Paghihiganti ☆ Part 1

450 4 0
                                    

8 yrs ago ng magmahal si Maria Loraine ng taga Manila.16 yrs old pa siya noon at si Larry Tolentino ay isang apo ng Haciendero doon sa baryo Santa Mesa.Apo naman si Maria Loraine ng isang labandera lang doon sa Hacienda.May Tiyahin siya sa Japan na nag asawa ng Hapon doon.Gustong kunin si Maria ngunit ayaw ng lola niya.Baka ibugaw daw ni Stella ang pamangkin doon.Dating Japayuki ito at may ari na ng bar ngayon doon.Kahit itakwil ito ng Ina monthly ito nagpapadala kay Maria para sa pag aaral daw niya.At para sa pang araw araw na gastusin nila maglola.Gusto patayuan ng tiyahin niya ng bahay sila sa Sta.Mesa.Pero matatag na tinanggihan ni Peryang ang alok ni Stella lage.Dahil para kay Peryang galing sa masama daw ang pera ni Stella.Nag aalaga din si Shella kasi doon ng mga babae na entertainer doon sa bar niya.Wala din kasi itong anak kaya kupkopin sana nito si Maria.Namatay na lang ang asawa nitong Hapon.Di pa sila nagkaanak nito.Kay Stella naiwan syempre ang konting bussiness nito na bar at spa na rin.Pinay ang mga empleyado lahat ni Stella doon.
"Maria sinasabi ko sayo pag aaral muna atupagin mo.Wag kang tumulad sa Tiyang Stella mo na ambisyosa.May pera nga pero do pwedeng ipagmamalaki ang pinaghirapan niya.At galing iyon sa asawa niyang Hapon.Ikaw dapat pangalagaan mo ang dignidad mo apo.Yon lang ang hindi nabibili ng pera na meron tayo."di nagkulang si Peryang sa pagpapaalala kay Maria.
"Opo lola."ani ni Maria pero di niya alam kung mapanindigan niya na wag kumiringking sa murang edad niya.Crush niya si Larry Tolentino yong apo ni Don Lauro.Siguro kaugali siya ng tiyang niya na ambisyosa.Dahil pinapangarap niya ang apo ng Haciendero.Sa tuwing magbabakasyon itong si Larry sa Sta.Mesa.Talagang kay saya ni Maria.Di pa siya naniniwala noon na ang mayaman ay para lang sa mayaman din.Para sa kanya pantay pantay lang ang tao.Walang mahirap at mayaman sa mata ng Dyos.
Bakasyon ulit kaya excited din si Maria sa pagbakasyon ulit ni Larry doon sa Hacienda.Kunwari tutulong siya sa pagbubuhat ng maleta nito or mga dala ng mag anak galing sa Manila.Para masalubong niya si Larry agad agad.20 yrs old na ito five yrs ang gap niya.Pagbaba nito ng van kasama ang parents nito.Nawala ang ngiti ni Maria ng makitang may kasama itong maganda at sexy na babae.Kinumpara pa niya ang sarili niya dito.Wala pa siyang boobs at nene pa talaga ang ayos niya.
"Hoy Nene ano pang tinitingin mo dyan.?Tulungan mo na kami sa mga maleta namin."utos ni Laarnie ang Ina ni Larry na matapobre.
"O-opo Maam."tila nagising ang diwa ni Maria.Dali dali niyang kinuha ang dalawang maleta sa harapan niya.
"Be careful baka mabasag ang wine na pasalubong ko kay Lolo Lauro."maarteng ani ni Trixie na siyang gf na ngayon ni Larry.Magkaibigan ang mother nila at 1 yr na silang mag on ng binata.
"Opo."palihim na umiismid si Maria dahil sobrang arte nito.At kay igsi ng palda nito dinaig pa ang Japayuki.
"Maria crush mo si Senyorito Larry noh.?Kaso ang sabi sabi gf niya iyang babae na iyan."bulong ni Loira na bff ni Maria.Magkasing edad lang silang dalawa.Sabi nito pupunta daw ito ng Japan pag graduate nila ng hayskul.
"Gf pa niya yan di pa naman asawa Loira."ayaw ni Maria mawalan ng pag asa na mapansin siya ni Larry Tolentino.
"Ay bahala ka nga basta masama ang mangarap ng di mo naman abot Maria.Kung pera iyan pwede mo iyong paghihirapan pa naman."payo sana ni Loira pero Alam niyang di nakikinig si Maria.Pero if ever na maging broken hearted ito.Dadamayan niya ito ng walang pag aalinlangan.
Tumulong din sina Maria at Loira sa pagserve ng pagkain sa hapag ng mga ito.Nang matapunan ni Maria ng konting tubig lang si Trixie binulyawan siya nito agad.
"Rico ano ba iyang bisita mo.?Bakit nambubulyaw agad sa pobreng bata.?"galit na ani ni Don Lauro.
"S-sorry po lolo ei hindi kasi siya nag iingat po."sisi pa rin ni Trixie dito.
"Mawalang galang na po Maam.Tubig lang po natapon sa kamay ninyo po.At hindi ko naman sinasadya po."matapang na nangatwiran si Maria.
"At hindi po kami katulong dito.Tumutulong lang po kami ni Maria."segunda naman ni Loira.
"Kung hindi kayo rumespeto sa amin.Bakit nasa harapan pa namin kayo.Alis na kayong dalawa.!"parang aso lang na pinapaalis ni Laarnie ang dalawang dalagita.
"Laarnie how rude are you.Nandito kayo sa pamamahay ko.Wala kang karapatan bulyawan ang kahit sinong kasambahay ko.Maria at Loira doon na kayo sa kusina maglaro at kumain na rin.Wag ninyong pagsilbihan ang asal hayop naman."noon pa di gusto ni Don Lauro itong manugang niya.Pero wala na siyang magagawa ito ang gustong pakasalan ng anak niyang si Rico.At may apo agad siya kaya di na lang siya komuntra.
Natameme naman agad si Laarnie.Dahil di talaga siya gusto ng ama ng asawa niya.Kaya nga di din siya nag effort na pumunta lage doon sa Sta.Mesa.Ang kinaiinis niya matagal pang mabuhay ito dahil 60 plus pa ito.At malakas pa si Lauro kesa sa kalabaw.Sa probinsya maagang nag aasawa daw ang mga tao doon.Kahit live in partner lang matatawag na daw iyong asawa.Nag iisang anak lang si Rico kaya gusto nitong isa lang din ang anak.At lalake pa daw kaya tama na daw si Larry.Kaya mahal ni Laarnie si Trixie dahil gusto pa niyang mag anak ng babae.Pero ayaw na talaga ni Rico daw.Bata pa lang si Trixie hinihiram na niya ito sa kaibigan na si Donna Valdeza.Second family na ito ni Rolando Valdeza.Devorce ito sa ex wife nitong na nasa London na.May anak itong panganay na si Teo Valdeza.Di ito umuuwi ng Pinas daw dahil di gusto nito makasama ang step mom nitong si Donna.Kaya Kibale si Trixie ang spoiled ni Rolando.Sunod sa luho ang dalaga.At gusto ni Laarnie na maging manugang si Trixie balang araw.
"Hay naku kay arte nong Trixie diba Loira.Di ko naman sinasadya tapos konti lang naman natapunan yong kamay niya ng tubig.Baka lahing pusa iyon nagagalit pag nabasa ng tubig."nagdadabog na ani ni Maria kumakain na sila ni Loira sa kusina.
"Ang mabuti nating gawin umiwas na sa babae na iyon Maria.Maglaro na lang tayo sa manggahan.Mag eenjoy pa tayo."sabi naman ni Loira.
"Hoy kayong dalawa pagkatapos ninyong kumain.Gumawa na kayo ng assignment.Aba kami ni Lola Peryang ninyo di alam yong math.Kaya di namin kaya gawin yong assignment niyong dalawa.Pag tapos na pwede na kayong maglaro."ani ni Loisa na Ina ni Loira kapitbahay nila Maria.Stay out ang mga ito dahil lalakarin lang naman ang bahay nila.At may mga kapatid pa si Loira na alagain pag gabe na.Dahil yong lola ni Loira matanda na mas matanda pa sa lola Peryang ni Maria.
"Opo."panabay nina Loira at Maria.
Samantalang si Trixie trying hard makibagay sa buhay probinsya.Gusto niyang maimpress ang Don para magustuhan siya nitong future grand daughter in law.Kahit old fashion ito sabi ng Tita Laarnie niya.Pilit siyang makibagay dito.Dahil kay laki ng pag aari nitong lupain sa Sta.Mesa.Sulsol ng Mommy niya kelangan niyang makapangasawa ng mayaman like Larry Tolentino.Dahil for her future tiyak yong kuya Teo niya ang magmamana ng pagiging CEO.At ayaw din ni Trixie magpapahirap sa mismong company.Boba at tamad  ito gusto lang nitong magbarkada at magwaldas ng pera araw araw.
"Larry ilayo mo nga sa akin itong nobya mo.Imbes makatulong ginugupit niya ang mga halaman.Garden ito ng lola mo Sagrado ito for me.!"nairita si Don Lauro dahil nagugupit lang si Trixie doon ng mga tangkay ng halaman.
"G-gusto lang ni Trixie tumulong naman Papa."to the rescue agad si Laarnie sa babae.
"Bingi ka ba Laarnie hindi siya nakakatulong.Sinisira niya ang mga halaman.!Doon na nga kayo isa ka pa.Wala naman kayong alam sa mga halaman.!"bulyaw na ni Don Lauro sa manugang.
"Papa sumosobra ka na bakit ka ba naninigaw.?We are trying to help lang naman."pag dadrama ni Laarnie para kampihan siya ng asawa niya.
"Papa wag ka namang harsh sa asawa ko."kampi din agad ni Rico.
"Dalhin mo doon itong boba mong asawa.Pareho lang kayo ikaw naman uto uto.I said di sila nakakatulong dito sa garden ng Mama mo.Kayo Alis hinahighblood nyo ako pag nagbakasyon kayo dito.Or hahampasin ko kayo nitong hawak kong pang putol ng halaman.!"pati sa anak naiirita si Don Lauro dahil nauuto ito sa asawa nito lage.Wala namang pakinabang kumbaga.Baka sumunod sa yapak nito ang apo.Mauuto din sa Trixie Valdeza na ito.Kasing ugali nito ni Laarnie boba na matapobre pa.

PaghihigantiWhere stories live. Discover now