Project Mind Control

12 0 0
                                    

Walang idea si Andy kung anong oras na. Nang hinandaan si Andy ni Neville ng pagkain, ay agad nya itong nilantakan. Isang malaking cheese burger na may double patty at chocolate milkshake. Mabilis na napawi ang gutom ni Andy, ang tanging problema na lamang niya ay ang matinding sakit ng kanyang ulo. It's okey lang naman, ang dapat na alalahanin ay, kung makakabalas pa ba sya dito ng buhay. Dahil tila hindi lamang ito isang munting sikreto ng isang tao.

It turned out na ito ay isang lihim na samahan. Bukod kay Andy, may iba pang tao na involved dito.

Ngunit para saan ba ang pera na hinihigop ng mga parasitikong ito?

Isang matabang lalaki ang dumating. Ipinakilala ito ni Neville kay Andy bilang si Mayor. No other names was given kayat hindi  maisip ni Andy kung totoong Mayor ba ito. But he looks like one. Mataba, in obese, at may mukha nang isang katiwa-tiwalang buwaya.

"He's a real Mayor Andy, trust me."

Ngumiti lamang si Mayor at sinabing "Sya ba? Isa ba sya sa atin?"

"Walang duda mayor. Sya si Andy, ang tunay na legend"

"Ang lalaking nasa video ilang years ago?"

"Yes" ang pag confirm ni Neville

Hindi maintindihan ni Andy kung ano  ang nangyayari. Aksidente bang natuklasan nya ang isang malaking kulto?

Nagpasya si Neville na ilahad ang lahat sa pamamagitan ng pag bukas ng lahat ng ilaw.

Napapikit at nasilaw si Andy sa sobrang liwanag. Nang makapag adjust na ang kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang isang laboratoryo.

"Do you like it Andy?" Tanong ng nakangiting si Neville

"Halika dito Andy" aya ni Mayor na mukhang excited "Neville ipakita mo na sa kanya"

Nang tumayo si Andy sa kanyang kinauupuan ay muntikan na syang mabuwal. Buti na lamang at agad syang nahawakan ni Edgar na bigla na lamang lumitaw sa kanyang tabi. Napaka laki talaga ng panga ng taong ito!

Sa isang stainless ilang mga botelya ang ipinatong ni Neville. Galing ito sa loob ng freezer. Umuusok pa sa lamig ang mga ito at may laman na parang grey at silver na liquid.

"Watch Andy. Ito ang future na babago sa buong mundo"

Mga kalahating minuto pa ay tila mabilis na nawala ang lamig ng mga  botelya. Kinusot ni Andy ang mata. Tila parang buhay ang mga nasa loob nito.

"Nano bots Andy"

Sa likod ay panay lamang ang ngiti ni Mayor.

"When injected sa isang tao, it will allow us to control that person"

To be continued....

SurpriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon