BERRY 2

121 5 0
                                    

MISHA

Patapos ko nang ayusin ang pang casual wear ni Moira ng dumating si Kc.

"Sorry I'm late Mish." sabi ni KC.

Nagtext kasi sya sakin kanina na uuwi muna sya para makapagpalit ng damit. Malapit lang kasi sa school ang bahay nya. Malapit lang naman din yung samin pero mas malapit nga lang yung kanila.

"Okay lang K. Eto tapos na si Moi, punta na ako kay Kevin."

"Gusto mo ba ako nalang kay Kevin? Alam mo naman yun kapag ikaw kaharap, init na init." oo alam ni KC since kami naman talaga ang palaging mag kasama at sya rin ang kinukwentuhan ko palagi.

"Nandun si Stell K. Ayieeeeee." panunukso ni Moira.

"Ayun pala! Sige na punta kana dun nandun naman pala si Stell ipagtatanggol ka nun. HAHAHAHAHA!" sunod namang tukso rin ni KC.

"Mga baliw. Alis na ko. Moi wag ka magpapawis umupo ka lang jan. K paki assist mo nalang yang mahal na prinsesa." sabi ko sabay alis na rin at punta sa kabilang dressing room.

Actually kinakabahan naman talaga ako kasi super uncomfortable ko talaga kay Kevin dahil sa paghawak nya sakin. Minsan bigla akong aakbayan tas hihigitin. May mga text din sya na medyo off di ko nalang pinapansin dahil ayoko nalang ng gulo.

Pagdating ko dito sa dressing room ay palabas si Stell at nakasalubong ko sya.

"Miya sorry, pinapatawag kasi ako ni Ma'am Jane, pinagrerehearse ako sa special number ko para mamaya." nag aalalang sabi nya sakin.

"Okay lang. Sige punta ka na dun." sabi ko.

"Bibilisan ko lang promise. Babalik ako agad. Wag ka mag alala."

Sa sinabi nya ay nakaramdam ako ng kapanatagan.

"Misha, kanina pa kita hinihintay." sabay hawak sa kamay ko.

Dali dali ko naman itong iwinaksi.

"Ikaw naman, hawak lang naman e."

"Please Kevin, naghahabol na tayo ng oras dahil maya maya lang ay mag umpisa na ang event." sabi ko sakanya.

Nanahimik naman sya. Kinuha ko naman ang polo nya at ibinigay sakanya iyon para maisuot na nya.

"Itong kabilang side i tuck in mo tas itong isa hindi."

"Ikaw na mag tuck in. " sabi nya sakin. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Nagmamadali tayo di ba? Dali na gawin mo na. Baka kasi kapag ako ang nagtuck in e mai tuck in ko parehas. "

Grabe. Gusto ko na manuntok. Bakit ba laging ganito sakin itong lalaki na to.

"Kevin please lang wag ngayon. Wag mo pairalin yang ugali mo ngayon."

"Sige ako magtatuck in pero mamaya, ikaw ang luluhod at mag sisintas ng sapatos ko. " yan nanaman ang tingin nya sakin. Ang tingin na para akong hinuhubaran.

Huminga ako ng malalim at tumango.

Nagtuck in na sya.

Inaayos ko na rin ang accessories na gagamitin nya. Ako na mismo ang nag suot ng kwintas at relo nya. Pagkatapos nun ay tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa para makita kung okay ba ang inistyle ko sakanya.

"Grabe Misha, lalo akong uminit sa pagkakatingin mo sakin mula ulo hanggang paa. " sabi nya ng may tonong nakakainis talaga.

"Alam mo na ang susunod Misha, luhod na at sapatusan mo na ako."

Kahit labag sa loob ko ay gagawin ko matapos lang to at nagmamadali na ako.

"Sandali."

Napalingon ako sa nagsalita. Si Stell! Umayos ako ng tayo mula sa balak kong pagluhod.

Chances of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon