CHAPTER 38

118 12 0
                                    


It Was Before When...

  [3RD PERSON POV]

"Kapag 'yong lalaking 'yon talaga hindi sumipot, dadalhan ko talaga 'yon ng armalite sa classroom nila."

Inis na inis at sirang sira ang mukha ni Claudine habang naglalakad papunta sa CR. Kung masaya ngayon ang best friend niya sa kasama nitong lalaki at nagagawa pang makipagsayawan, eh, siya naman itong walang-wala sa mood dahil hindi sinipot ng sana ay date niya ngayon.

Nang makapasok na siya sa CR, kaagad siyang naghanap ng cubicle na magagamit hanggang sa may nakita na siya. She entered the cubicle at pabalabag na isinarado ang pinto nito.

Galit at naiinis siya? Oo. Sobra pa sa sobra.

Napaupo nalang siya sa bowl habang pilit na dinadamdam ang nangyari. Napaisip nalang siya na dapat sana ay naniwala siya sa imungkahi ng kaibigan no'ng una.

Napabuntong hininga siya.

She thought of going back to the ball pero wala na siya sa mood, wala siyang ganang panoorin ang mga kaedaran niyang masayang nag-sasayawan habang siya naman itong iniwan sa tabi-tabi.

'Yong feeling kasi na sobra kang nag-paganda at nag-effort para lang sa isang tao, para lang maapreciate ka niya pero in the end useless lang din pala.

Naisipan niyang tumayo tumayo nalang para umuwi na sana. Doon nalang siya dadaan sa likurang exit ng venue. Pero hindi siya natuloy ng may bigla nalang siyang makarinig ng tunog ng taong umiiyak. Katabi lang ng cubicle niya.

Mas lalo lang siyang nakaramdam ng inis.

"Kaimbyernang babaeng 'to, ako nga eh na hindi sinupot, umiyak ba? Ang oa naman, kung makaiak wagas," she mumbled. Mahina lang ito kaya hindi ito narinig ng katabi niyang umiiyak sa cubicle.

Kinatok niya ang pader na nag-hahati sa kanilang dalawa. "Hoy, Maria! 'Wag kang iiyak-iyak diyan. Ang oa mo, eh pareho lang naman tayong walang date sa ball!" hindi pinag-iisipan niyang ani.

Pa'no niya nasabi na pareho sila ng problema?

Well hindi niya din alam, sadyang feel niya lang.

"Makaiyak ka diyan para ka namang iniwan," naiinis niyang sabat. "Sa susunod kasi, 'wag kana kasing umasamg sisiputin kapa! Dapat alam mong diyan magaling ang mga lalaki. Napakahilig gumawa ng pangako, hindi naman pala tutuparin."

Magsasalita pa sana siya ng laking gulat niya ng bigla nalang na hinampas ng napakalakas ng tao na nasa kabilang cubicle ang pader.

"Ang ingay mo, bwiset! Tumatae 'yong tao ng matino dito, oh. Lalabas na sana, bumalik tuloy, ingay kasi ng bunganga mo. Kainis ka!" sigaw ng tao sa kabila.

Napaawang ang labi niya. "Eh? Tumatae ka pala? Ba't kasi may paiyak-iyak effect kapang nalalaman diyan." sagot niya dito.

Sumagot naman ang kabila, "Hindi ako 'yong umiiyak, sa pinapanood ko 'yon!'

Napairap siya. "Eh, bakit mo naman kasi ni loud speaker? Kasalanan mo 'yon! Ako pa na broken hearted ang sinisi mo! Lakas ng loob mong manood ng K-drama dito sa banyo, hindi mo manlang inisip kung makakadisturbo kaba o hindi!" galit niyang sabat dito.

Napakunot naman ang noo ng lalaki sa kabilang banyo.

"Eh, bakit ko naman aalahanin 'yon? Comfort room to beh, and watching K-drama habang nagpapalabas ng sama ng loob is my comfort. Ano bang pake mo? Tyaka, kilala ba kita? Ni, hindi ko nga alam na pumasok ka dito."

IHPL 1: Kielandro Narcissuss Madrigal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon