BERRY 30

96 1 0
                                    

MISHA

"This gown is so beautiful Ms. Misha!."puri ni Ms. Regine sa suot nya.

"Thank you so much po!." nahihiya kong sabi pero ngiting ngiti naman ako.

"Naku magiging regular client mo ata ako. Your work speaks love and passion to fashion." sabi nya pa.

Walang sawang pasasalamat naman ang nasabi ko. May mga dala syang accessories kaya pinapili nya nalang ako para ako na daw ang mag style at mag suot sakanya. Tuwang tuwa naman ako. Sumama ako pati sa stage rehearsal nila bago ishoot ang exclusive performance nila ng SB19.

Nang makita ko si Stell kabang nagrerehearse ay kitang kita ko ang tuwa sa mga mata nya. Halata din sa mga ngiti nya ang excitement kaya pati puso ko ay tumatalon din. After ng last rehearsal nila ay nag cue na sila na ififilm na ang performance nila. The performace is perfect. Damang dama mo ang bawat pagkanta nila at sobrang naooverwhelm din ako para sa boys dahil isa ito sa pangarap nila at ngayon ay natupad na.

Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sakin pero pagtapos ng performance nila at nang pababa na sila ng stage ay kusang kumilos ang mga paa ko patungo kay Stell. Paglapit ko sakanya ay yumakap ako agad sakanya. Kahit gulat ay gumanti sya sakin ng mahigpit na yakap.

"I'm so proud of you!." sabi ko habang nakayakap sakanya.

Medyo matagal kaming nagyakap at naputol lang ng may kumalabit sakin kaya napabitaw ako sakanya bigla.

"Sakanya ka lang ba proud? Pano naman kami?." sabi ni Pablo at inilahad pa ang dalawang kamay para ipakita ang tatlo na ngiting ngiti rin sakin.

Niyakap ko naman sila ng sabay sabay kaya para na kaming nag gugroup hug at nagtatatalon pa sila. After ng yakap ay napatingin ako muli kay Stell na tuwang tuwa rin sa nakikita.

After ng scene na yun ay nakipag chika lang din si Ms. Regine sakanila at nakikinig lang ako tapos nagkaayaan na na bumalik na sa dressing room ng sabay sabay. Magkatabi lang din kasi ang dressing room ng SB19 at ni Ms. Regine V.

Habang naglalakad ay may mga nakakasalubong din kami na other Ppop groups at binabati ang SB19 at si Ms. Regine. Nagulat ako ng nakasalubong din namin ang group nila KC. Binati nila ang boys pero nagtataka ako kung bakit hindi nagpansinan si Stell at si KC. Hinayaan ko nalang din sila dahil papasok na rin kami sa dressing room ni Ms. Regine.

Pagkatapos ng performance nila na yun ay nagpahinga lang sila saglit at umuwi na samantalang ako ay pinaiwan muna ni Ms. Regine.

"I want you to make me again my wardrobe for my next concert Misha." panimula nya.

Inilahad na nya sakin ang lahat ng plans nila at ang timeline ng niluluto nilang concert. Pagkatapos nyang ilahad ang mga yun ay niyaya nya muna akong magmeryenda saglit tapos naghiwalay na rin kami ng landas dahil may next schedule pa daw sya. Ako naman ay dumiretso nalang sa Mi Asha para hintayin ang oras ng call time para pumunta sa solo gig ni Mo dahil sabay sabay na kami ng SB19 na pupunta. Syempre kasama rin namin si Moira.

MO

Nakita ko kaagad sila Misha ng pumasok sila sa Viva Cafe kaya agad ko silang sinalubong.

"Thank you dahil pinagbigyan mo ako na manuod ka ngayon sa solo gig ko dito sa cafe." sabi ko sakanila.

Tulad nga ng napag usapan ay umattend rin ang SB19 para manuod.

"You're welcome." ngiti nya sakin.

Iginiya ko muna sila sa table kung saan pinareserve ko talaga para sakanila. Naririnig namin ang ibang mga customer na gusto sanang magpicture sakanila. May mga pinagbigyan naman sila pero hindi lahat dahil medyo nakakaroon na ng komosyon.

Chances of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon