MISHA
3 months ago natapos ko ang short course ko for fashion designing. After non ay nagkaroon ako ng communication sa teacher namin dahil nakita nya rin ang mga gawa ko. Sa 3 months na nagdaan ay medyo nagbago ang routine ko, after ng work kapag alam kong wala naman appointment si Tito ay nagpupunta ako kay Ms. Moe para mas lumawak ang matutunan ko sa Fashion Designing at mas matuto pang gumawa ng mga damit.
Nandito ako ngayon sa mall para maglibot at bumili na rin ng kung ano mang makita ko na need bilin. Isa ito sa mga araw na maluwag para sakin. Mamaya pa naman kami magkikita ni Ms. Moe dahil may need daw kaming pag-usapan. Naglalakad lakad ako ng may biglang humawak sakin na batang babae.
"Huh? Hello! Konnichiwa!" bati ko sa bata sabay upo para magkapantay kami.
"Hina-chan!" tawag ng lalaking lumapit sakanya.
Napatingin naman ako.
"Stell?"
"Miyasha?" gulat ang itsura nya ng makita ako.
Napatayo na ako.
"Miyasha!" niyakap ako ni Stell.
"That is why she's familiar." sabi ng bata. Siguro nasa 6-7 years old na to.
"Huh?" taka ko.
"Your Kuya Stell's girlfriend." sabi ng bata.
"Hey Hina stop. She's my classmate when I was in highschool and we are friends. Right?" sabay tingin nya sakin.
"Teka teka Stell. Nabibilib ako kasi ang galing mag English ng bata. Kaano ano mo sya? Bakit nandito ka?" sunod sunod kong tanong.
"I want to eat Tito. I'm hungry!" sabay crossarms pa ni Hina-chan.
"Ahm Miya tara kain tayo, please?"
Hindi pa ako sumasagot dahil nag isip pa ako. Di pa nag sisink in sa utak ko na si Stell ang kaharap ko.
"Miya please? Wag mo ko tanggihan please. Ang tagal na natin di nakikita please Miya gusto kitang makausap." para naman akong naawa sa pakiusap ni Stell.
"Okay sige tara."
Pumunta muna kami sa isang shop para kumain. Nakaorder naman kami agad mabilis din namang naserve ang pagkain namin kaya kumakain na kami. Para namang nakahinga ng maluwag si Stell ng makitang nagsisimula ng kumain si Hina-chan.
"Pinsan ko nga pala. Si Hina. Ako yung nag aalaga, naghahatid sundo sakanya sa school at nag aasikaso."
"Dito kana mag sstay? Or temporary visa ka lang?" tanong ko.
"Visiting relatives lang visa ko for 6 months, ika 5th month ko na ngayon. 1 month nalang ako. Magbabakasyon narin naman si Hina at magiging okay na rin ang sched ng Tita ko sa work nya. "
"Ah, ang bilis naman pala 1 month ka nalang."
"Malapit ka lang ba dito?" tanong nya.
"30 mins away pero kaya ibike. May pinupuntahan lang ako dito malapit na kaibigan at saka yung mall kasi na to nandito yung iba kong needs."
Natahimik na kami saglit after ng usap na yun.
"Miya, pwede ba tayo magkita sa 1 month na yun? Please? "
Ngumiti ako sakanya. I won't miss this chance para makasama si Stell kahit 1 month lang.
"Yes na yang ngiti mo ah."
Tumango lang ako.
After namin kumain ay nagkwentuhan lang kami saglit at nagpaalaman na.
"Hindi naman sa excited akong makasama ka ulit pero parang ganun na nga. Pwede kaba bukas?" tanong nya sakin.
BINABASA MO ANG
Chances of Love
ФанфикThis is a story about Stell and Misha that separated many times in many circumstances. How many chances are there for their love? "Ilang sakit at pait pa ba ang dapat kong matikman bago mo ako tuluyang piliin?." - Stell A U T H O R ' S N O T E : T...