12:35 PM Nightshift
Dahil sa hindi magawang istorbohin ni Andy ang pagpapahinga ni Cristy, pinili na lamang nyang tumambay sa I.T. Office. Sya lamang mag-isa dito, kaya't muli ay nilibang nya ang kanyang sarili sa mobile games. Ngayon ay isang farming simulator naman ang kanyang naisipang laruin. Mas comfortable laruin ang gantong games, lalo na't sawa-sawang kana sa mga kupal na kakampi sa Mobile Legends.
Maya pa ay na bored na sya, so this time ay naisipan naman nyang maging productive.
Isinalansan ni Andy ang mga naka-kalat na papel sa mesa ng kanilang I.T. Head. Ang ilang mga cabinets na hindi gaanong nakasara ay kanyang tinulak ng maigi upang lumapat. Inayos din nya ang naiwang bukas na drawer ng kanyang boss. Hinila nya ang drawer upang ayusin ang mga naipit na papel. At doon natuklasan ni Andy ang sikreto.
Ang mga sirang parts na overpriced at binibili lamang mula lamang sa nag-iisang shop.
Next Day 1:45 PM
Somewhere in the cityHindi gaano naging maige ang tulog ni Andy kaka explore sa google maps. Ang computer store na kanyang hinahanap ay may pangalan na 'Big Bytes'.
Nakailang sakay na nang jeep at bus si Andy. Pawisan na sya sa kanyang suot na shirt.
Tila nasa isa syang empty na alley. Dalawang lumang building sa kanyang pagitan na may mga random stores na mukhang walang gaanong tao. Isang maduming kalsada ang kanyang dinadaanan. Mga black bags na naglalaman ng basura at ang iilan ay sira na naglalaman ng mga styro ng fast food.
Pakiramdam ni Andy ay mahoholdap siya any second now. Pero sino namang tanga ang mag- aaksaya sa kanya ng oras kung mukha namang wala syang pera, so nawala pangsamantala ang kanyang takot. Pero bumalik ito dahil, kung hindi nga sya ma holdap, eh magpag-titripan naman sya.
Bumilis ang paglakad ni Andy. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso ng isang naka hoodie na lalaki ang kanyang naka salubong.
'only in the Philippines' ngisi ni Andy. Kahit anong init ng weather.
Tiningnan si Andy ng lalake mula sa ilalim ng hood nito. Sa takot ni Andy ay iniwas nyang mapatingin dito.
Bumilis lalo ang kanyang paglalakad. Nag alala siya at lumingon sa likod na baka biglang pumihit ang lalake. Bigla ba syang ma-susurprise na lamang na tumatakbo na papunta da kanya ito at may hawak na patalim. But nope isa lamang itong wild imagination nya dahil palabas na ng alley ang lalake.
Kumaliwa si Andy at bumungad sa kanya ang isang lumang store na may pangalang Big Byte.
Ito na ang kanyang hinahanap!
Itinulak ni Andy ang glass door at pumasok.
Isa itong Computer store! Ano pa ba ang kanyang inaasahan.
Mga laptops na naka display, na merong nakasulat tungkol sa specs nito. Isang mahabang glass counter na may ibat-ibang parts. Mouse, keyboards at monitors. Pero nasaan ang mga tao?
"Tao po?" Tawag ni Andy
Mga ilang seconds at may lumabas na lalaking nakasuot ng Red shirt na may logo ng store name.
Tumagilid ang mukha ni Andy habang kinikilala ang pamilyar na mukha.
"Is that you Sir Neville?"
Ngumiti ang lalake "Ako nga Andy"
At biglang bam! May tumama bagay sa likod na ulo ni Andy at nakita nya ang milky way bago mawalan ng malay.
Time:???
Place:???Nagising si Andy nang may isang napaka bigat na pakiramdam sa kanyang ulo. A few more seconds at nag transform na ang bigat na ito, sa isang matinding headache. There was a pulsing sensation sa likuran ng kanyang ulo.
"Welcome Andy! Sa wakas nagising ka din" sabi ng isang boses
Medyo blurry ang vision ni Andy at hindi nya gaanong makita ang lalake sa kanyang harapan. Dahil ito sa spotlight na nakatutok sa kanya.
Medyo may kainitan ang ilaw ng spotlight, but it was okey, dahil ginawang welcoming ang warmth nito ng malakas na aircon. It made Andy wish na sana ay mayroon syang kumot.
"Hindi ko ineexpect na matutuklasan mo ang lihim ko Andy" ang muling pagsasalita ng boses.
This time ay nakilala na nya ang nasal at irritating na boses. It was his I.T. Head.
Naalala ni Andy na nakatayo lamang naman sya kanina sa loob ng Big Byte Computer Store.
"Sorry medyo hindi ko napagsabihan si Edgar na maging gentle lamang sayo"
Edgar? At isang lalaki ang napansin ni Andy nang humakbang ito papunta sa kayang right side. Isa itong lalaking may malapad na panga. Hawak nito sa kanyang kamay ang isang kulay silver at asul na baseball bat. Ito marahil ang ginamit nitong pamalo sa kanya.
"Andy sa totoo lamang ay hindi kita nais maging kaaway. Infact ay nasa plano ko nang one day na magsanib tayo ng pwersa"
"Hhh err hah? Anong ibig mong sabihin Sir Nev?" Medyo may crack sa boses ni Andy dahil sa tuyo nyang lalamunan. Gaano ba sya katagal nawalan ng malay?
"Sa tingin mo ba hindi ko makikilala ang isang legend na tulad mo Andy?"
Sumignal ng isang kamay si Neville at sumunod si Edgar. Isang switch ang pininddot nito mula sa pader at namatay ang ilaw. Medyo may kaunting silaw na lamang sa mata ni Andy pero makikitang siya ay nasa isang basement.
Bumungad sa kanya mukha ni Neville at isang kulay white sa pader na nagsindi nang pindutin nito ang hawak na remote.
Sa malaking screen ng T.V. ay makikita ang isang pamilyar na eksena.
Muli ay bumalik sa panahon si Andy noong sya ay Highschool pa.
Isang babae ang tumili sa video, mga nag kumpulang mga estudyante sa loob ng classroom. It was the day na sinurpresa nya si Cristy. Oh shit, there was he na naka upo sa sahig at naka labas ang kanyang alaga.It was the same scene, pero ibang angulo ng kuha. This was another video.
Napa nganga lamang si Andy.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Surprise
RomancePaalala ito ay isang unedited at unpolished story Isang araw, naisipang bigyan ni Andy ang kanyang classmate na si Cristy ng isang mahaba at matigas na surprise Warning: Grammatical errors, I am not a pro and I do this for personal entertainment. T...