CHAPTER 57

111 11 0
                                    


Messed Up Interview

My ex who attempted to rape me was imprisoned. I think it was for the best. Para wala na siyang ibang mabiktima pa.

Last night, 2 days ago, was the first time me and Kiel had a open conversation. Hindi ko man alam kung maayos ba ang pagtatapos no'n, pero ang masasabi ko lang ay medyo may improvement naman siguro sa relasyon naming dalawa...

Meron nga ba talaga?

I mean napakalaking bagay na sa 'kin na nagkausap kami ng ganoon kagabi. I just thought of it as a stepping stone.

Two days kaming hindi nagkita. Siguro sa dalawang araw na 'yon, kumalma na din ang sitwasyon.

Masasabi kong binigyan ako no'n ng lakas dahil mas naging komportable ako ma makita siya at maramdaman presensiya n'ya.

Napabuntong hininga ako at mas nag-focus para sa gagawing interview mamaya. Hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan nitong ideya ni Selene na inisin si Kiel. I think this totally a bad idea pero wala akong magagawa kung hindi ang tuparin ang nais niya.

Kasalukuyan akong naririto sa office ni Kiel, ngayon. Hinihintay ko siyang dumating upang masimulan na namin ang interview para sa thesis ko.

"Painting canvas on your mind again?" rinig kong bulalas niya ng makapasok siya dito.

Napaayos ako ng upo.

He shrugged. "Are you planning to prepare for the interview or you'll just keep slacking off?"

Prente itong umupo sa swivel chair nito.

I quickly gasped his questions. Kinuha ko kaagad sa dala-dala kong bag ang mga tanong na inihanda ko para sa kanya.

Ipinasa ko ito at inilagay sa table sa harapan niya na naghahati saaming dalawa. "Here."

He took it, tyaka seryosong binasa ang mga nakalagay doon.

Pangiti-ngiti lang akong tumingin sa kanya, just waiting for him to finish reading all of the questions listed there. Pero nagulat ako ng bigla nalang na nag-iba at kumunot ang noo niya. "What the-," hindi makapaniwala niyang bigkas. "Are you making fun of me?" 

Pabalibag niyang inilagay ang mga papel sa upuan.

I took it, tyaka binasa ang nakalagay doon. "Ano bang problema dito? I already proofread it."

Inis siyang napatingin sa 'kin. "What's wrong, you ask? Do you think this- Damn!" sigaw niyang usal.

Kunot noo ko siyang tinignan. "Ano ba kasing problema?"

He shook his head. "Are the questions you listed there in that paper-," turo niya sa papel. "Even appropriate? Review it again," he continued.

Tinignan ko ito ulit. Ano bang problema sa mga tanong ko.

"How many times do you do it a week?" basa ko sa nakasulat. Kunot noo ko siyang tinignan. "Ano namang problema nito?"

"That's freaking vulgar, idiot."

Nagugulahan na talaga ako. "Anong naka vulgar niyan? Eh, tinatanong ko lang naman kung ilang beses mong gawin ang trabaho mo sa isang linggo," I reasoned out.

'Di ko talaga siya gets.

"You should have made it clearer then," tumikhim siya.

Ah, kaya pala. Dirty minded naman ng utak ng lalaking 'to.

"Eh, hindi paba malinaw. I thought okay na 'yan since alam mo naman ang trabaho mo..." I calmly said.

He just heaved a sigh. "Nevermind, give it back to me. I'll read the rest," aniya.

Kinuha niya ulit ang papel na hawak-hawak ko tyaka binasa ulit ang susunod pa na mga tanong.

I thought he wouldn't react again, but I was clearly mistaken. "The heck?" Tumingin siya sa 'kin.

"Ano na naman?" tanong ko.

"How would you explain this, then?"

Itinuro niya ang pangalawang tanong.

"Do you feel satisfied after doing it?" basa ko dito.

Napabuntong hininga ako. "Ano na namang problema diyan? Eh, tinatanong ko lang naman kong satisfied kaba sa trabaho mo pagkatapos mong gawin," I explained.

Hindi padin siya tumigil.

"Then how about this?"

Itinuro niya na naman ngayon ang pangatlong katanungan.

"Rate what do you feel after each sessions?"

Napabuntong hininga ako. "My answer will still be same as before, walang malisya 'yan. Tyaka para hindi kana mahirapan pa, ang pang-apat, pang-lima, pang-anim at so on na tanong ay pareho lang ang explanation ko. Walang halong malisya."

He just shrugged. "Nevermind..." Ibinalik niya saakin ang papel. "Throw this away and create a new one. It seems like I forgot to remind you to be more SPECIFIC and DETAILED."

Wala akong nagawa kundi ang tanggapin nalang ito at itapon na. He's the boss anyway.

"Dirty minded mo tito," biglaang sabat ng kung sino. Napatingin ako sa pigura ng taong pumasok sa kwarto.

Napangiti ako ng makita siya.

"What are you doing here?" naiinis na tanong ni Kielandro.

Inirapan lang siya nito. "Tinatanong pa ba 'yan? Bakit hindi ba 'ko pwedeng pumunta dito? Pagmamay-ari ko din naman ang bahay na 'to, ah. Kaya pwedeng-pwede kong gawin kung ano ang gusto ko at kung saan ko gusto at gugustuhing pumunta."

Kuhang-kuha niya ang inis ng tito niya.

Hindi ko maiwasang matawa pero pinigilan ko kagaad ito ng maalala kong nandito pa pala ako sa presensiya niya.

I fixed myself up. Mahirap na at baka hindi pa tayo tulungan.

"Ano bang nakain ng professor mo at ako pa talaga ang gustong gamitin sa thesis mo?" naguguluhan niyang tanong.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kan'ya. "Malay ko din do'n..." Napabuntong hininga ako. "Parang trip ka yata, eh."

"Shut up." Nakita kong hinimas niya 'yong sintido niya. "Go ahead and leave now, fix it. Come back here after dinner." Isinandal niya ang ulo niya sa table. "I want to be alone."

"Hindi ka kakain?" singit ng kasama namin dito.

"No, I'm full."

Napatango nalang ako nagpaalam sa kanya bago umalis.

He just nodded.

Napahigop ako ng malalim na hininga ng tuluyan ng makalabas sa loob. 'Langhiya, sobrang parusa naman yata 'to. Para akong hihimatayin kapag kaharap ko siya.

Napatigil lang ako sa mga pinag-iisip ko ng may biglang kumalabit sa 'kin.

"Ano, effective ba?" tanong nito.

"Hindi eh," sabat ko. "Nainis lang tuloy, kabaliwan mo kasi," I laughed.

Napairap naman ito. "Psh, sobrang dirty minded lang talaga niya," usal nito.

Tumawa nalang ako. "Let's just use those questions  I've prepared. Siguradong mas detailed at specific na talaga 'yon na wala na talaga siyang masasabi."

Napatango naman ito. "Buti pa," aniya tyaka malakas na tumawa.

IHPL 1: Kielandro Narcissuss Madrigal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon