BERRY 6

94 4 0
                                    

MISHA

Pagdating ko sa park ay nakita ko kaagad si Stell. Pagkakita nya palang sakin ay niyakap nya na ako. I hugged him back.

"Sobrang miss ba natin ang isa't isa?" sabi ni Stell.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya.

"Well honestly namiss kita Stell. I miss the comfort feeling kapag kasama ka."

Napakalaking ngiti naman ang isinagot ni Stell sakin.

Naupo na kami sa may bench sa park. Inabot nya agad sakin ang drinks na binili nya.

"I'm really sorry sa nagawa ko bago ako umalis." panimula ko.

"Sa totoo lang Stell hindi pa talaga ako ready ng mga time na yun sa mga bagay na ganun kaya ganun nalang ang reaksyon ko."

"Hindi mo kailangan magpaliwanag Miya. Please wag na natin pag usapan dahil ang mahalaga sakin ngayon ay magkasama na ulit tayo. Kahit na konting araw nalang dahil uuwi na ako sa Pinas, ang mahalaga nakasama kita. "

Napangiti naman ako.

"Ang dami pa nating pwedeng gawin sa mga araw na makakapagkita tayo. Makakagala pa tayo sa mga pwedeng galaan dito. Or kahit nga dito lang tayo sa park e basta magkasama tayo okay na ako." - Stell

"Hindi ko mapapangako na makakagala tayo Stell dahil nagtatrabaho ako at saka may time talaga na super busy ko. Pero ang mahalaga makakapagkita tayo. Siguro every weekends talaga siguro pwede makasingit ng weekdays pero feeling ko madalang."

"Okay lang basta ikaw."

"So kamusta kana pala?" tanong ko.

"Okay lang ako ikaw?" sagot nya at bigla syang natawa.

"Para namang magkatext ang sagutan." sabi ko.

"Hahaha! Okay naman ako Miya. Ikaw ang kamusta dito?"

"Okay naman din ako. Matagal na akong nakapag adjust at nasanay narin sa routine ng buhay ko. Super nakakamiss lang yung Pinas kasi dun lang naman ako may mga kaibigan eh."

"Hindi kaba nagkaroon ng mga kaibigan dito?"

"So far, ang kaibigan ko nalang din siguro na tinuturing ko ay si Ms. Moe. Teacher ko sa Fashion Designing/ Styling. Sya lang naman kasi napupuntahan ko. Busy kasi ako sa trabaho."

"Fashion Designing/Styling? Nag aaral ka? Naku! Lalo kang gagaling nyan!."

"Grabe ka naman! Short course lang yun pero dahil nagustuhan ata ni Ms. Moe yung gawa ko sa finals mismo ng course parang iabsorb nya ako. Kapag may need sya sstyle nag aassist ako sa kanya minsan or minsan nanghihingi sya ng idea sakin sa idedesign nya."

"Grabe gustong gusto mo talaga maging stylist noh?"

"Oo naman. Ang pagiging fashion stylist ang pangarap ko. Diba ikaw pangarap mo naman maging performer?"

"Oo sobra."

"Paano ka nga pala napunta dito?."

"Ah... Sumakay ng eroplano?"

"Sira ka talaga!" sabay palo sa balikat nya. Puro parin talaga kalokohan tong lalaking to.

"Muntik na kong magkaron ng tubig sa baga kakaaral tas work ko. Alam mo naman hindi naman kami yayamanin. Gusto kong makatapos kaya pinagsabay sabay ko na lahat. Ayun naospital nalang ako, lahat ng naipon ko dun din napunta sa gamot at pagpapaospital sakin. Nagdecide sila mama na padala ako dito sa Japan para tulungan nalang si Tita na alagaan sila Hina at the same time sinasahuran ako ni Tita para nakakapagpadala ako kahit papaano kila Mama." mahaba nyang paliwanag.

Chances of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon