BERRY 25

88 4 0
                                    

STELL

"Kakain ba muna Jah bago umalis?." tanong ko kay Jah na ka roomate ko ngayong dito kami sa Davao.

"Ata. Baba na tayo nag chat na sa group si Ate Nica." sagot nya.

Nag palit lang ako ng tshirt at sabay na kaming bumaba ni Jah papunta sa restaurant para sa breakfast buffet. Pagdating namin dun ay nandun na agad si Pau at Josh.

"Wala pa si Ken?." tanong ko.

"As usual kagigising lang nag ayos pa." sagot ni Josh na ka roomate nya.

Nanguha na kami ng mga pagkain namin. Pagbalik ko sa table ko e naramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko sa bulsa ko kaya agad ko itong kinuha. May nag pe-Facetime pala.

"Hi!." sagot ko. Kumaway pa ako sakanya.

"Goodmorning! Kumain ka na ba?."tanong nya kaya tinapat ko ang phone ko sa plato ko.

"Ikaw kumain ka na?." tanong ko. Inilapag ko ang phone ko at sinandal sa baso para makapag usap kami ng maayos.

"Hi K! Ang aga ah!Wag kang mag alala di namin sya pababayaan." singit ni Josh na kababalik lang ng table dahil kumuha ng drinks.

"Uy thanks!." pasasalamat ko kay Pau dahil binigyan ako ng juice.

"Ayan KC binigyan ko pa ng juice yan ah." sabi naman ni Pau.

Natawa naman ang kausap ko. Nakita kong nag-aayos sya ng mukha nya.

"Maaga kayo today?." nagsimula na akong sumubo para kumain.

"Yes. May phototshoot kami ngayong umaga tapos mamayang hapon naman may shoot naman kami ng commercial."

"Ingat ka ah. Wag mo kalimutan uminum ng maraming tubig." bilin ko.

"Opo. Sige na patapos na ko mag ayos paalis na ako nito. I miss you. Love kita!."

"Sige mag iingat ah. Miss you too." sabi ko at kinindatan pa sya bago patayin ang tawag.

END CALL

"Suuuuus. Aga aga ang cheesy." kantyaw ni Josh sakin.

Dumating na si Ken na parang sinundo pa ata ni Moira. Para siguro bumilis. Takot to eh.

"Ako na kukuha ng pagkain upo kana." rinig kong sabi ni Moira sakanya.

Umupo naman sya sa tabi ni Jah at nag phone lang muna.

"May taga kuha pa ng pagkain ah." biro ni Pau sakanya.

"Sorry ah, baby kasi ako nun." sagot ni Ken at nagpacute pa.

Hinampas naman ni Pau si Ken kaya nagtawanan naman kaming limang. Padating na si Moira kaya agad na tumayo si Ken para kuhanin ang platong hawak nya para makakuha naman ng sariling pagkain ang babae.

Pagkatapos namin magsikain ay nagsipagbalik na kaming lahat sa kanya kanya naming room para mag ayos na para makapunta na kami sa venue ng concert para mag rehearse.

PABLO

"Tawa ka pa ah Ken." sabi ko kay Ken ng magkamali ako ng step.

Nagrerehearse na kami dito sa venue ng concert namin. Nakakain na rin kami ng lunch. Sila Jah at Stell ang nauunang inaayusan susunod na ako at si Ken kaya nagsasayaw pa kami dito. Ganito rin kasi ang pampainit namin para mamaya sa stage ay okay na kami,magvovocalization nalang.

"It's okay to make mistakes but don't pre don't." sabi pa nya at tumawa ng malakas na parang nang - iinis. Nakikitawa na rin ang mga nakapaligid saming dalawa ni Ken.

Chances of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon