CHAPTER 3

271 21 0
                                    


It's Now or Never

"So, ano ng plano mo?"

Alas otso y media ng gabi ngayon at busy ako sa pagreresearch sa kung ano ang pwede kong gawin. Wala na talaga kasi akong ideyang maisip. Ubos na ubos na 'yong IQ ko sa utak.

"Hindi ko nga alam," stress kong ani kay Claudine, roommate ko. Malakas akong napatampal sa aking haggard na mukha. Napakamot din ako sa buhok kong sabog na sabog na, kahit hindi naman bagong gising. Ikaw ba naman na halos segu-segundong kinakamot?

Don't get me wrong, wala akong kuto. Sadyang stress lang talaga.

Nasa dorm kami ngayong dalawa ni Claudine, which is parte padin ng school premises. Stay in kasi kami katulad ng ibang studyanteng nag-aaral dito sa university na pinapasukan namin at may dorm din sila na nakadepende sa kursong kinuha nila.

Malaki ang skwelahan namin at hindi ito basta-basta, sikat din kung tutuosim. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapasok dito.

ABM o Accountancy, Business Management ang kinuha kung strand in senior high school pero 'yong course na kinuha ko sa college is Business Administration. 'Yong department, dorm at building kung saan ako nag-aaral at nakatira, nasa East part naka-locate.

Stay in kami pero free naman kaming gumala at lumabas lalo na kung week ends. Except lang siguro sa gabi which is hindi talaga pwede, strict rule kasi talaga ng school na dapat wala ng studyante sa labas pagsapit ng alas diyesng gabi sa kadahilanang curfew na.

Habang ako ngayon ay sobrang problemado at naghahanap ng paraan para ma-ayos 'tong problema ko. Siya naman itong care free lang at iba pa ang inaatupag.

Just think of it...

Nakatiwang-wang lang sa kama niya habang kumakain ng chips na sa pagkaalam ko ay binili niya kani-kanina lang sa sari-sari ni Mang Josie sa may kanto sa labas lang ng university, pasimple rin siyang umiinom ng milktea na tinatago tago pa na para bang takot na hingan at agawan.

Ang bait lang, diba? Hindi na nga nang-alok, napakatakaw pa! True friend, nga.

Take the sarcasm, with that.

Imbes na tulungan at damayan ako sa mga kinakaharap kong problema ngayon, siya pa 'tong dumadagdag.

Sobrang ingay at tanong ng tanong, hindi naman nakakatulong.

"Ano ba kasing niriri-search mo d'yan?" tanong niya sabay tayo at lapit sa kinauupuan ko.

Pasimple siyang tumingin sa laptop na kasulukuyan kong ginagamit. Nang tignan ko ang mukha niyang napuno sa Gluta, nakita kong may isang mapaglarong ngisi ang kaagad na rumehistro sa mga labi nya.

"Oy, so tuloy ka talaga?"

"May choice ba ako?" Irap mata kong ani.

"How to compensate with someone? How to correct your mistakes? How to win your ex-best friend's apology? How to say sorry to someone if you hurt them?" basa pa niya sa mga tanong na nakalatag sa isang site na binuksan ko sa laptop ko. Nakita ko ang biglaang pagkunot ng noo niya. "Ano namang maitutulong n'yan sa 'yo?"

I turned at her direction.

"Simple lang naman Claudine, do you really think papayag 'yon kung bigla bigla nalang akong susulpot sa harapan niya at hingin 'yong tulong niya? Syempre hindi, diba?"

"Well, may point ka naman. Teka wait," aniya pero napatigil ng may naalala.

"Akala ko ba may closure na kayo. I mean, akala ko ba na nag-kausap at napatawad kana niya?"

Napakunot 'yong noo ko. "Huh?" Anong pinagsasasabi niya? I mean for almost three years wala na akong connection, communication at contact kay Kiel, no chats, calls, messages nor talking in person. So how come nasabi n'ya yon?"

"Huh? Anong, huh? Eh, 'yan 'yong sinabi mo."

Mas kumunot 'yong noo ko sa inusal niya. Ano na naman bang pinagsasabi ng babaeng 'to? Sinabi ko daw?

"Kailan ko naman sinabi 'yon, aber? Gagawa ka na ngalang ng chismis, hindi mo pa mapatunayan."

Nakita ko naman disappointment sa mata niya. "Hindi ka naman mabiro, eh. Gusto lang kitang mapatawa."

Napabuntong hininga ako.

Kung totoo lang sana 'yong pinagsasasabi niya, ikakatuwa ko talaga.

Kiel is a very important person to me. In fact, 'yong  mga memories namin, mga pinagsamahan namin, mahalaga 'yon lahat sa 'kin. I treasured it all. Lalo na 'yong mga bagay na naibahagi namin at natutunan sa isa't-isa.

Those sweet smiles and happiness we showed, those silent cries we shared, those cheerful personalities we discovered with each other, those memories we created together, everything. Pero nagiba lang ang lahat ng 'yon dahil sa isang pagkakamali ko, dahil lang sa isang malaking kasalanan.

I don't even think na mapapatawad pa ako ng lalaking 'yon, at kung mangyayari man siguro, alam kong hindi iyon ganon kadali, siguradong kailangan ko pang luharan 'yon. Baka nga sampung taon pa ang kailangang lumipas bago mangyari.

"Claudine, for your information, for almost three years, wala- as in wala na akong communication sa kan'ya, ni picture nga niya na magkasama kami, wala. We never see or saw each other in person or even talked, this past three years. Lalo na kaya ang mag-kaayos?"

"Kung sabagay, malaki rin 'yong nagawa mong kasalanan sa kanya," aniya na parang pinapamukha pa talaga saakin ang nagawa ko noon. Kaibigan koba talaga 'to?

"Yeah, I know, pinagsisihan kona ang lahat ng 'yon."

Napatango-tango naman siya.

"Pero matanong lang kita Constance, kahit isang beses man lang, naisipan mo rin bang kausapin siya? I mean, para humingi ng tawad... or something?" tanong niya. Seryoso siyang nakatingin saakin at naka cross arm.

"I did. I even asked for his forgiveness before, pero sobra lang talaga 'yong pasang iniwan ko sa kan'ya."

"Kung sabagay." Napatango-tango naman siya ulit, parang naiintindihan na ang sitwasyon. "So, ano na ang gagawin mo ngayon?"

"Hindi ko alam..." I heaved a deep sigh.

Bumuntong hininga din siya.

"Constance alam kong importante sa 'yo ang special project na 'to dahil dito nakasalalay ang kinabukasan mo, that's why I think kailangan mo na talagang magdesisyon at gumawa ng hakbang bukas na bukas. Sa narinig ko kasi sa mga chismosa sa tabi-tabi, isang buwan lang na palugit ang ibinigay ni Prof sa 'yo, tama naman diba? Lalo na't papalapit na ang graduation."

"Oo, tama ka. Isa pa, alam ko din naman 'yon, kaya nga naghahanap ako ng pwedeng gawin o mga ideya na pwede kong gamitin. Ikaw ba Claudine, may naiisip ka?"

I am infact and totally aware that I really need to make a decision, as soon as possible. Isang buwan lang ang meron ako at hindi pa ako sigurado kung magagawa koba.

Kung kailangan ko lang talagang pukpukin ng martilyo 'tong ulo ko, gagawin ko, basta makaisip lang ng solusyon.

Parang nasobrahan kasi yata ako sa kape, eh, at wala talagang pumapasok sa utak ko kahit ni isang ideya man lang.

Napabuntong hininga ako, naisipan ko nalang na ibalik 'yong atensyon ko sa ginagawa ko kanina. Naiisip ko din kasi na wala naman akong mahuhothot na ideya kay Claudine. Sa disappointed palang niyang mukha, nakakasigurado na akong wala din siyang naiisip.

"Wait!" tawag pansin niya sa 'kin.

"Constance, I think I know what to do. May naiisip akong plano!"

Napantig ang tenga ko sa mga katagang isinaad niya. Kung may ideya man talaga siya na pwede kong gawin ay malugod ko siyang pakikinggan.

"What is it?" hindi mapakali kong tanong. Hindi n'yo naman ako masisi, ganito lang talaga kapag problemado.

"I think I know what do! May naiisip akong hakbang na pwede mong gawin upang malapitan siya!"

Napatingin ako sa kan'ya. Her eyes is gleaming with hope, parang may umiikot talaga na ideya sa utak niya.

This better be good.

IHPL 1: Kielandro Narcissuss Madrigal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon