Dumating si Stella at napagkasunduan nilang doon muna si Maria sa London habang nagbubuntis pa.
"Pero lola gusto ko talagang mag aral ng stewardess sa Japan.Payagan nyo na kami ni Loira po na doon magcollege sa Japan."hirit talaga ni Maria gusto niyang makasama ang Tiyang Stella niya talaga.Dahil mag isa lang ito sa Japan.
"A-ayaw mo bang magpakasal sa akin Maria.?"biglang naalarma si Teo sa sinabi ni Maria.
"Matapos natin makasal mag aaral ako doon.Iiwan ko naman sayo ang baby natin.Balang araw uuwi ako sa Sta.Mesa na may maipagmamalaki na.!"taas noong ani ni Maria di si Larry ang makaputol ng pangarap nila ni Loira.
"Sasama kami sayo sa Japan.!"halos panabay na saad nina Loira at Thea.
"Sige na matagal pa iyon naman.Kaya enjoy muna tayo ngayong pasko dito na magsasama.Nakahanda na ang kwarto ninyo ni Loira sa bahay ko doon Maria.Kasya naman kayong tatlo sa kama if ever.!"excited na sambit ni Stella dahil sobrang lungkot niya na walang anak talaga.
Oo na lang si Teo pero takot talaga siya.Kaya dapat siya ang father sa sanggol na ipapanganak ni Maria.Para may ugnayan sila habang buhay.At dapat maikasal sila sa London at pati balang araw sa Sta.Mesa.Pipilitin niya ang tadhana na Aayon sa kanya iyon.Namoblema din sina Ryeo at Jade.What if makakita sina Thea at Loira ng fafa doon sa Japan.?Ngayon pa lang advance sila mag isip na tatlo.
Masaya kahit papaano ang bakasyon nila sa London.Bumaha ng luha sa airport.Dahil kelangan ni Loira umuwi muna sa Pinas.Para magpatuloy sa pag aaral.Ngayon lang maghihiwalay sina Loira at Maria lang kasi.
"Pwede naman kayong mag Facebook araw araw.Tahan na nga kayong dalawa.Para kayong baka na umiiyak.!"kahit sina Peryang at Lanie naiyak.Ngayon lang mawalay si Maria sa kanila.Simula kasi ipinanganak ito pero kelangan kasi.
"Ate mamimiss namin kayo ni Lizzy.Alagaan nyo po ang ate Maria Namin ha.?"umiiyak si Liam at mahigpit na yumakap kay Maria.
"Ate bakit kelangan ka dito sa London titira."hagolgol naman ni Lizzy parang kapatid na talaga nila si Maria.
"Sa pasko babalik naman kayo diba.?Teo iiwan na nila ako."impit na iyak ni Maria kay sakit ang magpapaalam talaga.
"Sssshhh....naman aalagaan kita at araw araw mo silang kontakin naman."di din mapigilan ni Teo ang emotion.
Kaya naman nagtanim ng poot si Maria kay Larry Tolentino.Isinumpa sa sarili niya dadating ang araw na maniningil siya dito.Samantalang ng makauwi na sila.Magreresign na sa trabaho sina Peryang at Lanie kay Don Lauro.
"Totoo bang si Larry ang nakabuntis kay Maria.?Saan si Maria ngayon bakit di ninyo kasama.?"sunod sunod ang tanong ni Don Lauro.
"Ang anak ni Lando ang nakabuntis sa apo ko.Gusto namin mag negosyo na lang ni Loisa.Kaya po kami aalis sa inyo Don Lauro.At isa pa ayaw ng pamilya ninyo kay Loira.Kaya wag na ninyo kami pigilan ni Loisa.Bibigyan din kami ng puhunan ng anak ko na nasa Japan."malamig na ang pakikitungo ni Peryang dito.
"K-kung yan ang pasya ninyo.Wala na akong magagawa sa bagay na iyon.Pero wag ninyo sana pagbawalan si Loira pumunta dito."malungkot na ani ni Don Lauro.
"Di na din ako pupunta dito po.Matapobre po ang pamilya ninyo po lolo."may galit sa boses ni Loira.
"Loira di mo siya lolo Don dapat ang tawag mo sa kanya.At Don Lauro wag na ninyong bibigyan si Loira ng kung anu ano.Dahil makabili naman ako ng mga gamit at damit sa mga anak ko.Pinapadalhan naman kami buwanan ni kuya Lando ko."gusto nila Loisa at Aling Peryang wala na ugnayan sa pamilya Tolentino.Wala silang utang na loob sa mga ito.Sina Maria at Loira ang tumulong kay Don Lauro.Pero parang balewala iyon sa pamilya nito.Para pang ngang maagawan ng mana sila.Dahil harsh ang mga ito sa dalawang bata.At sino naman ang di magagalit.Parang kung makamessage si Rico Tolentino.Parang ito ang nagpapakain kina Loira at Maria.Tama bang sabihin nito kung anak ni Larry ang pinagbubuntis ni Maria.Handang kunin nito ang bata pag naisilang na.?Sino naman din ang hindi magagalit sa bagay na iyon.?At wala silang balak ipaako kay Larry ang ginawa nito kay Maria.Pinagsamantalahan talaga ni Larry ang kainosentehan ni Maria.Buti na lang handang Saluin ni Teo Valdeza ang kahihiyan na dulot sa pagbubuntis ni Maria Loraine.
Kutob talaga ni Don Lauro na anak ni Larry ang pinagbubuntis ni Maria.Kaya pinauwi niya ang mag anak.
"Larry magtapat ka talaga bang anak mo ang pinagbubuntis ni Maria.?"galit na tanong ni Don Lauro kay Larry.
"Oo lolo gusto ko naman akuin ang bata.Pero pinapalabas nilang si Teo Valdeza ang ama ng pinagbubuntis ni Maria."walang pag aalinlangan umamin si Larry.
"L-larry so iiwan mo ako dahil kay Maria.?"gusto nang umiyak si Trixie pati siya sumama.
"Di sa ganun pwede ko naman sustentuhan ang bata.Hindi na uso ang pakasalan ngayon."casual na ani ni Larry pero umigkas ang kamay ni Don Lauro sa mukha niya.Natigalgal siya dahil first time na pagbuhatan siya ng kamay ng lolo niya.
"Sinong maysabi sa iyo niyan ha Larry.?Sinira mo ang future ni Maria.Pinaglalaruan mo ang batang kaisipan niya.At ngayon parang balewala lang sayo ang ginagawa mo.?Tumigil sa pag aaral siya ngayon.Dahil binuntisan mo gagu ka.!"bulyaw ni Don Lauro sa apo na walang kasing sama.
"Papa malandi naman iyong bata na iyon.Walang magulang kaya nagkulang ng gabay.!"pagtatanggol ni Laarnie sa unico iho nila.
"Ang anak mo ang nagkulang ng disciplina.Laarnie sa tingin mo ba sa nangyari ngayon.Maambunan kayo ng mana galing sa akin.?Tama na siguro yong 20 million para sa inyo.Ibibigay ko kina Maria at Loira ang buong Hacienda at Villa na ito.At simula ngayon kalimutan na ninyo ako Rico.Wag na kayong umapak sa Sta.Mesa.!Dahil nakakaangat kayo sa buhay.Para kayo kung sino makaasta.Pwes wala na kayong mahihita sa akin.!"namumula sa galit si Don Lauro.
"Di pwede mangyari iyon Papa.Ako ang nag iisa mong anak.Di mo kaano ano ang mga bata na iyon.!"singhal din ni Rico sa ama niya.
"Di kita pinalaking ganyan Rico naimpluwensyahan ka lang sa ugali ng asawa mo.At sa nakakasalamuha mo sa Manila.Pag aari ko ang Hacienda at ang Villa na ito.Kaya ako ang masusunod sa bagay na iyon.!"ang totoo naisalin na ni Don Lauro ang lahat ng ari Arian niya kina Loira at Maria.Kondisyon niya kung maging asawa ni Larry isa sa mga bata.Baka maambunan ito ng swerte.Pero impossible ng mangyari iyon.Dahil nga wala na si Maria at alam niya di gusto ni Loira ang apo niyang playboy nga naman.
"Hindi mo magagawa iyon Papa.Kelangan baguhin mo ang last testament mo ngayon din mismo."halos kinaladkad ni Rico ang ama sa may hagdan.Kaya lang nahulog ito bigla at nagpagulong gulong pa.Nabagok ang ulo ng Don dahilan upang magdugo ito ng husto.
"Lolo tumawag kayo ng ambulance dali na."gimbal sina Larry dahil sa kanya nag away ang Daddy at lolo niya.
Sinugod nila agad sa ospital si Don Lauro.Sa kasamaang palad comatose daw ito.Kausap na nila ang Atty. ayaw kasi maniwala si Rico sa sinabi nito.
"Ang lahat ng natirang ari Arian ng Don ay maghahati sina Loira Mae at Maria Loraine.Pwedeng makuha ni Larry ang kalahati kung maikasal siya isa sa mga batang dalagita.At nakasealed na ito Mr.Tolentino.Kung may mangyari kay Don Lauro.Di na ito mababago pa na talaga.Kahit pa sina Loira at Maria walang kakayahan baguhin ang last testament ng Don."salaysay ng Atty. ng Don.
"A-anong gagawin natin ngayon ha Rico.?"nanghihinayang talaga si Laarnie sa mamanahin sana nila.
"Ikaw naman kasi sinabing maging mabuting manugang ka ni Papa.Ang pag asa na lang natin ang utuin ni Larry si Maria."plano ni Larry ng makaalis na ang atty.
"Tito paano naman ako.?"reklamo ni Trixie feeling niya idispatsa yata siya ng parents ni Larry dahil sa mana.
"Iha uutuin lang ni Larry si Maria.Tiyak na uuwi iyon dito sa Sta.Mesa.At pwede ipeke ang kasal nila diba.?"walang kasing sama si Rico talaga.Kahit comatose ang ama kayamanan lang ang iniisip nito.
"Mom,Dad ano ba wala ba kayong pakialam kay lolo.?Maaring bawian siya ng buhay."umiiyak si Larry dadalhin yata niya sa konsensya ang pangyayaring ito.Siya ang dahilan kung mamatay man ang Don.
"Anak doon din patungo ang lolo mo.Isipin lang natin na aksidente ang nangyari."hugs kamay naman ni Rico.
Bagamat usap usapan sa buong Sta.Mesa ang kasamaan nina Rico.At alam ng lahat siya ang dahilan kung mamatay man ang ama.Ngunit walang pakialam si Rico na maging masama ang image nila sa probinsyang iyon.Total sa Manila sila nakatira naman.Para sa kanya di apektado ang kabuhayan nila sa maduming image nila sa probinsya ng mga magulang niya.

YOU ARE READING
Paghihiganti
De Todomatapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya