung huling kanta kagabi. Sakit ng ulo ko di pa ko masyado nakatulog." si Pablo. Ang leader. Sya ang utak ng grupo namin. Sya ang pinuno ng mga pinuno.
"10am. Dadating na rin stylist natin ngayon alam ko dahil ang dami kong naiisip kailangan ko ng ilabas to. Teka wala pa si Ken?." - Jah
Biglang may pumasok sa pinto.
"Here. Traffic. " this is Ken. The main dancer. Wala ako masabi masyado kasi di rin naman masyadong nagsasalita to. May time lang talaga na jolly sya pero talaga ganito lang sya mysterious.
Nagpunta na kami sa conference room ng studio namin. Etong studio kasi namin ay all in one na. Although di naman sya kalakihan kahit papano ay kasya naman na ang mga need namin dito. May conference room, may dressing room, may mga maliliit na office, recording studio at dance studio. The Zone ang tawag namin dito. Uy may pantry din dito noh kahit papano.
"Ang dami ko talagang naiisip Pau. Naeexcite na ako sa mga mangyayari." sabi ni Justin na ni nanaman mapakali.
"Kumalma ka Jah, mailalabas mo rin lahat yan mamaya. Wait pa natin ibang staff padating naman na mga yun." sabi ni Josh kay Jah(Justin).
Habang naghihintay ay nagbabatuhan parin kami ng iba pang plans and ideas na gusto namin mangyari sa EP. Eto naman ang maganda sa grupo namin, tulungan kasama ng mga staff namin. Pareparehas kami ng goal kaya kailangan ay magkaintindihan talaga kami.
Nagsisipagdatingan na ang mga staff kaya nadadagdagan na kami sa conference room at umiingay na rin.
Biglang may tumunog na phone.
"Hello." sa staff naming phone yun hindi sakin.
" Ah yes Ms. M. Okay I'll pick her up outside. Yes Ms. thankyou!." sabay baba ng phone. Actually nakatingin kami sakanya lahat.
"Si Ms. M nagcall. Nasa labas na daw yung inassign nyang stylist para satin teka sunduin ko." sabi ng staff.
Lumabas na sya para sunduin ang stylist.
"Alam mo ba Pau ang ganda ng pinakitang isusuot natin para sa MV. Nakita mo na ba?." tanong ni Jah kay Justin.
"Uy patingin naman!." sabat ko.
"Teka iopen ko Stell wait lang ganda grabe naastigan talaga ako. 3 design palang to e parang on going pa yung 2 para makumpleto. Sabagay matagal pa naman ilang months pa keri pa. Teka bagal naman ng net!." - Justin
Biglang bumukas ang pinto.
"Guys she's here."
Pagpasok ng stylist ay natulala nalang ako. Parang bumalik lahat ng mga alala sa isip ko. Bumalik yung sakit at pait na naranasan ko ng iwan nya ako. Para akong sinasakal dahil hindi ako makahinga sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko.
Miyasha.
AUTHOR'S NOTE: This is a fanfiction story. May mga pangyayari po dito na hindi talaga tugma sa timeline sa totoong timeline ng boys. Pasensya na po sa mga typos and wrong grammar. Para po sa mga naunang nakabasa na ng story yes po nag revise po ako. Nag iisip po kasi ako kung paano po sya magiging catchy para sa reader. SLMT mga kaps! Happy reading!! :D
BINABASA MO ANG
Chances of Love
FanfictionThis is a story about Stell and Misha that separated many times in many circumstances. How many chances are there for their love? "Ilang sakit at pait pa ba ang dapat kong matikman bago mo ako tuluyang piliin?." - Stell A U T H O R ' S N O T E : T...