BERRY 17

76 4 0
                                    

THIRD PERSON POV

"What?! Mapapa - what? ka talaga sa galing ng SB19! Welcome sa ASAP!" sabi ng host na nakipagkamay pa sa lima.

"Thank you po!." sabi naman nilang lima.

"Ang ganda at ang astig ng MV nyo boys!." excited na wika ng host.

"Maraming salamat po!." sagot ni Pablo.

"At ang military suit, talagang ang bangis! Balita namin ay mayroon na kayong sariling stylist/designer?!." sabi naman ng babaeng host na isa ring artista.

"Ah yes po! Ahm talagang napakahands on po ng aming stylist at nagpapasalamat po talaga kami sa mga magaganda at maangas nyang designs." sabi ni Justin ngiting ngiti rin.

"Ayan! Congratulations boys sa inyong successful MV ang What? at sa inyong bagong EP na Pagsibol. Ano pa nga ba ang mga aabangan ng mga A'tin?."

"Yes po maraming salamat po sa inyo, maraming salamat A'tin! Marami pa pong kailangang abangan maliban pa po sa mga lumabas na mga kanta ng album. Stream nyo po ang Pagsibol Album available po sa lahat ng mga music platforms! Salamat po!." sabi ni Josh at sabay sabay ng nagsipagpaalaman.

Pabalik sa dressing room ay marami pa silang nasalubong na mga malalaking artista at mga groups na magsushoot din ng exclusive kaya sobrang overwhelmed sila dahil sa mga pagbati at pagcongratulate sakanila. Nagpapicture din sila sa ibang mga personalities.

Pagdating nila sa dressing room ay nagpahinga muna sila at kumain ng snack. Maya maya lang ay may dumating para batiin sila.

"Congratulations boys!." sabi ni KC pagpasok.

Napalingon naman si Moira na kukuha sana ng snack nya.

"K!." bati ni Moira at lumapit kay KC.

"Moi?.Omygad! Kamusta na?." sabi ni KC na niyakap si Moira.

Sa gilid ay nakatingin lang si Misha at ginawang abala nalang ang sarili dahil alam naman nya na hindi sya papansinin ni KC.

"Okay lang ako. Assistant Stylist ako ni Misha!." lumingon naman ni Moira kay Misha na abala sa pag aayos ng mga accessories na nagamit ng boys.

"Ah! Namiss kita! Wait kausapin ko muna tong sadya kong mokong na to." sabi ni KC na hindi man lang tiningnan si Misha at nagpunta na kay Stell na kalalabas lang ng comfort room ng dressing room.

"Hi Stell! Namiss kita!" sabi ni KC na yumakap pa kay Stell. Gumanti lang ng yakap kaunti si Stell pero agad din bumitaw.

"Magpeperform din kayo K?." tanong ni Justin na lumapit na rin sakanila habang kumakain.

"Oo pero mamaya pa. Dumaan lang ako kasi inindian ako ng taong to nung isang araw dapat mag babadminton sana kami." sabi ni Kc na tinutukoy si Stell na nakatingin kay Misha na hanggang ngayon ay abala parin sa pag aayos.

"Naku K, palaging busy yan masanay kana kasi may pinagluluto sa gabi." sabi ni Ken na natatawa tawa pa.

Napangiti naman ng mapait si KC.

Nagulat sila ng may malakas na kalabog ng pinto at nagsipagbasag na mga baso.

Napatingin sila kay Misha na napasigaw at nanginginig na napaupo habang nakatakip ang mga mukha. Mabilis syang dinaluhan ni Stell.

"Okay ka lang ba Miya?." sabi ni Stell kay Misha na nakahalukipkip parin at nakatakip ang mga mukha habang nanginginig na parang takot na takot.

"Miya. Nanginginig ka." hahawakan sana ni Stell si Misha pero isinangga ni Misha ang kamay nya na animo may mananakit sakanya.

Chances of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon