MISHA
Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Stell sa trabaho. Hindi rin sya bumababa sa boutique pwera nalang kapag nagbibihis silang grupo. Hindi rin masyadong tumatambay ang mga staff dahil busy sa mga schedules. Si Jah paminsan minsan bumababa at Ken pero si Jah lang kumakausap sakin. Si Pau naman din ay hindi rin ako kinakausap. Si Josh ay palaging kasama ni Stell.
"Kain na tayo Misha." aya sakin ni Moira.
Umiling lang ako at nagsimula nanamang umiyak. Simula ng pangyayaring yun ay madaming nagbago hindi lang saming dalawa ni Stell kundi sa lahat din. Although professional naman sa work pero hindi na tulad ng dati na kapag may free time ay tinatambayan nila ako. Alam ko na nadisappoint silang lahat dahil nasaktan ko nanaman si Stell.
"Misha, you know na kailangan mong kumain."
"Moi, gusto kong magpaliwanag sakanilang lahat lalo na kay Stell pero paano. Natatakot din ako na magkalapit kaming muli ni Stell dahil alam ko na may nakamasid na sakin simula nung dumating si Taiki dito. Natatakot ako sa mga mangyayari." iyak ko kay Moira. Naramdaman ko na hinimas himas nya ang likod ko para macomfort ako.
"Misha, please wag kana magpakastress. Hindi makakabuti sainyo yan. Please?."
Pinilit kong kumalma at kumain na rin. Habang kumakain kami ay may nagdoorbell kaya tumayo si Moira para buksan. Pagbalik nya ay may dala syang bouquet ng bulaklak. Agad ko namang tingnan ang nasa card.
(Dinner at 7pm. Grand Hotel.)
Nakita ko ang nakawatermark na Takahashi Inc., kaya alam kong si Taiki yun. Kinabahan akong muli pero alam ko na kailangan kong pumunta dahil kapag may sinabi sya ay alam kong tototohanin nya.
"I'll come with you Misha." sabi ni Moira ng makitang nag aayos na ako para makapunta sa hotel na sinasabi ni Taiki.
"Maraming tao dun Moira, hindi nya ako sasaktan kapag sobrang daming tao at public place." sabi ko.
"Misha for God's sake you are pregnant! What if kaladkarin ka nya sa private room at saktan! Misha please let me come with you. Kahit sa malayo lang ako. "
Nakita kong nangingilid na ang mga luha sa mga mata ni Moira. Alam kong sobrang takot na takot si Moira para sakin dahil na rin sa sitwasyon ko. Niyakap ko sya.
"Please Misha."
Tumango naman ako kaya nag ayos na rin sya. Tulad ng napag usapan ay sinamahan nya ako pero magkahiwalay na sasakyan ang ginamit namin para hindi rin mahalata ni Taiki.
Pagdating ko sa restaurant ng hotel ay agad kong nakita si Taiki na naghihitay sa table na pinareserve nya. Madaming tao sa paligid kaya panatag ako na hindi nya ako masasaktan ng basta basta.
"I want to talk about our wedding."
Napatingin ako sa sinabi nya.
"Taiki, ano bang pwede kong gawin para tigilan mo na ako? Please Taiki. Alam ko naman hindi mo ako mahal."
"Mahal na mahal kita Misha unang kita ko palang sayo." hinawakan nya agad ang kamay ko at pinisil ng madiin.
"Taiki kung mahal mo ako hindi mo ako sasaktan at papakawalan mo ako." nanginginig kong sabi dahil lalong dumidiin ang hawak nya sa kamay ko.
"Mahal na mahal kita kaya nagagawa kitang saktan dahil sinusuway mo ako." madiin nyang sabi.
Binitawan nya ako ng dumating ang inorder nyang mga pagkain.
"Kung ayaw mo akong pakasalan bayaran mo ako ng 50 milyon pesos na syang ginastos namin para masalba ang kumpanya ng tito mo. Kung tatakasan mo ako ulit kaya kong sirain ang mga pangarap mo at ng lalaking mahal mo Misha alam mong kaya kong gawin yun." pagbabanta nya.
BINABASA MO ANG
Chances of Love
FanfictionThis is a story about Stell and Misha that separated many times in many circumstances. How many chances are there for their love? "Ilang sakit at pait pa ba ang dapat kong matikman bago mo ako tuluyang piliin?." - Stell A U T H O R ' S N O T E : T...