CHAPTER 22

132 17 0
                                    

Treating Anguish

"Is, Eshvan up?"

Tanong ni ma'am Samantha sa maid. Sinalubong siya nito pagkatapak na pagkatapak palang niya sa pintuan ng mansiyon. Kinuha nito ang mga dala-dala niyang gamit.

"Hindi pa po ma'am, eh."

Napatango naman si ma'am.

"Ok." Umupo siya sa salas. "Is the food ready?"

"Opo ma'am, kailangan nalang i serve."

"Sige, pakitapos nalang ang lahat at kakain na tayo."

"Sige po, ma'am."

Agad namang tumalima ang maid sa utos.

"Constance kumain ka muna," alok nito sa 'kin.

"A-Ako po?" tanong ko.

"You're spacing out?" tanong niya.

"Ah, ano po, nag-iisip lang po ako ng pwedeng lutuin."

Napatango siya.

"That's good to hear that you're hands on with that."

"Ah, opo."

"What are you planning to cook? You can have every ingredients you might need."

"Sa ngayon po may naiisip na 'ko. Pero gagawa pa din po ako ng plano para hindi magulat 'yong kapatid niyo sa 'kin."

"It won't be easy, Constance." She looked at me directly in the eyes. "But you're in it right?"

"Opo ma'am. I will do my very best to heal him. I will do my best to make him love his passsion again."

"Good to hear."

"Sige po ma'am, prepare ko lang 'yong mga kakailanganin," pagpapaalam ko.

"Sure, but come back here within a few minutes. Kakain muna tayo."

I smiled. "Sige po."

I started walking towards the area where they placed the items we bought in the supermarket. Kusina.

Madami akong nalaman sa mansyon ng mga Madrigal and isa na do'n ay dalawa ang kusina nila. Yes. It is specially made that way for their youngest brother to use. It is given as a gift for hum to cultivate his talents and hobbies.

Sa napag-usapan namin ni Ma'am Samatha. Dito lang daw muna ako magluluto- I mean ito lang daw muna 'yong kusinang gagamitin ko.

Kumuha ako ng cutterblade at inisa-isang binuksan ang mga nakalatag na box sa sahig.

Merong butter, milk, eggs, ham, canned goods, vegetables at marami pang iba.

I wisely picked the ingredients that I will need for the recipe that I will cook.

Alam kong malaking porsyento na hindi niya ito kakainin pero atleast it can make some progress. Importante na masanay siya sa'kin kahit paunti-unti at makuha ko 'yong tiwala niya. I know that I need to use my perseverance skill in here. Kahit dextrose nalang ang nagsisilbing pinagkukunan niya ng pakain, for now nakakaya padin naman nitong ibigay ang pangangalangan niya. Kahit anong pilit nila ayaw kasi talaga niyang kumain.

IHPL 1: Kielandro Narcissuss Madrigal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon