CHAPTER 54

114 12 0
                                    

Dream Like A Log

"Akbayan mo siya Kiel!" sigaw ni Preape.

Kasalukuyan na kaming nasa labas ngayon. Hindi katulad kanina, masasabi kong desente na ang aming mga suot.

Decent as in decent. Hindi na panty, bra at boxer.

Actually 'yong ginawa kong pagpayag kanina sa nakakahiyang pose na 'yon, masasabi kong may maganda naman palang resulta. Kahit sabihing below the belt na 'yong ganon para sa 'kin.

Thinking na ang dami ko ng layunin na nasuway. Chasing a man is a big no- no for me, pero ano 'tong ginagawa ko ngayon? I kept wanting him. I value self respect so much pero anong nangyari? I sat on a guy's lap.

Is everything I did even worth it, risking my ideals in life? Hindi ko alam pero oo ang sinasabi ng puso't isip mo. Kasi kung mahal mo ang tao, susugal ka naman diba? Kahit alam mong mali na...

Isa pa, it's not just my love for him being the reason bakit ko sinusuway ang layunin ko. It's the motions of guilt and the thought of wanting to protect him. To be his prince, not to be his princess.

My mind is overridden. Hindi kona alam kong tama paba 'tong mga pinagagagawa ko.

I don't know why I kept letting myself believe on my mind having dominance of the bright side for everything. Kasi naiisip ko, may maganda naman siyang resulta, I mean, it's not that I liked it, I just meant na dahil do'n parang nabawasan 'yong hiya na nararamdaman ko at mas nadagdagan ang confidence ko, mas naging komportable din ako sa kasululuyang ginagawang trabaho.

Napaigik ako ng maramdaman ko ang kamay ni Kielandro sa aking balikat. He rested his left arm on my shoulders tyaka ipinihig din ang ulo niya para humiga sa kaliwang balikat ko.

I was stunned. Kasali ba 'to sa pose?

"Okay, 1,2,3," bilang ni Preape. "Okay done," nakangiting sambit ni Preape.

"Everyone thank you for your hardwork! I can officially say that natapos na din natin ang shoot sa araw na 'to." Naghiwan ang buong crew sa sinabi niya.

Nakikita ko kung gaano kasaya sila na natapos na din ang shoot. From the whole duration masasabi ko talaga kung gaano sila ka dedicated, pursigido at seryoso sa trabaho nila.

They've guided us through everything and every steps. They're also very calm and very professional in handling me. Hindi sila nagagalit at naiirita kahit ilang mali pa ang nagawa kundi, bagkus patuloy nila akong tinutulungan na matama lahat.

Hindi din naman ako kinabahan kay Kiel dahil sa boong durasyon, halos wala siyang imik. Nagsasalita lang siya kung importante.

Everyone, let's pack everything up and call it a day!" anunsyo niya na dali-dali namang sinunod ng
mga crew members.

"Constance, Kiel..." tawag ni Preape sa 'min.

Napatingin ako sa direksyon niya. Malaki ang kaniyang ngiting binibigay.

"Thank you sa inyong dalawa, especially to you Constance, you saved us."

Ginantihan ko siya ng ngiti. "It's nothing, gusto ko nga ring magpasalamat dahil marami akong natutunan sa inyo. I learned and experienced many things today."

IHPL 1: Kielandro Narcissuss Madrigal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon