BERRY 11

78 4 0
                                    

STELL

Ang dami ng araw ang nakalipas at smooth naman ang pag aasikaso namin sa MV namin. Same with other schedules although minsan may problema pero minimal lang naman. Natutuwa rin ako dahil unti unti rin naman kaming nagiging maayos ni Miya. Natutuwa ako dahil hindi na rin sya awkward kapag nakakasama ako or kapag ako ang inaasikaso nya.

Medyo nakakainis lang dahil si Pau parang pinopormahan sya. Wala namang bawal na makipagrelasyon samin pero siguro kami rin mismo ang nagdedecide na mas iprioritize muna ang career namin pero ewan sa ngayon.

"Misha tara sabay na tayong kumain dinalan kita ng lunch mo, pinadagdagan ko kay Mama dahil sabi ko share tayo." rinig kong sabi ni Pau.

Lumapit ako sakanila.

"Ako wala?" sabi ko kay Pau. Tumabi ako sa bakanteng upuan na katabi ni Miya. Bale nasa gitna namin sya.

"Gusto mo rin makishare? Luh gusto ko si Misha lang kashare ko eh."

"Damot naman neto." umusog pa ako palapit kay Miya. At kinuha ang kutsara nya para kumuha ng konting ulam para matikman ko. Sigurado akong masarap to dahil luto ng mama ni Pau.

"Uh Stell kutsara ko yan saka pwede usog ka nasisiksik na ko dito." sabi ni Miya.

Nakita kong umusog din si Pau palapit kay Miya.

"Hoy! Ginawa nyo namang burger patty si Misha." palapit na si Jah samin kasama si Xianne.

"Lika Misha, pabayaan mong magshare yang dalawang yan. Labas nalang tayo libre tayo ni Jah. Diba Jah." sabi ni Xianne at hinila pa palayo si Miya samin.

Nagpahila naman tong isa.

"Bye! Dalawang tao lang kaya kong ilibre ngayon." sabi ni Jah at umalis na.

Naiwan nalang kaming dalawa ni Pau dito sa pantry.

"Ikaw kasi eh! Edi sana kaming dalawa ni Misha ang magkashare ngayon." sabi pa ni Pau sakin.

Natahimik ako pero dahil gutom na ko e nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Ganun din sya.

"May gusto kaba sakanya?." di ko na napigilang tanong sakanya.

Napatingin siya sakin. At tumawa.

Huh?

Patuloy parin sya sa pagtawa.

"Sarap mo sakalin alam mo yun?." sabi nya at nagpatuloy nalang sa pagkain imbes na sagutin ang tanong ko.

"Bakit di mo sinasagot yung tanong ko?" seryoso kong sabi.

"Uy grabe di nag aaya kumain!." biglang sulpot ni Josh.

"Pre kakakain lang natin pre gutom ka nanaman?". sabi ni Ken na kakapasok lang din dito sa pantry.

"Patikim ako masarap to e baon ni Pau luto ni Tita Grace to."

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta ako sa dressing room para dun tumabay at syempre alam ko naman na dadating dito si Miya. Kahit silay lang magawa ko. Nakakalapit naman ako. Nakakausap ko naman kahit papano pero tungkol lang sa work or tungkol lang sa mga random kapag kasama si Jah or kung sino man kasama namin.

"Hay nako nandito nanaman ang dakilang tambay ng dressing room. Sino ba hinihintay mo dito?." sabi ni Jah pagpasok nya.

"O bakit nandito ka?" sabi ko.

"Naiwan ko kasi ang tablet dito sa dressing room. Yung hinihintay mo ayun katabi na ni Paulo kumakain ng ice cream na tinake out nya para kay Pablo." talagang idinidiin nya pa ang pangalan ni Pablo.

Chances of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon