"So ginamit mo lang ang anak mo para bigyan ka ng simpatya ni Don Tolentino noon Maria.?Sobrang social climber mo talaga pala.Ngayon naman si Teo ang sineduce mo."walang alam si Caroline sa kabataan nina Loira at Maria.
"Baliw yata itong babae na ito.Bata pa kami apo na ang Turing ni Don Tolentino sa amin ni Maria.Sabi niya utang daw niya ang buhay niya sa amin noon.Minsan niligtas namin siya while yong pamilya niya walang pakialam kay lolo noon.Dont tell me kaya na ni Maria lumandi 6 yrs old pa lang kami Caroline.?"kumunot ang bunbunan ni Loira sa sinabi ni Caroline.
"Nakakatawa ka kung ano ano ang sinasabi mo.Para lang sabihin na magaling kang lawyer ni Larry.?Sa tingin ko di lang lawyer ang papel mo sa buhay niya hindi ba?Dahil itong lawyer namin di nga nagsasalita about sa private life namin.Kanina ka pa pumuputak Caroline.Asawahin ka ba ni Larry ha.?So therefore ikaw ang malandi.At worst pa dahil kaibigan ka ni Trixie right.?Tapos sasabihin mong si Teo ang mahal mo.May mahal bang pumapatol ng ibang lalake.?"Tama ang hula ni Maria dahil biglang namutla si Caroline.
"Kung ganun Larry kukunin ko na lang ang apo ko.Malaya kang pumatol at magpakasal sa ibang babae.At sa palagay ko you are not deserving to be the father of my grand son."biglang deklara tuloy ni Mr.Valdeza.
"Oo nga naman pamangkin ni Teo ang anak ni Trixie.Mahirap yong lumaki ang bata sa step mother niya pag nagkataon."taas kilay ni Maria kay Caroline.
"Dont talk nonsense Maria.W-walang namagitan sa amin ni Larry."pagsisinungaling ni Caroline dahil kaharap niya ngayon si Teo Valdeza.
"Wag kang umasta na asawa ni Larry kamo.Para di kita pagkamalan.Will mas ok iyon sa part ko.But ano kaya magiging reaksyon ni Trixie Valdeza.?"pang aasar pa ni Maria sa babae.
"Shut up Maria or else."bulyaw na ni Caroline kay Maria.
"Siya ang involve dito Caroline.Pero kanina ka pa nangingialam.Yong mga sinasabi mo sariling opinion mo lang naman.Alam ko mahalaga kina Loira at Maria ang lugar na ito.Dito sila lumaki kung baga.Kaya hinahabol nila ang pag aari lang nila.Hindi dahil kay Larry or ano pa man.But you are imagining things.Kahit wala ka naman talagang alam.Sa pinapakita mo obvious nga may namagitan sa inyo ni Larry.I don't care your private life.Pero wag ka din umepal sa private life ng iba.!"madiin na ani ni Teo sa naging ex gf niya.Wala siyang pakialam kung asawahin ito ni Larry.Ang hahabulin lang nila ang pagmamay ari nina Maria at Loria.
"Mom at Dad mag impake na lang kayo.I will handle everything.Kelangan kung kausapin si Maria at Loria."nagpakumbaba na lamang si Larry walang mangyayari sa kanya kung magmatigas siya ngayon.
"P-pero anak ayaw nila sa pakiusapan."nagbabahala si Mrs.Tolentino.
"Darling dapat we should trust our son.Kaya mag impake na tayo ok."wala din nagawa si Mr.Tolentino sila ang may kelangan kina Maria at Loira.
Ngunit biglang tumakbo si Trio kay Mr.Valdeza.
"Lolo I want to go with you.I don't like them dahil binubully nila ang Mommy ko.I don't want a step mom either."biglang iyak ni Trio dahil sa poder nina Mr.Valdeza ito lumaki noon.
"No Trio come here apo.Sasama ka sa amin maliwanag ba.!"hinila ni Mrs.Tolentino ang apo.
"Dont touch him that is child abuse.Sabi ni Mama if sinasaktan ng older ang isang bata.Pwede kami tatawag ng DSWD."matapang humarang si Matteo at tinago niya sa likod si Trio.Kaugali nga ito ni Teo walang duda.
"Umalis ka ngang bata ka.Wag kang makialam.!"tinulak ni Caroline si Matteo pero binalya siya ni Larry mismo.
"Tang ina mo wag mong saktan ang mga bata.Hayaan ninyo sina Trio at Matteo magsama ano ba.Caroline naikama man kita pero wala kang karapatan saktan ang anak ni Maria.!"duro ni Larry kay Caroline ito ang napagbuntunan ng galit ni Larry.
Namutla si Caroline kanina pilit niyang tinatanggi ang akusasyon nina Maria at Loira.Ngayon galing sa bibig ni Larry nabuking tuloy siya.
"Fine Larry wala din naman akong mapapala sa pagtulong ko sayo."di kinaya ni Caroline ang kahihiyan.Kaya umalis na lamang siya sa Villa na iyon.
"Trio gusto mong dito tumira sa Villa kasama si Matteo.?"malumanay na tanong ni Larry sa anak.
"Yes at maganda ang Mommy niya.I think she can take care of me."turo pa ni Trio kay Maria.
"Aba bolero ang pamangkin mo Teo.But oo nga maganda nga ako."full of confident na hinawi ni Maria ang mahabang buhok niya.
"Thats true naman Bhe."natatawa bigla si Teo sa mood swing ni Maria.
"T-teo gusto ko makausap sina Loira at Maria ngayon.Mom at Dad pumunta muna kayo sa kwarto ok."susugal na si Larry ngayon hiling niya na pumayag si Maria at Loira sa request niya.
Pumayag naman si Teo at nakinig sila sa request ni Larry.
"Teo ito lang naman Villa at taniman ang habol namin ni Loira.Hindi namin alam may ibang assets pa nakapangalan sa amin."di makapaniwalang ani ni Maria.
"Oo nga dito kasi kami lumaki at Sagrado para sa amin ang lugar na ito.Wala na yata kami pakialam sa ibang assets na iyan.Aba can afford si Ryeo sa diapers at gatas ng kambal namin soon naman."segunda naman ni Loira di naman sila ganid sa sobrang yaman.
"Anong gusto ninyong gawin ng atty. natin.?"bilib si Teo sa kasimplehan ng dalawa.Simple lang naman kaligayahan ng dalawang ito.
"Sa tingin ko deserve niya manahin ang ari Arian ng lolo niya right.?Pero kawawa naman ang anak nila ni Trixie.Dapat bigyan mo yata ang anak mo Larry ng buong pamilya.Dahil yong kaligayahan ng isang bata nagmumula sa loob ng tahanan."opinion ni Thea na kanina pa nakikinig sa usapan.
"Ganito Larry demand ko total kapatid ni Teo si Trixie.Pakasalan mo siya kapalit ng assets ng lolo mo."biglang ideya ni Maria.
"G-ganun lang ba kasimple iyon.?"maang na tanong ni Larry kay Maria.
"At meron pa pala kalimutan mo na ako.Aba as if naman papatulan pa kita."ismid ni Maria kay Larry sabay yakap sa nakangiti niyang mister.
Pumayag na lang si Larry dahil desperado na siya.Di din siya papalitan ni Teo sa company.Thanks kay Maria dahil inaalala nito ang future ng anak nila ni Trixie.Will matagal ng panahon na rin minahal siya ni Trixie Valdeza.Tatanggapin na lamang ni Larry ang kanyang destiny ika nga.Masaya na si Maria sa piling ni Teo.At unti unti na siyang pinapatawad nito.Ayaw na din niya ang komplikadong buhay simula ngayon.Eye opener ito sa kanya na maging masaya kung ano ang meron siya ngayon.Nanghihinayang man siya kay Maria.Pero gusto na niyang maging masaya na lamang ito.Subalit paglipas ng isang buwan.Another problem ang kinakaharap niya.Buntis bigla si Caroline.At nagdemand ito ng kasal sa kanya.
"Coroline pwede ko naman sustentuhan ang magiging anak natin.Pero papakasalan ko si Trixie.Yon ang usapan namin ni Maria."tanggi ni Larry sa gustong mangyari ni Caroline.
"Damn you Larry di ko kelangan ang sustento mo.Ang kelangan ko Isalba mo ang image ko.!"singhal at demand ni Caroline sa lalake.
"Damn that image of yours.Uunahin ko ang future ko kesa sa image mo lang Caroline.First of all wala tayong commitment sa isat isa.Di mo ako mahahabol ng kasalan Caroline.!"pagmamatigas ni Larry sa gusto ni Caroline.
"Will idadamay ko na si Trixie.I will make sure na ako ang papakasalan mo Larry Tolentino."banta ni Caroline sabay alis.Di siya papayag pati si Larry aayawan siya nito.Durog na durog na pagkatao niya.At itatakwil siya ng pamilya kung magkaanak ng walang asawa.Dahil respetadong lawyer ang ama niya.Nakakahiya nga iyon na maging dalagang Ina na lamang siya sa ending.
"I dont care.!"Alam ni Larry na di din magpapatalo si Trixie.Matagal na itong gusto ng kasal.Kaya di iyon basta basta masisindak kay Caroline.
Samantalang sobrang saya naman si Trixie.May goodnews pa pala siya matatanggap matapos niyang makulong.Bumigay na daw si Larry at pumayag na itong pakasalan siya.
"Thanks Daddy a lot.Will bibisitahin ko si kuya Teo para magpasalamat na rin."tuwang tuwa na saad ni Trixie.
"Ang unang gagawin mo ang humingi ng tawad kay Maria muna.Siya ang dahilan kung bakit ka pakakasalan ni Larry right.?Ngayon ayusin mo na ang sarili mo Trixie.Maging mabuti ka ng halimbawa kay Trio from now on."advice ng Mr.Valdeza sa anak siya din ang magbabagong buhay na hanggan may oras pa.
"S-sige Daddy."di alam ni Trixie kung lulunukin na lamang ba niya ang pride niya.Pero alang alang sa pag ibig niya kay Larry.Gagawin niya iyon for sake of everything.Marami na siyang hirap sa loob ng kulungan.Kaya magbabagong buhay na din siya from now on.
YOU ARE READING
Paghihiganti
Randommatapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya