MISHA
"Yung footwear nila para sa military suit okay na ba?." tanong ni Mima James sakin.
"Yes Mima. Actually idedeliver sya sakin bukas." sagot ko.
After namin mag usap ni Stell kanina ay nakita kong naging okay na sya kahit papano. Ako naman ay nakahinga na rin ng maluwag. Nandito na kami ngayon sa conference room para pag usapan ang iba pang details para sa mga susuotin nila kaya ang nandito lang ay ang SB19, si Mima James at Xianne.
"Okay okay. Nakita ko na sya sa picture. So yung darating bukas e yung masusuot na talaga noh?." - Jah
"Yes. May contact na rin kasi si Ms. Moe para sa mga gagawa ng footwear." sabi ko.
"Meaning complete talaga kayo noh? Grabe ang swerte natin nakakita na tayo ng all in 1 na stylist." para namang kinikilig si Mima James.
Ngumiti naman ako.
"Okay so yun nalang bukas na ulit ang next meeting." sabi ni JP.
Sumang ayon naman kaming lahat at naghanda na sa pag uwi.
"Misha maglilipat ka diba ngayon? Kailangan mo ba ng tulong?." tanong ni JP sakin.
"Maayos naman na daw sa condo bali yung mga maleta ko lang naman dadalin ko. Hindi naman masyadong madami yung mga kulang pwede ko naman bilin paunti unti. Kaya ko naman na JP. Thank you!" sabi ko sakanya.
"San ka nyan?" tanong naman ni Jah.
"Sa hotel kukunin ko muna yung mga maleta ko tas sa condo na. Nagbook na ako ng grab. Magpahinga na kayo. Bye guys! See you tomorrow!." paalam ko sakanilang lahat.
"Ingat!." rinig ko pang sabi nila.
Kukunin nalang naman ang mga maleta ko dahil inayos ko na yun bago pa ako umalis kaninang umaga kaya agad rin naman akong nakarating na sa condo.
Okay naman ang condo. Actually kakabili lang daw ni Ms. Moe ng condo na to last month at pinarenovate nya na rin para sakin. Ang swerte ko sakanya dahil hindi lang staff ang tingin nya sakin kundi kapatid na rin. Ate na nga rin ang natatawag ko sakanya kapag hindi naman tungkol sa work ang pinag uusapan. Pagkatapos ng mga nangyari sakin ay sya na ang kumupkop at tumulong sakin.
Dahil hindi pa naman ako inaantok ay nag ayos na rin ako ng mga gamit ko sa condo para kung may hindi man ako maayos ay konti nalang. After mag ayos konti ay naghilamos lang ako at natulog na rin dahil 2am na pala. Naku maaga pa naman kami tomorrow dahil may schedule pa naman sila sa isang brand nila na telecommunication company.
KINABUKASAN
At dahil may guesting nga sila ngayon na ipifeature ng isang brand na ambassasor sila maaga ang call time namin. After naman namin silang bihisan at iassist ay nagsimula na agad sila.
"Okay so eto dudugtungan nyo lang to SB19. Dahil Pusuan ang theme natin eto. KUNG MAHAL MO blank blank blank..." sabi ng host.
Josh: Kung mahal mo, dapat iniintindi mo.
Ken: Kung mahal mo magpakilala ka muna sa mama nya."Ahhhhhhh... mukhang traditional tong si Ken ah." sabi ni JP na tuwang tuwa.
Tuwang tuwa naman ang mga nasa palagid nila. Natatawa tawa na rin ako dahil ang kukulit talaga nila.
Stell: Kung mahal mo, ilelet go mo at magiging masaya ka sa kung ano ang gusto nya.
Tumingin sya sa pwesto ko at nakatitigan kami saglit pero agad ding naputol dahil nagsalita na si JP.
Pablo: Kung mahal mo, pagluto mo.
Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi nya.
"Ipagluto ng hotdog." sabi ni Mima James sabay tawa ulit.
BINABASA MO ANG
Chances of Love
FanfictionThis is a story about Stell and Misha that separated many times in many circumstances. How many chances are there for their love? "Ilang sakit at pait pa ba ang dapat kong matikman bago mo ako tuluyang piliin?." - Stell A U T H O R ' S N O T E : T...