CHAPTER 8

175 21 1
                                    


Am I a Pervert?

Konting pilit nalang at makakapasok na 'ko sa loob. May kataasan ang pagitan ko at ng sirang bintana kaya nahihirapan akong umakyat.

Hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit kinulang talaga ako sa height at hindi ako biniyayaan ng tangkad katulad ng iba d'yan. I'm not born to be perfect, I'm born to be unique. I was teached to accept and embrace that.

Though sometimes, I just find myself wishing na sana mataas lang ako, like now.

Kung siguro, 5'5 lang ang height ko, hindi sana ako mahihirapan at mas magiging madali nalang para sa 'kin ang pagpasok dito sa sirang bintan, but what can I do? Ano bang magagawa ko kung below average lang talaga 'yong ibinigay na height sa 'kin?

It's not that I'm arguing with the idea, sabi nga diba d'yan be appreciative? Kung maliit ka, maliit ka talaga. Ang problema ko lang kasi, 'di ko naman makita 'yong sariling kong um-agree sa line na 'yon. Being appreciative won't help me with my current situation.

Sa totoo lang, hindi naman talaga gano'n kataas ang pagitan ng bintana sa ground kung saan ako nakatapak, but well, there's a given, which is only applicable if you're tall. Pa'no naman ako nitong pinagkaitan?

Talagang hindi siya gano'n kahaba, sadyang 'di ko lang abot.

Mabuti nalang at kahit papano, hindi naman ipinagkait sa 'kin ang maganda at porselanang balat, pagmumukha at kutis. Best asset kona rin 'yon kung tutuusin. Pasalamat ko nalang sa mga magulang ko dahil sa ipinamanang magandang lahi.

Naalala ko panga ang sinasabi sa 'kin ni papa noon. Lacking something doesn't mean your fall, just keep looking at the bright side and focus on engaging yourself, what you possess and more, do your best to improve it. If you sense or think that you lack something, well think again, rather than forging and living with those lackings on your mind, it would be better to focus on thinking that you're special on your own way and better on another aspect. You particularly exceed on another thing. Hindi lahat ng bagay, dapat alam mo.

Sinubukan kong tumalon ulit sa pag-asang maaabot ko na ang bintana. I tried and tried, many times, but still failed.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng buti na ngalang at sa panglabing walong talon ko ay sa hindi inaasahan, nakayanan ko at naabot ko na nga ito.

Kahit alanganin ang posisyon ko ngayon at pwede akong mahulog, ipinagsawalang bahala ko nalang at ginamit ang buong lakas para makaakyat at makadaan.

Nakita ko nalang ang sarili kong nakatulala habang nakatingin sa pader ng isang maliit na cubicle. From the looks of it, hindi na 'ko magtataka pa. To be more specific, sa CR!

I can't stop myself from thinking. Bakit ba sa dinamirami ng lugar na pwede kong dapuan, dito talaga? Hindi naman sa nag-iinarte ako, masasabi kong nag-expect din naman ako kahit konti. Akala ko kasi sa kwarto niya ang bagsak ko, o kaya sa kusina, pwede rin namang sa study room. Pero ba't dito talaga?

Well, infairness din naman sa banyo niya't kahit papano ay mabango, parang hindi pa nagagamit. Hindi katulad doon sa comfort room na malapit sa bahay namin na parang humihigop kana ng halo-halo sa sari-saring amoy.

Masasabi talagang malinis ang nakatira dito.

Cube ang anggulo ng area sa kasalukuyan kong tinatayuan, which is given dahil cubicle nga. Tapos sa harapan ko naman ay pintuan. Hindi naman gano'n kalakihan ang banyo, sakto lang at masasabing comfortable na para sa isang tao.

IHPL 1: Kielandro Narcissuss Madrigal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon