Friday 6:40 AM
Kulimlim ang kalangitan at palapit na ang pagbagsak ng ulan. Kung ang iba ay madidissapoint sa ganitong uri ng weather, ay hindi si Andy. Gustong gusto nya ang ulan, ang malamig na ihip ng hangin.Sa ilalim ng silong ng kanyang payong. Muling inalala ni Andy ang mga nakaraan.
'Kay habang panahon at muli eto akoy nagbabalik! Ang sabi ni Andy sa kanyng isipan, sabay dukot sa kanyang wallet upang tingnan ang nag-iisang larawan nya kay Shiela. Tila pagkatapos ng kanilang special na gabi ay naglaho na lamang ito sa mundong ito at kahit ang mga social media accounts nito ay bigla na lamang nabura. Buti na lamang at naitabi nya ang isang letrato kung saan ay naging mag patner sila sa isang sayaw noong High School.
Yeah High School! Huminga si Andy ng malalim at nagdasal na walang siyang maka salubong na sino man mula sa panahong iyon.
Naka bihis ng formal attire si Andy at handa na sa isang job interview. Although gusto niya ang relaxing na patak ng ulan, ay sana huwag naman siyang abutan ng paglakas nito.
Biglang lumakas ang ulan pero nagawa nang makasakay ng bus ni Andy.
7:15 AM
Todo na ang buhos ng ulan. Parang ininakto ito ng sa kanyang pagbaba ng bus. Tarantang nagmamadali si Andy sa pagbukas ng kanyang payong. Me hindi man lamang sya hinintay ng ibang tao sa bus na makaka baba, kayat ngayon at basa na ang kanyang likuran at mukhang may lamig na sy'ang naradamdaman sa kanyang sopatos—senyales na pinasok na ito ng tubig.Bumungad sa kanya ang malawak na hardin ng Angels Breathe Hospital. Although patuloy syang nababasa ng ulan ay panadalian nyang nilasap ang magandang view ng garden nito. Sa ngayon ay walang naglalakad na mga pasyeste dahil sa ulan at parang tanga sya'ng nakatayo sa gitna.
Basang basa sya at nagtutulo ng pumasok sa lobby. Di gaya ng ibang hospital na crowded, ang Angels Breathe ay tahimik at may hotel vibes. Isa itong first class hotel at hindi nya inaasahang tatawagan sya nito upang magkaroon ng pagkakataong mag trabaho dito.
Lumapit sya sa dalawang magagandang receptionist upang magtanong.
11:20 AM
Ilang exams na ang napagdaanan ni Andy at sa palagay nito ay hindi maganda ang kanyang ipinakita. Lalo na sa kanyang interview.Panay ang kanyang kagat sa kanyang labi.
Nang maglabasan na ang mga applicante ay sya na lamang ang natira dahil sa hindi ata nya maubos ang sandwhich na ibigay ng staff ng Hospital.
'Enjoyin ko na lamang ito!' ang sabi ni Andy sa sarili
11:56 AM
Mukhang tahimik ang paligid. Tumayo na si Andy sa kanyang upuan at itinapon ang natitirang sandwich.On the way home ay bibili na lamang sya ng tatlong lata ng beer upang agad na makatulog.
Habang naglalakad sa hall ay isang babaeng doctora ang kanyang nakasalubong. Tila nagmamadali ito at may hinahanap at nang makita siya nito ay agad agad syang nilapitan.
"Excuse me, naka alis na ba ang lahat?" Ang tanong nito kay Andy habang nakahawak sa kanyang braso.
Tumango si Andy upang sabihing oo at muling nagpatuloy sa paglakakad. Napuna nyang may kagandahang taglay ang doctora ngunit wala syang gana sa kahit anu pa man.
Patuloy na naglakad si Andy. Ang kanyang semi na basang sopatos ay gumagawa ng tunog kada hakbang. Nilalamig na ang kanyang mga paa sa bawat hakbang.
"Wait!" Ang sabi ng boses sa kanyang likuran.
Napatigil si Andy sa muling pagtawag ng boses na nag echo sa hallway.
Pumuhit si Andy at muli ang Doctora ay tumakbo papunta sa kanya.
"Isa ka ba sa mga I.T. Staff?" Tanong ng doctora
Umiling si Andy ar sumagot ng hindi . Muli siyang pinigilan ng doctora.
"Isa ka ba sa ba sa mga applicant?"
This time ay tumango ang malungkot na mukha ni Andy and sya namang biglang napangiti ang doctora.
"Ibig sabihin, marunong ka sa computer?"
Tumango ng 'oo' si Andy at lalong lumapad ang mga ngiti sa labi ng doctora.
1:20 PM
Naka upo si Andy at sa harap nya ay pinapanood nya ang dahan-dahang pag restore ng files sa computer ni Dr. Serrano.Mukhang malubhang importante sa kanya ang mga files sa computer kaya't nagpanic ito ng halos sirain ng isang worm virus ang kanyang operating system.
Paliwanag ni Doctora, ay agad syang tumawag ng tumawag ng isang technician para agad maayos ito pero walang ni isang sumasagot.
"Hindi kaya nakatadhana tayong magkita doc?" Ang biro ni Andy
Tumawa ang doctora "baka nga Andy"
"Pero doc baka ito na din ang huli, mukhang hindi maganda ang mga results ng akong pagsususuri" ang biglang lungkot ng pagsabi ni Andy
"Who knows Andy!"
Ng matapos ng na ang program sa pag restore ng files. Isang folder ang sinampolang buksan ni Andy.
"Wala naman siguro akong nakaka-gulat na makikita dito ano doc?"
"Wala naman, go ahead!"
Ilang mga word and exe files ang kanyang bilinuksan at isinara din agad. Pumunta sya sa ibang folder at this time ay ilang mga pictures naman ang kanyang nakita.
Binuksan nya ang isa, at isang cute na batang babae na nasa 6 to 9 years old ang kanyang nakita. Maganda ito at cute. Hawig ito kay doctora Serrano at inisip ni Andy na ito ay marahil anak nya.
"I hope sana na single mom ka doc"
Agad na na pick up ng doctora ang biro ni Andy.
"Haha, sira ka Andy pamangkin ko sya!"
9:15 PM
Naging masama man ang kanyang performance at malamang ay hindi na sya tatawagan pa ng hospital upang sabihin na tanggap na sya sa trabaho, tila may ngiti naman sa mukha ni Andy dahil sa nakilalang doctora.Hindi binigyan ni Andy ng anumang kulay ang eksenang iyon. Wala naman sigurong babae na tulad ni Doctora Serrano na napaka edukado ang pipili ng mahuhulog sa isang tulad niya. At isa hindi na nya dapat pang pag isipan ng kahit anu pa man dahil meron na siyang hinihintayna bumalik!
Ininom ni Andy ang huling lata ng beer, binuksan at bluetooth speaker at nagpatugtog ng isang japanese song na may pamagat na 'nantonaku' at inantay na antokin.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Surprise
RomancePaalala ito ay isang unedited at unpolished story Isang araw, naisipang bigyan ni Andy ang kanyang classmate na si Cristy ng isang mahaba at matigas na surprise Warning: Grammatical errors, I am not a pro and I do this for personal entertainment. T...