MISHA
"Narinig ko si Jah kanina sa dressing room na pinagsasabihan kayo ni Stell tungkol sa nakaraan nyo. At narinig ko rin kung paano ka mag sorry kay Stell. "
Hindi pa rin ako nagsasalita. Nakayuko lang ako. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Di ko alam kung paano ko uumpisahan yung paliwanag ko sakanya. Sa ilang araw ko silang nakakasama nakita ko kung paano maging leader at kuya si Pablo sa apat.
"You don't have to tell me what happened dahil matagal ng may kinukwento si Stell sakin at hindi ko lang talaga akalain na ikaw yun."
"I'm sorry Pau kung hindi ko sinabi sayo na magkakilala na talaga kami ni Stell."
"Hindi mo kailangan magsorry. It's your choice kung ayaw mong malaman na magkakilala kayo at ayaw mong maungkat ang past nyo."
"Sa totoo lang Pau, nung nakita kong kasama si Stell sa grupo na bibihisan ko, gusto kong umurong. Lalo na nung kinabukasan na nakita kong magang maga ang mata nya at sinabi ni Jah na naglasing sya nung gabi, gusto ko ng i-withdraw ang project na to. Pero alam mo nung sinabi ni Stell na let's work our dream together out? That makes me feel relived."
"Hindi mo kailangang i-withdraw ang project na to. Alam kong para mo na ring tinapon ang pangarap mo kapag ginawa mo yun at alam ko rin na hindi gustong mangyari ni Stell yun. You can be friends again."
Ngumiti naman ako. Hindi na ako sumagot dahil hindi ko na rin naman alam kung ano bang dapat kong sabihin.
"Magpahinga ka muna jan. After nitong niluluto ko kain na tayo at aalis na rin ako. May guesting pa kami ulit bukas ng maaga kaya maaga nanaman tayo." sabi nya at pinagpatuloy na ang pagluluto.
THIRD PERSON POV
Pagkatapos magluto ni Pablo ay naghanda na rin sya ng para makakain na sila ni Misha. Pagkatapos naman nilang kumain ay nagpaalam na syang aalis na para makapagpahinga na.
"Magpahinga kana agad. Hinugasan ko na rin naman ang mga pinaggamitan natin kaya wala ka ng gagawin. Don't think too much Misha, bukas mo na gawin yung mga pending mo dahil need mo ng pahinga. I know that you're tired physically, mentally and emotionally. Pray before you sleep. Bye!." niyakap nya si Misha pagkatapos ng mga sinabi nya.
"Thank you Pau. Ingat ka sa daan." gumanti naman ng yakap si Misha kahit tila nagulat sya.
"I'm happy that I met you again. And I'm happy dahil alam kong mahaba mahaba na ang oras na magkakasama tayo sa pagkakataon na to." sabi ni Pablo kay Misha at bumitaw na sa pagkakayakap.
"Bye!." tumalikod na si Pablo at nagpatuloy na sa paglalakad paalis ng lugar na yon.
KINABUKASAN
MISHA
Maaga akong nakarating sa studio ngayon dahil maaga ang guesting ng boys ngayon. Medyo chill lang ang vibes nila today kaya nagdala na rin ako ng ilang accessories na pwede kong iadd sa outfit nila.
"Akina nga yang bitbit mo. Parang malaki pa ata tong bitbit mo kesa sayo eh."
Nagulat ako sa pag sulpot ni Stell. Kinuha nya yung bitbit kong malaking bag.
"Good morning pala. Okay ka na ba?" tanong nya habang naglalakad kami paakyat sa studio.
"Okay naman na ako." maikli kong sagot.
Nakapasok naman kami agad sa studio dahil malapit nalang naman. Pagpasok namin ay nandun na agad si Jah na ngumiti ng makita kaming sabay ni Stell.
"Uy good morning ah. Goodmorning Misha." bati ni Jah sakin.
BINABASA MO ANG
Chances of Love
ФанфикThis is a story about Stell and Misha that separated many times in many circumstances. How many chances are there for their love? "Ilang sakit at pait pa ba ang dapat kong matikman bago mo ako tuluyang piliin?." - Stell A U T H O R ' S N O T E : T...