BERRY 16

78 4 1
                                    

MISHA

"Hello Ms. Zarina this is Ms. Misha Tanaka our Head Stylist/Designer. Ms. Misha this is Ms. Zarina, KAIA's Head Producer/Manager ." pakilala ni Ms. Nica.

Nagshake hands naman kaming dalawa.

"This is KAIA Ms. Misha. Kindly introduce yourselve girls." sabi ni Ms. Zarina.

Inintroduce naman nila ang kanikanilang sarili.

"Hello po I'm Angela."

"Hi po I'm Charice."

"I'm Charlotte po"

"I'm Alexa po."

"Hello po! I'm Sophia. Nice to meet you po."

"Nice to meet you din girls." ngiti ko naman sakanila.

"We saw your designs sa MV ng SB19 and it was all amazing! Kaya agad akong tumawag dito kay Ms. Nica to ask if pwede rin bang ipabihis ko tong girls sayo." panimula ni Ms. Zarina.

"Yes Ms. Zarina, nung marinig ko nga yun ay natuwa po ako kasi isa sa mga goal ako ang magbihis ng mga girl group din po." sabi ko naman.

"Call me Ms. Z para di na rin ganun kahaba and also that's what everybody calls me." sabi naman ni Ms. Z at ngumiti.

"Thank you Ms. Z. So, eto po ang mga designs na naisip ko na pwede nilang maisuot sa performance nila sa Wish." sabi ko at pinakita na ang mga designs sakanila.

Nagresearch naman na ko ng MV nila at mga ibang performances nila sa youtube kaya medyo may pattern na rin ako na alam kong magugustuhan nila.

"Wow! Ang ganda nakakaexcite naman magsuot ng mga gawa nyo po Ms. Misha." sabi ni Sophia.

"I prefer this design." sabi ni Ms. Z na kinuha ang blazer na zebra animal print na pinartneran ng black leather cycling shorts.

"Okay Ms. Z. I have 3 more sets pa na kasama ng design na yan. Since 5 sila I will design one more and send it to your email for approval." sabi ko naman.

Kinuha ko ang 3 pang set na kasama ng napili nilang design at tuwang tuwa naman sila .

"Pwede po ba naming isukat?." tanong ni Angela.

"Yes sure kaya lang yung isa wala pa okay lang ba?." sabi ko naman sakanila.

"I want to reserve myself sa huling design Ms. Misha."nakangiting sabi ni Sophia.

"Ikaw talaga Sophia pa excite ka talaga," natatawang sabi ni Alexa.

"Okay okay . Try it girls dito tayo sa fitting room." sabi ko na iginiya naman sila sa fitting room.

Katabi lang yun ng dressing room ng SB19 kaya nakita nila ang nakapaskil na "SB19 WARDROBE".

"Wow! Ang swerte naman ng mga kuya natin may wardrobe rin sila dito." sabi ni Charice.

Ngumiti ako sakanya.

"Syempre huy PPop Kings yung mga yun." sabi naman ni Charlotte.

Sinukat na nila ang mga damit. Nagpalit palit sila sa pag susuot para makita kung ano ano ang bagay ng bawat isa. Tulad ng sinabi ni Sophia, hindi sya nagsukat ng para sakanya kaya nakitulong nalang sya sa pag aassist sa mga kagroup nya. Natuwa naman ako sa samahan nila. Para silang magkakapatid na pupunta sa gimikan at naghahanap ng isusuot nilang damit.

"Gusto ko sana tong design na to kasi medyo konti lang yung iaadjust para sakin kaya lang sakto pala sya kay Angela kaya okay sige sya nalang mag suot." sabi ni Charice na pinaubaya na ang gusto nyang damit sa kakambal nya.

Chances of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon