MISHA
Katatapos lang ng shoot ng SB19 para sa isang content kaya nandito na kami sa Mi Asha para mag sukat ng iba pa nilang mga gagamitin sa susunod na event dahil may kanya kanya silang solo ganap sa mga susunod na araw at ngayon lang ang free time na sabay sabay sila.
Lumabas lang ako saglit dahil tinawag ako ni Moira at may delivery daw ako. Nagulat ako ng makitang bouquet ito ng bulaklak. Red Roses.
Always thinking of you Misha. - Mo
"Hala sya! Nanliligaw si Mo sayo Mish?." napatakip pa ng bibig si Moira pagkatapos sabihin yun.
"So nagpapaligaw kana pala ngayon Miyasha?." napatingin ako sa nagsalita. Si Stell.
"Ni hindi mo pa nga nasasabi sakin kung nasaan ang anak ko tapos nagpapaligaw kana? Ano ba Miyasha isa ba akong joke sayo?." galit na sabi nya.
"Stell, mag usap kayo ng maayos." sabi ni Moira.
"Maayos? Aba Moira bakit hindi mo kausapin ng maayos yang kaibigan mo? Tang ina nababaliw na ako kakaisip nasaan ang anak ko. O anak ko ba yun? Bakit ayaw nyang sabihin?." malakas na ang boses nya.
Nakayuko lang ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan dahil hindi ganito ang plano ko. Binalak kong talikuran nalang sya at pumunta nalang sa opisina ko pero pinigilan nya ako agad.
"Tatalikuran mo nanaman ako! Ano ba t*ng ina naman sabihin mo na nasan ang anak ko bago ka magpaligaw sa kung kanino!." sigaw nya at nararamdaman ko na mahigpit na ang hawak nya sakin.
Nakita kong dumating na ang apat. Lumapit si Pablo kay Stell.
"Pare tumigil ka na muna. Tara na magpalamig ka muna." pilit na inilalayo ni Pablo si Stell sakin kaya nabitawan naman nya ako.
"Wag kayong makialam dito!." sigaw nya sa mga kagrupo nya na sinasabihan na syang umuwi na. Nagpumiglas sya at nakalapit na sya sakin kaya hinawakan nya ako sa magkabilang braso at inalog alog pa.
"Bakit mo tinatago ang bata ha?! Ano nakita mo ba na hindi ako ang kamukha? Ano anak ko ba sya o anak ng hayop mong fiancée! Putang ina mag salita ka Miyasha!."
"I had a miscarriage!." sigaw ko at humagulgol muli ng malakas.
Tuwing naiisip ko ang nangyari sakin anak ko ay walang katumbas na sakit ang nararamdaman ko. Napatingin ako kay Stell na natulala sa sinabi ko. Unti unting lumuluwag ang pagkakahawak nya sa magkabilang braso ko.Napaluhod na lang ako sa harapan nya dahil nanghihina na ang mga tuhod ko sa kakaiyak ko.
"I really wanna die with him Stell. Ayaw kong humarap sayo ng wala na ang anak natin. Patawarin mo ako."
Naramdaman ko na dinaluhan din ako ni Stell at niyakap ako. Sabay kaming umiyak ng dahil sa komprontasyon na yun.
Naramdaman ko nalang din na sunod sunod na rin kaming dinaluhan ng mga kagrupo nya at ni Moira.
"We are here for you guys. Misha we are here now." rinig kong sabi ni Josh.
Hindi ko alam pero sa nangyaring to ay para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib.
Nang humupa na ang emosyon namin ay sabay na rin kaming umuwi ni Stell ng araw na yun. Hindi kami nagsasalita at hindi kami nag usap pero hindi nya binitawan ang mga kamay ko hanggang sa naghiwalay na kami ng pasok sa aming mga condo.
STELL
Magkatabi kami ni Miya ngayon sa eroplano at malapit na kami mag arrive sa Hongkong.
"Miya." tawag ko sakanya kaya napaharap sya sakin.
Hinawakan ko ang kamay nya ay gumanti rin sya ng higpit ng hawak sakin.
BINABASA MO ANG
Chances of Love
FanfictionThis is a story about Stell and Misha that separated many times in many circumstances. How many chances are there for their love? "Ilang sakit at pait pa ba ang dapat kong matikman bago mo ako tuluyang piliin?." - Stell A U T H O R ' S N O T E : T...