Sa hapag tahimik naman sina Loira at Maria.Dahil nahihiya na silang makibagay sa di taga Sta.Mesa.Iba ang ugali nina Larry at Trixie kasi.Parang minamata ng mga ito ang taga probinsya tulad nina Loira at Maria.
"Tahimik yata sila Loisa.?Sabi mo makulit ang dalawang ito."puna ni Lando sa dalawa inaanak kasi nila si Maria.
"Ah kasi yong anak ni Don Lauro kuya dumating last week.Matapobre yong pamilya ni Sir Rico pala.Napaayaw pa silang dalawa sa gf nong apo ni Don.Trixie Valdeza daw pangalan noon.17 yrs old pa lang may bf na.Pag sila ni Loira at Maria iyon.Ibitin namin ni Tiyang Peryang sa puno ng mangga.Sobrang maldita yong si Maam Laarnie.Sinaktan pa sina Loisa at Maria.Kaya aloof na sila sa mga di taga Sta.Mesa."kwento pa ni Loisa sa kapatid.
"Kuya yong Trixie half sister mo diba.?How rude she is pala.Gusto ko siyang sabunutan.Aba kay bait ni Maria pinahiram pa niya bagong underwear niya sa akin.May tag pa ang mga damit niya galing Japan daw."naiinis na bulalas ni Thea.
"Ah anak iyon sa ex husband ni ate Lara.?Kaya pala sobrang maldita.Matapobre pati at sobrang arte.Sorry Teo basta yon ang napupuna namin sa Trixie na iyon."ani ni Loisa.
"Sinumbong na namin kay Tiyang Stella.Pag graduate namin ni Maria.Kukunin daw niya kami at doon mag aaral kami ni Maria sa Japan."biglang sabi ni Loira.
"Maria anong sabi mo may plano kayong pumunta ng Japan.?Para ano mag Japayuki kayong dalawa.?Itatali ko kayo sa punong mangga.Sino may sabi sa inyo pupunta kayo ng Japan.?"galit agad si Peryang sa mga ito.
"Lola Japanese citizen daw ako.At mag aaral kami ni Loira doon di kami maging GRO.Walang anak si Tiyang Stella kaya niya kaming pag aralin."giit naman ni Maria.
"Sa London na lang kayo kung gusto ninyo pumunta ng ibang bansa.Dyos ko mahigh blood kami ng lola Peryang ninyo."ayaw din ni Loisa ang ideya na iyon.
"Mama nakakahiya na kay Tiyong Lando.May anak siyang tatlo di na kami makikisiksik pa doon.Si Tiyang Stella matandang dalaga.Kaya ok lang ampunin niya kami ni Maria."pareho ng mindset sina Loira at Maria talaga.
"Hay naku 2 yrs pa iyon.Baka magbago pa ang isip nila Loisa.Tiyang Peryang ganyan talaga ang kabataan ngayon.May sarili silang desisyon sa buhay."pinakalma ni Lando sina Loisa at Aling Peryang.
"Kahit passport lang ang meron si Maria.Madadala ni Stella agad ang pamangkin niya.Doon pinanganak si Maria kasi.Matigas ang ulo ng dalawang ito.Itatago natin Loisa ang birth certificate nila kung kelangan."takot si Peryang matulad kay Stella ang apo niyang si Maria.
Mayamaya pa pagkatapos ng hapunan na iyon.Nagpaalam na sina Peryang at Maria na umuwi na.
"Dito muna kayo Aling Peryang.May pasalubong pa kami sa inyo rin."pigil ni Lara sa mga ito.
"Nakakahiya naman pero ok lang nasa tabi lang bahay naman namin."ani naman ni Peryang.
"Tita Loisa wala bang ex gf si Papa dito.?"biglang tanong ni Thea.
"Ah may nililigawan noon si ate Stella.Pero binasted niya si kuya Lando.Dahil brother lang daw Turing niya sa Papa mo Thea.At pinili niyang sa Japan manirahan at magtrabaho."kwento naman ni Loisa.
"Ah ok buti naman po."selosa pa si Thea kesa sa misis ni Lando.
"Bakit galit si Tiyang Peryang sa anak niya.?"curious na tanong mismo ni Lara.
"Siya ang sinisi ni Tiyang kung bakit nabuntisan si Mellisa.Minsan dinala ni ate Stella ang bunsong anak ni Tiyang Peryang sa Japan.Ilang buwan lang umuwi ito buntis na kay Maria.Buti na lang inasawa ni Kuya Oscar si Mellisa agad.Para maiwasan ang tsismis.Pero ng lumaki si Maria di mo maitatago na Haponesa talaga beauty niya diba.?Di kinaya ni Mellissa ang panganganak.Sa sobrang pagmamahal ni kuya Oscar.Nagbigti ito sa talahiban matapos mailibing namin si Mellissa."kwento ulit ni Loisa.
"Hopeless romantic lang ang Papa Oscar ko.Pero lola di si Tiyang ang dahilan kung bakit namatay si Mama Melissa naman.Diba sabi ninyo sobrang taba ko.Di agad ako lumabas siguro kasalanan ko.Kung bakit di ako nagdiet sa tiyan pa lang ni Mama."pagtatanggol naman ni Maria sa Tiyang Stella niya.
"Loisa ilayo mo sa akin itong makulit na batang ito.Tatanggalan ko ng singit talaga ito.Ipagtatanggol talaga niya ang tiyahin niyang Japayuki."dahil kay Maria humaba ang buhay ni Aling Peryang.
Naibuga tuloy ni Teo ang iniinom na juice.Tawang tawa siya sa sinabi ni Maria.Halos maglulundag sa tuwa ang dalawang dalagita.May iPhone sila tig isa.
"Kuya bakit binilhan ninyo ng iPhone ang mga batang iyan.Tamad iyan mag aral at inaatupag manood ng TV at manungkit ng mangga sa Hacienda.Laro lang sila ng laro tamad gumawa ng assignment."reklamo ni Loisa.
"Loisa pwede magresearch sila sa Google.At maraming matutunan sa YouTube naman.New generation na ngayon kaya ok lang iyon."ani naman ni Lando.
"Kuya Teo turuan mo sila gumamit ng iPhone.Di ako magaling mag explain."baling ni Thea sa kapatid na tahimik lang nakaupo sa sopa.
"Ikaw na lang magturo sa akin Thea."iwas ni Maria kay Teo bigla.
"Hey dito ka kay arte nito.Di naman ako mangangain ng tao."pinaupo talaga ni Teo si Maria sa tabi niya.Nailang ito sa kanya talaga.
"May crush kasi si ate loyal lang siya sa crush niya."biglang ani ni Lizzy.
"Lizzy wag kang maingay bulinggit.!"tinakpan agad ni Maria ang bibig ng bata.
"Mommy matutulog na ako.May jetlog pa ako."nagbago ang mood ni Teo di niya maunawaan kung bakit bigla siyang disappointed ngayon.
"Sige anak pag may kelangan ka magsabi ka lang."ani ni Lara.
Kinabukasan mag aani daw sa Hacienda.Kaya nandun sina Loira at Maria daw sa harvest ng mga prutas.Naiwan lang sina Liam at Lizzy sa bahay.
"Baby girl sino ang crush ni ate Maria mo.?"tanong ni Teo talaga sa bata.
"Lizzy wag mong sabihin magagalit sa atin sila ate."pinigilan agad ni Liam ang kapatid.
"Kuya Teo kelan ka pa naging chismoso.?Punta daw tayo doon tutulong kina Loira at Maria."nakagayak na si Thea para pumunta sa naghaharvest.
"Sige na Teo kami na bahala sa mga bata.Para malibot din kayo nila mamaya."utos na ni Lara si Lando abala sa kakainin nila sa bahay.Maaga kasi umalis si Loisa.Iniwan sa kanila sina Liam at Lizzy.
"I want to go to with Liam Papa."biglang sabi ni Tristan.
"Ok di nila alam ang daan papunta doon Liam.Kaya samahan mo na sila pwede ba.?"ani ni Lando sa pamangkin.
"Opo Tiyong Tristan magsuot ka ng Sombrero baka mainitan ka.Isuot mo itong bagong boots ko.Baka maputik sa prutasan.Sila ate di ako sinasama doon dahil malamok daw.Pero dinadalhan kami ni Lizzy ng hinog na mga prutas pag uwi nila."maasahan na ito si Liam pero overprotective sina Maria at Loira sa mga bata.
Nadadaanan nila ang malaking bahay ni Don Lauro.
"Sila ate ang nagdidilig ng mga halaman sa green house na ito pag galing skwela.Pinapaaral sila ni Don Lauro.At lage may mga bagong damit at gamit sila.Apo na daw ni Don Lauro silang dalawa."turo pa ni Liam sa Green house na inaalagaan daw nila Loira at Maria.
"Nandito daw iyong Trixie Valdeza kuya.Para namang walang tao sa bahay na iyan.Nakakatakot ba diyan Liam.Parang may ghost diba.?"old ancestral house kasi ang bahay na iyon at para kay Thea mat multo ang ganung bahay.
"Matatakot ang multo sa ingay nila ate.Hinahayaan sila ni Don Lauro kahit mag ingay sa loob ng bahay.Yong mga multo lalayas sa ingay nilang dalawa buong araw."natatawang biro ni Liam.
Di pala malayo ang prutasan.Naririnig nila ang boses nila Loira at Maria.Aba infairness maganda ang boses ng dalawa.Pinakanta daw sila ng mga nag aani para maaliw ang mga ito.Nasa sanga pa ng puno nakaupo sina Loira at Maria.
"Both of you get down.Paano kung mahulog kayo."biglang tawag ni Teo overprotective din siya sa mga kapatid lalo na kay Thea dahil babae daw ito.Buti na lang tumalima ang dalawa agad.May hagdan pala doon na lubid.Doon nagtatambay lage sila Loira at Maria pag nag aani.
"Mga unggoy sila di iyan mahuhulog naman.Ay ikaw ang anak ni Lando pala.?Ka gwapong bata balang araw sana asawahin mo si Maria.Ambisyon nila pumunta ng Japan.Pero sumasakit ang batok ni Aling Peryang.Baka maging Japayuki daw."ani ni Mang Isko.
"Mga bata pa sina Maria at Loria.Matagal pa mag asawa ang mga apo ko.Mga apo pakainin ninyo ng meryenda ang mga bisita ninyo."dumating si Don Lauro na may especiall pang dala para daw kina Loria at Maria.
Tama si Liam parang apo na ang Turing ng matanda sa dalawa.Biglang kumunot ang noo ni Teo ng makita si Trixie na paparating.Daring ang suot nito at parang linta sa bf nitong si Larry Tolentino daw.

YOU ARE READING
Paghihiganti
Randommatapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya