Paghihiganti ♡ Part 26

52 2 0
                                    

No choice si Mr.Valdeza kundi gawin ang demand ni Maria.Binenta na lang niya ang malaking bahay nila at hinatian niya si Trinidad.Walang lingon likod ang walanghiyang asawa niya.Iniwan siya nito na walang wala na talaga.Buti na lang pumunta agad sina Maria at Teo.
"Daddy sabi ni Maria pwede ka daw sa Villa nila tumira.Makakatulong daw sayo ang fresh na lugar sa recovery mo.Dont worry Daddy sinalba ko ang company lingid sa kaalaman mo.Ayoko dahil kay Trixie mapunta lang sa mga Tolentino ang shares natin.Matuto ka na sa mali mo dahil ako pa rin ang sasalba sayo sa ending."malamig na pakikipag usap ni Teo sa sariling ama mismo.
"A-anak salamat ng marami.Oo tama ka walang ginawa ang mag ina na iyon kundi waldasin ang pera na pinaghirapan ko.Nagpauto din ako kay Larry Tolentino.Deserving sa akin ang karma ko."umiiyak na sambit ni Mr.Valdeza habang nasa harapan ang panganay na anak niya.
"Lolo sabi ni Daddy ko di maganda daw sa lalake ang umiiyak.Nakakapangit daw po iyon.Come to our house lolo pupunta din ako sa province kaya sama po kayo sa akin."nag reach out si Matteo kay Mr.Valdeza.
"Teo talaga bang di mo anak itong bata na ito.Wait pareho kayong may balat sa likod ng tenga.Pareho naman kayo ng ugali nong bata pa.Sigurado ba kayo na anak siya ni Larry.?"biglang tanong ni Mr.Valdeza ng makita ng malapitan ang anak ni Maria.
"H-ha paano nangyari iyon.?Ang alam ko dalawa lang nakagalaw sa akin.?Teka Namali ba ako ng due date ni Matteo Tanda.?"naguguluhan din bigla si Maria.
"Bata pa si Maria noon anong alam niya sa ganun Daddy.Para makasiguro ipa DNA test natin si Matteo kaya.Di ko na din iniisip iyon basta alam ko sa puso ko anak ko si Matteo period."pag ganun tuluyan ng mawawalan ng karapatan si Larry makalapitan sa mag ina niya.What a twist scenario ika nga pag nagkataon.?
"Mas ok iyon para di na kayo guluhin ni Larry.Ayaw niyang pakasalan si Trixie dahil plano pa niyang babawiin sina Maria at Matteo daw sayo anak.Hibang lang si Trixie pinipilit niya ang sarili kay Larry mismo.Gayong paulit ulit nitong sinabi na si Maria daw ang mahal nito di si Trixie."suggest ni Mr.Valdeza nasa panig na siya nila Maria at Teo ngayon.Matapos linlangin siya ni Mr.Tolentino about sa Hatian ng company nila dati.Subalit kinamkam iyon lahat ng nag iisang anak nito.At di pa pinakasalan si Trixie tulad ng napagkasunduan nila noon.
Nabalitaan nila Lara ang sinabi ni Mr.Valdeza na marahil si Matteo anak ni Teo daw.Dahil pareho ang ugali at mannerism ng dalawa.
"Oo nga pala may balat si Matteo tulad kay Teo.Aba Malay ba natin iyon para sa akin apo ko si Matteo talaga."natuwa si Lara sa isipin na iyon.
"Ramdam siguro ni Mr.Valdeza ang lukso ng dugo.At detalyado kaming mga lalake.Di din kamukha ni Larry naman si Matteo."opinion naman ni Lando.
"K-kahawig si Matteo ng tunay na father ni Maria.Binabagabag ako ng isipin na hinahanap ng pamilya ng tunay na ama si Maria.Nagpunta daw sa tirahan ko sa Japan ang half brother ni Maria.Sinabi ko na wag sabihin kung saan kami sa Pinas.Pero kung pakikilusin ang pera malamang matunton nila tayo.Ganito kasi iyon pumayag na maging surrogate mother si Mellisa noon.Pero ng 9 month na si Maria biglang tumawag siya sa akin.Itatakas daw niya si Maria sa mga ito.Dahil maldita daw masyado ang asawa nong lalake.Malamang di din maging maayos ang pakikitungo nito kay Maria pagsinilang na niya ito.Ayon tinulungan ko siya at tinago ko siya ng bagong panganak pa lang.After two months mabilisan ko siya pinaalis ng Japan.Sa tulong ng mga koneksyon ko naipalabas namin namatay si Maria kasama si Mellisa sa Pinas.Di ko alam kung paano nila nalaman na buhay pa ang pamangkin ko.?"pag amin na talaga ni Stella sa tinatago niyang secrets.
"Teka bakit ka matatakot anak.Malaki na si Maria di na nila mapipilit na kunin pa siya sa atin.Tama ang ginawa ninyong magkapatid pala.Kesa iwan na lamang si Maria doon kapalit ay pera lamang.Buti na lang may takot pa si Mellisa sa Dyos."masaya si Peryang malaman ang katotohanan sa pagkabuntis at pagkakaroon ng anak ni Mellisa bigla sa Japan.At bigay ng Dyos sa kanila si Maria Loraine ika nga.
"Pero Mama baka kasuhan ako ng pamilya nong father ni Maria.Paano iyon Mama.?"takot na sabi ni Stella.
"Di naman kita pababayaan Stella.Pero dapat sabihin natin kay Maria ang totoo.Tamang tama dadalhin daw nila si Mr.Valdeza sa Villa.Sisimulan na siguro nila ang revenge kay Larry Tolentino."ani naman ni Lara.
"Ate Stella di ka naman nag iisa na ngayon.Harapin nating lahat ang problema diba.?"pinapakalma ni Loisa si Stella.
Nabawasan ang bigat na dinadala sa puso ni Stella.At naunawaan siya din ng kanyang pamilya kung bakit matagal niyang itinago ang bagay na iyon.Samantalang nakalabas na si Trixie ng kulungan.Ilang weeks lang siya sa loob.Pero haggard na haggard ang ayos niya.
"M-mommy thank you for saving me.S-saan si Daddy bakit di mo siya kasama.?"takang tanong ni Trixie sa Ina na nag iisa lang na sumundo sa kanya.
"Nakipag annulled na ako sa kanya.Yon ang demand ni Maria para iurong niya ang kaso laban sayo anak.Wag mo nang isipin ang ama mo pumanig na siya kina Teo ngayon.Ang mabuting gawin mo ang ayusin ang sarili.Si Larry na lang ang habulin mo.Wag mo nang pakialaman ang buhay nila Maria maliwanag ba.?"paalala ni Trinidad sa anak.
"No Mommy si Maria ang dahilan kung bakit ako nagdurusa ng husto.Di ako titigil hanggang maging masaya ang buhay niya.Ginulo niya ang buhay ko guguluhin ko din ulit ang buhay niya.!"determinado si Trixie na gawin iyon.
"Kung ayaw mong makinig bahala ka na.Di na ako luluhod sa harapan ng mga tao para tulungan ka ulit.Malaki ka na Trixie bahala ka na sa buhay mo."galit si Trinidad na iniwanan ang anak.
"Wait Mommy hintayin mo ako please."patakbo si Trixie dahil ni pamasahe ng taxi walang wala siya.Kung pabayaan siya ngayon ng kanyang Ina.Marahil matulog siya sa kalsada.Lalong nagalit siya na sa maliit na apartment na pala lumipat ang Ina niya.Ang anak nila ni Larry ang pag asa na lang niya ngayon.Kaya gagawin muna niya ang sinabi ng kanyang Ina.Bago siya manggugulo muli sa buhay ni Maria Loraine.
Two weeks ang nakaraan lumabas na ang results ng DNA test.99.9 percent na anak ni Teo pala si Matteo.
"S-sorry Teo akala ko si Larry nakabuntis sa akin noon."napakamot sa batok si Maria yong drama niya noon di na pala iyon kailangan.
"Its ok nagkakamali ang batang Ina naman.Bf mo si Larry noon kaya expectation ng lahat na siya talaga ang ama ni Matteo.Kalimutan na natin iyon let's move on.Dapat magcelebrate tayo dahil walang habol si Larry sa anak natin Bhe."understanding masyado si Teo dahil 16 yrs old pa din naman si Maria noon.Wala itong alam sa mundong ibabaw.
"Problema ba iyon Maria sinabi mo naman lage kay Larry na anak ni kuya Teo si Matteo diba.?Sila lang iyon umaasa na may habol pa sila sayo.Siguro dahil sa assets na iniwan sa atin ni Don Tolentino.Kaya hinahabol nila ang costudy ni Matteo."hula ni Loira sa nangyayari.
"Siguro nga ganun Teo.Uuwi na tayo sa probinsya oras na para kunin natin Loira ang Villa at yong mga naiwan pa sa atin ni Don Tolentino.Aba pangarap natin dalawa yumaman noon pa diba.?"pabirong ani ni Maria.
"Kaya nga mas ok tayo tatawagin na mayaman.Kesa tawagin tayo aasa lang sa asawa diba.?Pag yumaman ako at mambabae si Ryeo if ever.Di na kami magugutuman ng mga anak ko."tumatawa sina Loira at Maria na parang nababaliw na.
"Nababaliw na ang dalawang buntis Teo hay naku.Magkaibigan nga silang dalawa."napapailing na lamang sina Ryeo at Teo at tawang tawa naman pati si Mr.Valdeza.
Nagpakatay nang isang baka at nagletson ng mga baby si Lando.Goodnews na si Matteo anak talaga ni Teo hindi kay Larry.Wala ng halaga ang nakaraan ang mahalaga sa kanila ang ngayon at ang bukas.

PaghihigantiWhere stories live. Discover now