MISHA
"You were invited by Ms. Toni sa vlog nya as a guest!." excited na sabi ni Ate Leah samin ni Stell habang kumakain kami sa family restaurant nila Pablo na pina-close talaga namin ngayong gabi para maging exclusive lang samin.
Katatapos lang ng guesting ng group sa The Voice Generation Season 6 at ginawa nanaman silang guest mentor ni Coach Stell. Dumiretso na kami dito para makapagbonding kahit papano.
"O to the M to the G!." sabi ni Stell kaya tawa kami ng tawa.
"The power couple na never nag confirm ng relationship sobrang tagal na panahon na." kantyaw ni Pablo samin.
"Well this is the right time para ilahad nyo na ang lahat." singit ni Ken.
Sumang ayon naman ang mga kasama namin kaya tumango na rin kami ni Stell.
"Reveal nyo na lahat pwede na. Matayog na ang lahat." sabi naman ni Jah.
"Grabe naman sa matayog Direk Jah." tukso ni Josh kay Jah.
"I'm really happy na bawat pangarap natin ay nakikita na natin. Yung mga dating iniisip lang natin ngayon ay nangyayari na. May sarili na tayong mga inaalagaang aartist. Mga hinuhubog na magpapatuloy ng mga goals natin para sa OPM. Stell, we saw everything, your hardships sa career at sa personal life so go this is your freedom(sa tono ng FREEDOM)." mahabang sabi ni Pablo.
"Teka pre tinatanggal mo na pa ako sa company bakit freedom? Malaya na ko?." biro ni Stell kaya muli kaming natawa.
"Sakalin kaya kita? Freedom to speak and tell everything about your Miyasha. Same with Misha, your works are now known not only here in the Philippines kaya this guesting is really a very good timing now. Do it and talk your heart out." - Pablo
"Thank you guys! Wala akong masabi, I'm lost of words." sabi ko na nati- teary eyed na.
Hinawakan naman ni Stell ang kamay ko at hinalikan iyon.
Nagkwentuhan kaming lahat ng gabi yun at medyo nagsingit din ng kaunti meeting para sa mga ganap namin sa mga susunod na araw. Kahit malawak na ang naabot naming lahat sa aming trabaho ay hands on parin talaga kami.Maybe thats our secret to success. Ultimo mo pinakamaliit na details ay inaalam at pinaplantsa namin. It's their 10th year as a group at masayang masaya kaming lahat dahil nalagpasan nila ang lahat ng mga challenges na nangyari at masasabing nakamit na talaga nila ang freedom at ngayon ay super layag ang ganap nila syempre kasama kami na talagang dumikit na rin sa lahat ng ganap ng 1Z.
Tulad nga ng sabi ni Pablo, madami na talagang nakakakilala sa Mi Asha hindi lang dto sa Pilipinas kundi world wide. Sumabay na rin sa world domination ng boys.
Dumating na ang araw ng guesting namin sa Tonitalks. Pagdating palang namin ay napakawelcoming na talaga ng mga staffs at syempre ni Ms. Toni.
STELL
"Naikwento mo sakin Stell na ilang beses kang iniwan ni Misha?Ikwento mo nga para naman malaman na rin ng A'tin at ng iyong mga berries ang matagal ng kwentong nasa isip nila." tanong ni Ms. Toni.
"Naku sobrang dami na pong taon ang nakakalipas Ms. Toni pero sige po hehe. Bali highschool palang po kasi kami magkaklase na kami at stylist na talaga namin sya sa school at noon pa man po ay hulog na hulog na talaga ako sakanya." panimula ko. Natatawa naman si Ms. Toni at Miya sakin dahil kumindat pa ako.
"Parang last year ng highschool namin dun palang po ako naglakas ng loob na magsabi sakanya at idinaan ko sa marriage booth nung foundation day namin kaya lang po di pa man nag uumpisa nag run away bride na sya tapos wala na nagpunta na po sya ng Japan kaya di na po ako nakaamin."
BINABASA MO ANG
Chances of Love
FanfictionThis is a story about Stell and Misha that separated many times in many circumstances. How many chances are there for their love? "Ilang sakit at pait pa ba ang dapat kong matikman bago mo ako tuluyang piliin?." - Stell A U T H O R ' S N O T E : T...