BERRY 22

90 4 0
                                    

MISHA

"We will perfrom in 10 minutes please proceed na po sa backstage." sabi ng staff sa KAIA.

Nandito kami ngayon sa Araneta dahil Ppop Concert ngayong gabi. Halos lahat ng Ppop Group ay nandito para magperform.

"Goodluck!." sabi ko sakanila.

Paglabas ng girls ay inayos ko lang ang ibang gamit bago ako pumunta sa dressing room ng SB19. Isang buwan na ang nakakalipas simula ng malaman ng SB19 at mga staff ang kalagayan ko. Tanging kami kami lang ang nakakaalam nito. Everytime na lumalabas ako ay laging mahaba at maluluwag ang mga damit na sinusuot ko para hindi masyado mahalata ang umuubok ko ng tyan. Pagdating ko ay nag aayos na rin sila dahil dalawang Ppop group nalang ang magpeperform at susunod na sila.

"Kumain ka na ba?." tanong ni Stell sakin na kakalapit lang at may dalang sandwich.

Tumingin lang ako sakanya at tumayo para umiwas. Simula nang malaman nya na buntis ako sa anak namin ay wala na syang tigil sa pagkulit sakin. Palagi syang nasa boutique. Palagi syang may dalang pagkain at mga prutas para sakin.Palagi nyang tinatanong kung ano ang mga gusto ko pero ni minsan ay hindi ko sya sinagot.

"Misha yung accessories pala para kay Pau? Yun nalang yung kulang di pa sya nasusuotan." sabi ni Mima James sakin.

"Sige Mima ako na magsusuot sakanya. Nasa bag ko pala hindi ko nailagay sa lalagyanan nila." sabi ko.

Pagkakuha ko ay lumapit si Pablo sakin.

"Ang cold mo naman." sabi nya.

Hindi ko kasi sya pinapansin.

"Misha, talk to him naman. Maawa ka naman sa tatay ng anak mo." sabi nya. "Misha, nandito kaming lahat para saluhan ka sa nararamdaman mo. Nandyan din si Stell para damayan ka sa lahat ng problema mo at ngayon sa pagbubuntis mo. Bigyan mo naman ng chance ang sarili mo na magkaroon ng kasama sa mga kinakaharap mo hindi yung palagi mo nalang sinasarili." napatitig lang ako saglit sa sinabi nya sakin.

Dahil tapos naman na ang paglalagay ko ng accessories sakanya ay hindi parin ako nagsalita sa mga sinabi nya at piniling umalis nalang sa harapan nya.

Sumama ako sakanila papunta sa backstage dahil gusto ko rin manuod ng performance nila. Pagkatapos nilang magperform ay sumabay din ako sa pagbalik sa dressing room. Malapit na kami sa dressing room ng muntik na akong matisod buti nalang may nakasapo sakin.

"Sabi na kasing wag na magheels e." sabi ni Ken na nakasapo sakin.

"Mababa lang naman." sagot ko.

"Kahit na mababa. Delikado parin yan. Okay lang naman na maliit ka Miya bagay parin tayo. " sabi ni Stell na di ko na namalayan na nasa tabi ko na. "Saka isipin mo naman paano kung natisod ka paano na ang baby boy ko." pahabol nya pa pero pabulong nalang dahil biglang dumating ang Alamat.

"At sino namang may sabi na boy to ha." pabulong pero inis kong sabi.

"Miya, alam ko yan galing sakin yan eh." kumindat pa sya at tuluyan ng inentertain ang mga member ng Alamat na nakikipagkwentuhan na kila Josh.

Napailing naman ako at naitago ang ngiti sa labi.

"Hi Ms. Misha!." napalingon ako sa bumati sakin.

"I'm Mo of Alamat." inilahad nya yung kamay nya kaya tinanggap ko naman para magshake hands.

"Pwede ka bang mainvite mamaya after ng event para kumain bago umuwi?." deretso nyang tanong kaya nagulat ako. "Friendly date lang naman Ms. Misha." pahabol nya pa sabay ngiti.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Stell na nakatingin sakin ng masama. Inirapan ko naman sya.

"Hindi pwede." nagulat ako dahil biglang sumulpot si Josh. "Maaga pa ang schedule namin bukas kaya hindi pwedeng mapuyat mabuti si Misha." pagkatapos sabihin non ay agad naman umalis si Josh para lumapit kay Stell.

Chances of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon