STELL
Grabe pagod for todays ganap. Nakatapos na kami ng ilang scenes ng MV namin nakapag island hopping pa kami. Nakakaenjoy talaga at nakakarefresh kahit na may halong trabaho ang bakasyon na to.
"Stell!." sigaw ni Pau pagpasok sa room namin humahangos pa syang pumunta sa kama ko at itinapat agad ang hawak na phone sakin.
Clip sa live kagabi ni Jah kung saan nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Misha habang nasa likod nya ako at nakayakap sakanya. Saglit lang naman ang clip parang nahagip lang kami pero kita talaga ako.
"Kumakalat na to ngayon sa social media." sabi ni Pau sakin after ko mapanuod ang clip.
Bigla namang pumasok si Jah sa room namin.
"Sorry hindi ko napansin yun Pau. Sorry talaga Stell." nag - aalala ang mukhang sabi nya.
"Alam nyo hindi naman tayo bawal magkaroon ng girlfriend e kaya lang ang syempre paano naman ang privacy ng relationship nyo?I know na may mga A'tin na makakatanggap sakanya pero syempre alam nyo naman diba na we really can't please everyone. " mahabang sabi ni Pau samin.
Dumating na rin si Josh at Ken na parang wala namang alam.
"Anyare bakit ang seryoso ng mga mukha nyo?." tanong ni Ken.
"Alam na ba ni Miya?." tanong ko na hindi sinagot si Ken.
"Stell tingnan nyo to!." bungad ni Ms. Nica pagpasok ng room namin kaya napalingon kaming lahat sakanya.
Dahil clueless si Josh at Ken ay pinanuod nya ang pinapakita ni Ms. Nica sa phone nya.
"Damn pre." yun lang ang nasabi ni Josh.
"Guys can I go check on her?." paalam ko sakanila.
Sumang - ayon naman sila kaya agad akong nagpunta sa room nila.
"Yes?." sabi ni Moira na nasalubong ko sa hallway at papasok palang sa room nila.
"Si Miya?." tanong ko.
"Alam ko nandito sa room nauna syang bumalik dito e." sabi nya sabay bukas ng pinto .
Pagpasok namin ay madilim ang room nila. Pagbukas ng ilaw ni Moira ay nakita namin si Miya na tulog sa bed nya.
"Can I stay here hanggang sa magising lang sya?."
"Yeah sure. Magchacharge lang naman ako ng phone tas balak ko naman lumabas dahil tatambay kami nila Jah sa seaside hanggang sa magdinner." sabi nya.
Nakita kong nagcharge lang sya ng phone nya at nagpaalam na rin na lalabas na. Pagkalabas nya ay lumapit ako sa bed ni Miya at tumabi sakanya.Sa pagtabi ko sakanya ay nagising sya.
"Anong oras na?." tanong nya sakin. Humarap sya sakin at yumakap sa bewang ko dahil nakaupo ako at sya naman ay nakahiga.
"6pm na. 7pm dinner time na ulit natin." sabi ko sakanya.
Bumangon na sya at umupo na.
"Miya, I have something to tell you."
Tumingin lang sya sakin. Sinabi ko na sakanya ang tungkol sa clip. Pinakita ko pa sakanya ang video gamit ang phone ko.
"So we are now public? Or pwede mo naman akong ideny."
Napatitig ako sa expression nya na parang... wala lang.
"I-deny?." sabi ko.
Tumayo sya.
"Mag - ayos na ako ah. Para before 7pm makababa na." sabi nya. Akmang papasok na sya sa cr pero hinabol ko sya at niyakap.
BINABASA MO ANG
Chances of Love
FanficThis is a story about Stell and Misha that separated many times in many circumstances. How many chances are there for their love? "Ilang sakit at pait pa ba ang dapat kong matikman bago mo ako tuluyang piliin?." - Stell A U T H O R ' S N O T E : T...