STELL
"Umiinom ka nanaman Stell. Maaga ang schedule natin bukas." sabi ni Jah sakin na kalalabas lang ng cr.
Nandito kami ngayon sa condo ko at si Jah ay halos araw araw rin nag sstay dito.
"Nakaka dalawa palang naman ako Jah. After neto matutulog na ko." pagkasabi nun ay ininom ko ulit ang hawak kong beer.
Nararamdaman kong nakatitig pa sya sakin kaya tumingin ako sakanya at inisnoban ko nalang sya.
"Hayaan mo na ko Jah, gusto ko lang makatulog kaya umiinom ako."
Hindi na sya sumagot. Umupo nalang sya sa set at nagcellphone.
Limang buwan na ang lumipas at hanggang ngayon di ko pa rin alam kung nasaan na ang mag ina ko. Nanganak na ba sya? Bakit nya ako iniwan? Anong mali? May nagawa ba akong kasalanan?
JUSTIN
"Ken!." tawag ko sakanya at lumapit naman sakin.
Katatapos lang ng first set namin ng shoot para sa TV Commercial. Nagpapahinga kami ngayon sa dressing room.
"Bakit pre?."
"Okay lang ba na samahan mo si Stell mamayang gabi? Uuwi muna kasi ako ngayon dahil kukuha ako ng mga gamit."
"Kaya ko naman mag isa ano ba kayo." nagulat kami ng sumingit si Stell samin.
"Sige pre. Gusto mo ba magbasketball mamaya Stell yayain natin si Pablo." inakbayan nya pa si Stell habang sinasabi yun.
"Kaya ko naman mag-isa wag kayong mag alala hindi ako magpapakamatay. Kahit ayaw sabihin ni Moira kung nasan ang kaibigan nya." bumaling naman ang tingin nya kay Moira na papunta kay Ken.
"Stell." nakita kong hinawakan nya pa ang kamay ng lalaki. "Kung alam ko lang kung nasaan sya at kung alam ko lang kung ano ang balita sakanya ikaw ang unang una kong sasabihan." malumanay na sabi ni Moira.
Ngumiti nalang ng may pait si Stell at umalis na. Hindi namin gustong mapag isa si Stell kaya hindi namin hinahayaan na mag isa sya lalo na sa gabi. Halos gabi gabi ay wala syang ginawa kundi uminom. Gumagawa rin kami ng paraan para madivert ang isip nya. Yayain namin syang magbasketball o kaya magbadminton.
"Hayaan nyo muna pre. Mamaya yayain nalang nating magbasketball. Hoy Josh Cullen sama ka mamaya." sabi ni Pablo.
Nag thumbs up naman si Josh na inaayusan na ni Mima James para sa 2nd set.
Natapos namin ang araw na yun ng maayos. Tulad ng napag usapan ay niyaya nila si Stell mag basketball dahil uuwi na ako ay di na ako sumama.
PABLO
Nagulat nalang ako ng biglang sapakin ni Stell si Mo kaya napatakbo ako palapit sakanila.
"Hoy hoy pre ano nangyari bakit?." sigaw ko sakanila.
"Tinatanong ko lang naman kung nasan yung designer nyo eh. Ang huli ko kasing kita sakanya e sa Ppop Con pa. Saka wala namang confirmation na sila nun diba bakit ganyan reaction nya?" paliwanag ni Mo sakin.
"Gago ka pala eh!." akmang susugod ulit si Stell pero agad ang pinigilan ni Ken at Josh.
"Pre ilayo nyo muna yan." sabi ko sa dalawa.
Naririnig kong nagsasabi sabi parin si Stell habang inilalayo sya ng dalawa.
"Pasensya na." sabi ko.
"Ano bang problema nun?." tanong nya sakin.
"Wala lang talaga sya sa mood. Sige alis na kami. Pasensya na at salamat sa laro." nagpaalam na ako agad pagkatapos nun.
BINABASA MO ANG
Chances of Love
FanfictionThis is a story about Stell and Misha that separated many times in many circumstances. How many chances are there for their love? "Ilang sakit at pait pa ba ang dapat kong matikman bago mo ako tuluyang piliin?." - Stell A U T H O R ' S N O T E : T...