MISHA
CAFETERIA
"Ano gusto mo? " tanong nya sakin habang nakaupo na kami dito sa pwesto namin.
"Wait, pwede ko bang i-text si KC na pumunta rin dito para sana may kasama tayo? Naiilang ako e. Tapos pinagtitinginan pa tayo ng mga kapwa natin student. " sabi ko.
"Bakit ka naiilang?."
"Hello! Stell ka oh." inilahad ko ang kamay ko sa harapan nya para maituro sya.
"Bakit? Si Miyasha ka naman ah. Miya. Ayan Miya nalang para di na mahaba."
"Stell naman eh. Sige na text ko na si KC ah." akmang lalabas ko na ang phone ko ng hawakan nya ang isang kamay ko na nakalapag sa mesa.
"Miya. Pwede bang wag na? Para makakwentuhan naman kita kahit saglit lang. "
Napatingin ako sakanya at bumaba ang mga mata ko sa mga kamay namin. Binawi ko ito dahil para akong napapaso.
" Orderan na kita. Napansin ko na mahilig ka sa pizza dito sa cafeteria at orange juice." sabay tayo nya at punta sa counter.
Eto nanaman ako at napipi nanaman sakanya.
After 5 minutes ay bumalik na rin sya sa pwesto namin dala ang mga inorder nyang pagkain.
Tahimik kong kinagat ang pizza ko at ganun din sya.
"Sarap noh? Bakit kaya yung iba ayaw ng pineapple sa pizza?" tanong nya.
"Oo nga noh. Si KC ayaw e kaya kapag kumakain kami nito binibigay nya sakin mga pineapple kaya tuwang tuwa ako."
Susubo pa ulit sana sya pero napatigil sya. Namalayan ko nalang na nilalagay nya ang mga pineapple nya sa pizza ko.
"Huy! Akala ko ba gusto mo yan bat nilalagay mo sakin?" nilayo ko konti ang pizza ko para matigilan sya sa paglalagay.
"Para matuwa ka." sabay ngiti nya.
"Huh?" inaabot nya ang pizza ko kaya napalapit ang mukha nya sakin.
"Gusto ko matuwa ka." sabi nya ng hindi parin lumalayo ang mukha nya sa mukha ko.
Tulala nanaman ako.
"Huy Miya!"
"Uh." nakalayo na pala sya sakin.
"Pwede bang pagbigyan mo naman akong makasama ka hanggang sa makaalis ka lang?" seryoso nyang sabi.
Napaisip ako saglit kaya di pa ko sumasagot.
"Ayaw mo ba? I-rereject mo ba? Dapat kasi noon pa e. " sabi nya ng may nag-aalalang mukha.
"Okay." maikli kong sagot.
"Yes!"
After namin kumain ay pumunta muna kami ulit sa room para kuhanin ang ibang gamit namin.
Nandito na kami sa room at agad sumalubong sakin ang mga kaklase kong nakangiti lalo na ang mga kaibigan ni Stell.
"Pre ikaw daw pala yung magpeperform mamaya ng special number sa pageant. " sabi ni Joe.
"Ah oo nga pala pre. Okay naman na alam ko na yung kakantahin ko." sagot naman ni Stell habang magkatabi parin kami.
Naalala ko yung mga susuotin ng mga candidates namin kaya inayos ko na.
"Miya, ikaw talaga gumawa nito?" tanong ni Stell habang hawak at sinisipat sipat ang gown ni Moira, ang candidate namin sa Ms.
"Oo, medyo nagkulang nga ako sa beads kasi may budget lang na nakaallot para sa attire nila. Syempre paghahatiin ko pa. " paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Chances of Love
FanfictionThis is a story about Stell and Misha that separated many times in many circumstances. How many chances are there for their love? "Ilang sakit at pait pa ba ang dapat kong matikman bago mo ako tuluyang piliin?." - Stell A U T H O R ' S N O T E : T...