Putting Into Words"Alam mo bang, napakatagal na ng kahoy na 'yan?" Napalingon ako sa direksyon ng nagsalita.
Nakita ko ang lalaking tinatawag ni Kiel ng manong kanina na nakangiting papalapit sa 'kin.
"Ah..."
"Lawrence nga pala. Pwede mo kong tawaging Manong Lawrence, iha," pagpapakilala niya.
Inilahad niya ang kamay sa 'kin na tinanggap ko naman.
"Constance."
Ngumiti siya. "Sa katunayan nga iha, ay 'yan 'yong pinakamatagal na punong nabubuhay dito sa buong hacienda. Hindi paman natatayo ang mansion, nandito na 'to."
Napatango ako. "Kakaiba din po siya at talagang nakaka-agaw pansin.
"Totoo 'yan, iha. Kaya nga prinoprotekhan ko talaga 'tong kahoy na ito sa abot ng aking makakaya." Napaisip naman siya. "Matanong ko lang, ah, kaano-ano mo ba si Sir Kiel?" tanong niya.
"Ah, kaibigan ko siya," sagot ko.
"Talaga? Nakakatuwa namang isipin na may kaibigan pala si Sir, ngayon." Napangiti siya. "Mag-isa lang kasi siya noon, wala siyang itinuturing na kaibigan," malungkot niyang ani.
Napatingin ako sa kanya. "Mag-isa?" kuryuso kong tanong.
Napatikhim siya. "Masakitin kasi si Sir noong bata pa at kung ihahalintulad mo siya sa ibang bata na kaedaran niya, masasabi mo talagang mas mahina at maliit siya," pagsisimula niya.
Hindi ko maiwasang mapokus ang atensyon sa sinabi niya. My curiosity rose. Si Kiel masakitin? Noong nakilala ko siya noong high school, hindi naman siya ganon. Honor studeng nga soya palagi at role model, studios din siya at lapitin ng mga tao. Marami siyang kaibigan noon.
"Lumaki siyang walang itinuturing na kaibigan, dahil hindi siya tanggap. Nasubaybayan ko ang kan'yang paglaki at alam ko kung gaano siya ka family-oriented. Siguro alam mo naman kung gaano kaimportante sa kanya ang pamilya, diba?"
Napatango ako. "Opo."
Napabuntong hininga siya. "Instead of growing up with a normal chidhood, dahil alam niyang hindi siya tanggap ng ibang tao, mas ipinokus niya ang atensyon sa pamilya at lumaki siyang tanging pamilya lang ang importante at nasa tabi. Kaya hindi ko nga lubos maisip kong ano ang nararamdaman niya noong namatay ang parents niya, tatlong taon na ang nakakalipas," malungkot siyang napangiti.
So that was Kiel lifestory really is. Hindi siya lumaki sa masayang sistema, it was so sad that he's not accepted by people as a kid and was thought as a trash.
"Salamat at naging kaibigan ka ni, Sir. Kahit mgayon lang tayo nagkakilala, napakagaan ng loob ko sa 'yo. Alam kong mabait kang tao," salita niya sa 'kin.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng konsessya. I am being appreciated but if he learns the truth, will he still be able to look at me in the way he currently looks at me now. Kung malalaman niya ang mga nagawa ko, masasabi paba niyang mabuti ako? I doubt that.
"Ok ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong ng mapansin ang biglaang pagkawala ng buhay sa aking mga ngiting ibinibigay.
Napaayos ako. "Ah, oo po."
BINABASA MO ANG
IHPL 1: Kielandro Narcissuss Madrigal (Completed)
RomantikBeing worthy, is not something you should ask from someone, it's something you should find out for yourself. You are you, and you have to know your own worth. --- In the midst of failing her grade, Constance has it all bad. Having left with choice...