Gagawa ng paraan si Mrs.Jordan para di siya iiwan ng anak anakan niya.
"Ate payagan mo na lang si Luca na pakasalan ang gusto niyang babae.Siguro naman di na siya aalis dito sa Britanya.Baka masalba pa niya ang company natin."payo ng mother ni Luca na si Lucy ang kapatid ni Mrs.Lucia Jordan.Lahat ng mga anak niya ay anak din ng mayaman.Hinanapan kasi siya nito ng mapapangasawa na mayaman.Kapalit noon ang kanyang panganay na anak na si Luca.
"Magandang idea yan at magpapakilala ka na sa anak mo.Ayusin mo ang acting mo yong maaawa talaga si Luca sayo.Lately matigas na ang ulo ng anak mo Lucy."inis na naisip ni Mrs.Jordan di na kasi niya mauto pa kasi ang anak anakan.
"Sige ate ako na ang bahala."masaya si Lucy na nabigyan na siya ng pagkakataon na ipaalam kay Luca na siya ang tunay na Ina nito.Iniisip ni Lucy kung malaman ni Luca na siya ang Ina nito.Baka tuluyan na lalagpak sa lupa ang ate Lucia niya.Sawang sawa na siya sa pagkokontrol nito sa kanya.Hiniwalayan siya ng kanyang mayaman na asawa.Dahil na rin puro pera lang nasa isip ni Mrs.Jordan.Dapat daw siyang tumanaw ng utang na loob forever sa mismong kapatid niya.Pati mga anak niya di na siya kinikilala pa.At kilala siya ni Luca na Tita lang nito.Panahon na siguro na sa kanya naman papabor ang sitwasyon.
Sa sala nandun ang lahat.1 week na sila Maria doon at nakahanap na daw ng buyer si Luca sa shares niya.Kaya gusto na nilang umuwi dahil namimiss na nila ang mga anak nila syempre.
"Anak ipakilala ko na sayo ang tunay mong Ina.At papayag na ako kung sino ang papakasal mo.Wag mo lang akong iiwan.Alam kong may pagkukulang ako sayo.Pero di naman pa huli ang lahat diba.?"nagmamakaawa ang aura ni Mrs.Jordan ka Luca.
"L-luca ako talaga ang nagluwal sayo.Di Namin sinabi sayo para lumaki kang normal na bata.Baka maguguluhan ka lang kasi sa pagkatao mo.Di masama si ate Lucia tinulungan nga niya ako diba sa lahat ng bagay."umiyak talaga si Lucy dahil matagal na niyang gustong sabihin ang katotohanan sa anak niya.
"Mommy at Tita sa tingin ninyo ba laro lang ang pagkatao ko.Ina ko pala ang Tita ko ganun ba.?Di ninyo ba alam kung gaano kasakit sa akin ha ngayon ang katotohanan.?Ikaw naman Tita buti naging masaya ka na mamuhay ako sa di tunay kong Ina.This is ridiculous ano naman ang gusto ninyong mararamdaman ko ngayon ha.?"impit na bulyaw ni Luca sa mga ito.Talagang pinaglalaruan lang ang pagkatao niya sa dalawang ito.
"L-luca gusto ko talagang magkaanak pero di ko magawa.Kasalanan ko ba na di ako nagluwal sayo.?Itinuring naman kitang tunay na anak.Feeling sapat na iyon diba anak.?"biglang nataranta si Mrs.Jordan di niya inaasahan ang reaction ni Luca ngayon.
"No Mommy naipanganak ako dito sa mundo.Dahil lang sa panhandling interest ninyo lahat.Ginagamit ninyo ako para makakapit sa kayamanan ng Daddy ko.Sobrang stupid ko na minahal kita bilang isang Ina.At ikaw naman Tita Lucy ngayon mo pa sinabi iyan sa akin.Dahil itsapwera ka na sa mag ama mo.?Sawang sawa na akong maging laruan lang ninyo.Halos buong angkan ninyo nakinabang sa kayaman ni Daddy.At masaya ako na pinamana niya ang 3/4 na ari Arian niya kay Leticia.Dahil siguro uubusin lang ninyo ang pinaghirapan ng Daddy ko na parang di talaga mauubos.!Simula ngayon isipin ninyo na di ako parte ng pamilya ninyo.Magsisimula ako ng bagong buhay sa Manila.Kaya bahala na kayo sa buhay ninyo."matatag na desisyon na talaga ni Luca.
"L-leticia kumbinsihin mo si Luca na wag kaming iwan.Magiging mabuting Ina na ako sa kanya."biglang luhod ni Lucy sa paanan ni Maria at hinawakan pa niya ang kamay nito.
"Hoy di kita kilala naman Ale.Wag mo nga akong hawakan wala akong pakialam sa issue ninyo noh."malditang binawi ni Maria ang kamay mula dito.Lalong minahal at nirespeto niya ang kanyang sarili niyang Ina.Dahil di ito nasilaw talaga sa pera.Lumaki man siyang di sa magarang bahay.Pero binusog naman siya ng pagmamahal sa pamilya niya.Naaawa nga siya sa half brother niya.Dahil ang pagkatao nito ay parang biro lamang.
"Back off please."medyo tinulak ni Teo ang Tita ni Luca at inilayo agad si Maria.
"Luca kung pag iisipan mo pa pupunta ka talaga ng Pinas.Mauna na kami may mga anak kaming naghihintay sa amin.2 months old pa lang yong anak ko.Tapos na din kaming gumala dito.Kaya uuwi na kami pag nagpirmahan na sa buyer."paalam ni Maria ayaw niya pakialaman ang desisyon ng half brother niya.
"No may meeting na tayo sa buyer nang shares sa company.Nakahanda na ang gf ko sasama daw siya sa akin sa Pinas.Kaya unahin na muna natin ang bentahan.Di naman nila magagalaw ang ibang assets mo na nakafroze lang."ayaw ni Luca na pigilan pa siya ng mga ito.
"L-luca uulitin ko ako ang Ina mo.Patawarin mo ako anak kung ngayon ko lang sinabi sayo to.But then marami pa namang oras para makabawi ako sayo diba anak.?"naglulupasay si Lucy sa paanan ni Luca.
"Mas gugustuhin ko na yong mother ni Leticia ang naging Mommy ko pa.Dahil di siya gahaman sa pera.Kahit mamuhay ako na mahirap.Atleast matulad ako kay Leticia ngayon na busog talaga sa pagmamahal.Di na ninyo maibabalik ang nakaraan.At suko na ako sayo Mommy Lucia I know patuloy mong kokontrolin ang buhay ko.Kahit pa pumayag kang magpamilya na ako.Ayoko idrag din ang gf ko sa pamilyang kinalakhan ko.At higit sa lahat puputulin ko na ang pagiging gahaman ninyo sa pera.!"buo na ang desisyon ni Luca na talaga.
"Nang dahil sayo Leticia iiwan ako ni Luca.Ako dapat ang nagmamay ari sa lahat ng mga ari Arian ng asawa ko.Yong mother mo isa lang namang slut.Nilandi niya talaga ang mister ko tang ina."nagwawala na si Mrs.Jordan.
"Kasalanan ng asawa mo din kong bakit nagpapalandi siya sa Mama Mellisa ko.Pero ito lang masasabi ko sayo mas maganda ang Mama ko kesa sayo.Kaya kahit papaano pala may taste si Mr.Jordan tse."malditang pagtatanggol ni Maria sa Ina niya.
"Tayo na nasa apartment na ng gf ko yong mga maleta ninyo.Bukas na ang flight natin.Kung manghaharass sila tatawag na tayo ng police."niyaya na ni Luca lumabas silang lahat sa malaking bahay na iyon.
"Luca talagang pagsisihan mo itong desisyon mo ngayon sa pag iwan mo sa akin.!"pahabol pang sigaw ni Lucia pero di na siya nilingon ng anak anakan niya.Gusto niyang patayin si Maria ura mismo.Total di niya makuha kuha ang gusto niya.Kaya dali dali niyang kinuha ang maliit na baril niya.
"Ate nababaliw ka na ba.?Wag kang gumawa ng krimen."gilalas na awat ni Lucy sa kapatid.
"Wag mo akong pigilan Lucy.Papatayin ko iyong anak ni Mellisa.Baka mapunta pa sa akin ang ari Arian pag namatay na si Leticia.!"ayaw ni Mrs.Jordan magpapigil pa nademonyohan na siya.Hinabol niya ang mga ito sa may gate ng bahay.At tinutukan niya ng baril si Maria mismo.
"Ako na lang patayin mo Mommy.Para masiyahan ka na walang kasalanan si Leticia sayo.!"humarang naman agad si Luca.
"N-no ate ibaba mo ang baril baka matamaan mo ang anak ko.!"nagmamakaawa si Lucy sa kapatid niya.
"Ikaw lang ang nagbuntis kay Luca.Pero ako pa rin ang Ina niya.Kaya ok lang pagbayaran niya ng buhay ang utang na loob niya sa akin.Di ako papayag na ibasura lang ako ng anak ko Lucy."kinilabit talaga ni Mrs.Jordan ang baril pero humarang bigla si Lucy.
"L-lucy oh my God bakit hinarang mo ang Bala.?"kahit papaano mahal ni Mrs.Jordan ang kapatid niya.Binitiwan niya agad ang baril at niyakap ang duguan na kapatid.
"Ate bayad na si Luca sa utang na sinasabi mo.!Binayaran ko na sa buhay ko."halos pabulong na sabi ni Lucy.
"No Tita or Mom pwede kitang dalhin sa Pinas kung gugustuhin mo naman."umiiyak si Luca nagsisi siya kung bakit tinalikuran niya ang real mother niya.Di sana ito nabaril ngayon.Mabilis silang nakatawag ng ambulance.Mabilis ang aksyon ng ospital.At dinampot ng mga pulis si Mrs.Jordan talaga.Hati ang opinion ng kamag anak nila.Pero talagang biglang bagsak nilang lahat sa putikan.Buti na lang nasalba ang mother ni Luca.At nagdenote pa siya ng ilang bag ng dugo.Walang duda mother niya talaga si Lucy.Dahil yon ang pagmamahal ng tunay na Ina.Kayang isakripisyo ng sariling Ina ang buhay para lang sa kaligtasan ng mga anak nila.
YOU ARE READING
Paghihiganti
Randommatapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya