CHAPTER 43

107 13 0
                                    


The Fault In Our Stars

[3 years ago]

[3rd Person]

"Bagay ba sa 'kin?"

Hindi maiwasan ni Constance na mapairap matapos makita ang suot ng kaibigan. "No..."

"Bakit naman?" Napatingin ang kaibigan sa kanya.

"Saan kaba pupunta?" tanong ni Constance.

"Kay Kiel," simpleng sagot nito. "He's been out of reach for a week. He never called me, nag-aalala na 'ko, hindi naman siya ganito noon. He never fail to call, even once per day. Pupuntahan ko lang siya sa school."

"Have you tried calling him?" Napabangon si Constance sa higaan.

"Yeah, but he's not answering," malungkot nitong ani. "Hindi ba kayo nagkikita sa skwelahan?" she asked.

Constance heaved a sigh. "We do, but dumidistansiya siya kapag lumalapit ako. Hindi ko nga alam kung ano na ang nangyayari sa lalaking 'yon."

"Is that so..." lumukot ang mukha ng babae. "You want to come with me?" alok niya.

Constance instantly refused. She doesn't want to come dahil alam niyang masasaktan lang siya doon. She's tired of being a bridge for them. Oo, kaibigan niya sila pero napapagod na din siya. Pagod na siyang makisama, maging third party at third wheel.

Isa pa, this past few days ay ramdam niyang nilalayuan na siya ni Kiel. She doesn't even know kung ano ang problema o kung may nagawa ba siyang kasalanan.

Masakit din para sa kanya 'yon. Even though walang sila, she still has something for him, she cares for him. Even knowing the fact na hindi siya ang mahal nito, hindi siya ang pinili nito... kung hindi ang kaibigan niya.

What can she do?

Be a supportive friend, hide the pain and jealousy. 'Yon ang tama.

"Mag jacket ka nga!" sabi ni Constance dito tyaka kumuha ng jacket sa closet niya at ibinigay sa babae.

Masakit para sa kanya na patuloy niyang pinagmumukhang tanga ang sarili. Wala naman siyang magagawa. She doesn't want to ruin their friendship...

The friendship that the three of them built.

Constance, Kiara at Kielandro.

"Thanks beh, promise ko sa 'yo kapag nagkaanak kami ni Kiel, gagawin talaga kitang ninang." ani ng babae tyaka napayakap kay Constance.

Hilaw siyang napangiti. "Yeah, dapat lang."

"Sige alis na 'ko. Kita tayo mamayang gabi," Kiara bid her farewell na tinanguan at nginitian naman ni Constance.

Regrets and jealousy are clearly seen on her face.

Kaibigan ka lang.

She kept reminding that to herself.

Napahiga nalang ulit siya sa higaan habang pilit na iwinawala at kinakalimutan ang kasalukuyang nararamdaman.


IHPL 1: Kielandro Narcissuss Madrigal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon