CHAPTER 32

110 15 0
                                    

Perseverance Paids Off

I was in shock the moment I removed the cake in the oven. Kahit sa malayo, nanunuot na ang amoy nito sa ilong. It's smell is unexplainable. Unexplainable but in a good way.

Hindi maipagkakaila ang taglay nitong aroma at kabighabighaning amoy.

Talagang hindi ko lang siya ma explain.

Naisipan ko nang lagyan na ito ng icing para matapos na at maipakita kay Eshvan.

I followed all the ingredients that was written in the paper for the icing. Tamang sukat at dami na gagamitin. It's important na sakto ang pagkakalagay ko sa measurement at dosage, walang labis, walang kulang.

So kinuha kona sa refrigerator'yong nagawa kong icing kanina. As what the instruction stated 1 layer lang ang cake pero dalawa ang icing nito which makes it more special. The left side should be vanilla while the right side should be chocolate.

Napapadali 'yong trabaho ko dahil sa detailed na instruction na nakalagay sa papel. Selene was also a bug help. Siya 'yong parang kanang kamay ko sa trabaho. She did many things that caused for us to finish the cake more earlier than expected. She was really a big help. Tumulong kasi siya kaagad pagkatapos ng tawag nila ni lolo.

"Ate the cake smells so nice." Inilapit niya pa ang ilong niya dito at sinimot pa ang amoy. "This is much much better than what kuya makes."

Napatawa ako sa sinambit niya. "Talaga? Hindi Selene, sadyang may tumulong lang talaga saakin."

"Chos, pa humble kapa," she laughed. "Pero seryoso, it really is outstanding like hindi ko ma explain 'yong nararamdaman at naamoy ko sa cake na 'yan."

"Well that's moondrop essence for you." Hindi ko mapigilan ang matawa.

"I'm sure kapag nakita 'to ni kuya. Ubos kaagad 'to."

Nginitian ko siya. "I hope so,"

Tinapos kona kaagad ang paglagay ng icing sa cake. Base sa instruction, hindi na daw need ng palamuti at mga toppings nito since sisirain lang daw nito ang originality at art of simplicity ng cake which is napaka importante.

I filled each sides with the corresponding flavor that is needed to be placed.

Dahil mayaman sila at kompleto ang mga kagamitan dito sa kusina ni Eshvan, hindi na ako nahirapan pa. I used a more advanced type of spatula, yong iikutin mo lang 'yong lalagyan ng cake tapos matatanggal na ang excess icing. Hindi ako sigurado sa tawag non pero 'yon 'yong alam ko dito.

As I was in the midst of my work, bigla-bigla nalang na nag-vibrate 'yong cellphone kong nakalagay sa bulsa ko, stating na may tumatawag saakin. Mamaya ko pa sana ito sasagutin pero parang napakaimportante nito dahil ayaw talaga nitong tumigil sa pag vibrate, kahit hinahayaan kona.

Tumungo ako sa lababo ng kusina na ito upang maghugas ng kamay since both of my hands are quite sticky and oily because of the cake's icing. Napagdesisyunan ko nalang din na gumamit ng unscented soap para matanggal talaga 'yong grease at stickiness ng icing.

Konti nalang din naman ang kailangan ko tapusin, tapos ko nang i spread ang icing, pagpantay nalang ang kulang.

After washing my hands, tinungo kaagad ng direksyon ng mga mata ko si Selene. "Hey Selene." Tawag pansin ko dito. Nakita kong napatingin ito sa direksyon ko. "Aalis lang ako sandali ah para sagutin 'tong tawag, parang importante kasi e. Babalik rin ako kaagad." I assured her.

IHPL 1: Kielandro Narcissuss Madrigal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon