BERRY 23

81 3 0
                                    

KEN

"Dada Ken!." sigaw ni Isla at sumalubong ng yakap sakin.

"Hello baby." gumanti naman ako ng yakap sakanya at binuhat pa sya.

Kadarating ko lang dito sa Mi Asha. Magbibihis kasi kami para sa guesting.

"Wow! Ang aga mo Felip Jhon Suson!." kantyaw sakin ni Jah na kadarating lang.

Nagulat kasi sya na mas nauna pa akong dumating sakanya.

"Syempre nandito ang baby ko kaya maaga ako." sabi ko sabay kiss ulit sa pisngi ni Isla.

"Hi goodmorning!." rinig kong bati ni Misha na kakapasok lang sa pinto. "Hello Isla!." sabay kiss kay Isla sa pisngi din.

"Isla come here na. May gagawin pa yang Dada mo." sabi ni Moira at kinuha na sakin si Isla. Ayaw pa sana sumama ng bata pero nilakihan sya ng mata ng mommy nya kaya natawa ako.

"Suuuuus level up na! Naging Dada na ang Ken." tukso ulit ni Jah.

"San si Stell?." tanong ko kay Misha.

"Nauna na ako kasi may kailangan pa akong gawin hahabol nalang ako sa guesting nyo. Si Moira na bahala sa inyo." sabi nya habang may inaayos sa office nya na mga papel.

"Si Jah muna yung ayusan Moi, lalabas muna kami ni Isla." sabi ko kaya lumapit ulit sakin si Isla na tuwang tuwa.

"Ken please maaga pa. Wag mong pakakainin ng matamis yang anak ko."

"Anak mo lang? Alam ko anak ko to. Not by blood but by heart. Bye Mommy!."sabi ko pa. Nakita ko pa ang pamumula ng mukha nya dahil sa sinabi ko sakanya.

Masaya kaming pumunta ni Isla sa isang fastfood restaurant. Syempre nagmask ako at nag cap para hindi rin naman ako masyadong makilala. At tagumpay! Wala naman lumapit samin.

"Thank you Daddy Ken!." sabi ni Isla at kiniss pa ako sa pisngi.

Agad naman kaming bumalik sa boutique dahil naririnig kong may tumatawag na sa phone ko.

Pagdating namin ay ako nalang ang huling inayusan.

"Guys, magstay kayo sa PBB for two days." announce ni Ms. Nica na kinagulat ko.

"Luh totoo ba?." -Pablo

"Diba teens yung ngayon?Sabagay mukha pa naman akong teen." binato ko naman si Josh ng tissue dahil sa sinabi nya.

"Tutulungan nyo sila para performance nila para sa weekly task." sabi ni Xianne na may kinakalikot sa camera nya.

"Cute ni Isla!." rinig kong sabi ni Mima James na nakikitingin na rin sa camera ni Xianne.

"Oy isend nyo sakin yan."

"Hoy Ken! Ang bilis ng chismis oh. Lumabas pa kasi kayo e edi nasa social media ka nanaman!." sabi ni Stell at pinakita ang phone nya sakin.

[SB19 Ken Suson spotted in a fastfood restaurant with his child?]

"Save mo nga daw yang picture tas send mo sakin. Cute namin ni Isla jan." sabi ko na parang wala lang sakin ang issue.

Sanay na kami sa ganito dahil wala naman kaming magagawa e. Konting galaw namin nabibigyan na ng meaning.

"Para talaga kayong mag - ama. Yaan mo na Ken cute naman kayo jan." natatawang sabi ni Ms. Nica.

STELL

Pangalawang araw na namin dito sa bahay ni Kuya. Syempre namimiss ko si Miya pero wala naman akong magagawa. Para naman sa future namin to.

Chances of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon