Samantalang nagkaproblema ang bagong project ni Larry.Kelangan niya ng funds para sa million na halaga Danyos sa problema sa project na iyon.
"Larry I think kelangan mong ibenta ang ilang assets ng lolo mo.Tanga naman iyong mga probinsyana na iyon.Kaya pwede mong galawin iyon."kasama ni Caroline sa isang motel si Larry.Dahil na rin sa siya ang abogado ni Larry na kinuha.Nagkaroon sila ng madaming oras magkasama.May nangyari sa kanila isang beses at nasundan na iyon.Wala namang commitment sa pagitan nilang dalawa.At di na kaibigan ni Caroline si Trixie dahil di na ito kalevel nila.Suko na din siya kay Teo at nag eenjoy siyang kasama si Larry.
"Ganun na nga siguro ang gagawin ko.Tsaka ko na problemahin ang mag ina ko."no choice na si Larry kaya gagawin na niya iyon.
Sinamahan naman ni Caroline sa banko si Larry.
"I'm sorry po di magagalaw ng pamilya ni Don Tolentino ang mga assets niya.Kelangan ng pirma either sa dalawang benefactor ng mga ari Arian na iniwan niya."ani ng taga bank about sa Ari Arian ng kanyang lolo.
"Paano nangyari iyon ei apo si Larry Tolentino.At di kaano ano ng Don ang dalawang babae na iyon.?"pamimilit ni Caroline.
"Yon ang last testament ng Don din.Sinusunod lang namin ang batas at rules ng valid ng testament na napangalan kina Maria Loraine at Loira Mae."giit naman ng taga Bank.
Problemado tuloy si Larry yong 30 percent na shares sa company ay di niya hawak din.Di na din alam ni Larry kung sino ang nakabili ng shares na iyon na pagmamay ari ni Mr.Valdeza.
"Kausapin mo kaya si Maria.Siguro mauuto mo siya or takutin natin kukunin natin ang anak mo Larry sa kanya."sulsul na naman ni Caroline gusto din niyang magdusa si Maria.Dahil naapakan ang ego niya ng binasura talaga siya ni Teo Valdeza.
Susubukan ni Larry kausapin si Maria sa bagay na iyon.At pag usapan na din nila ang tungkol sa anak nila.Buti na lang si Trixie wala na sa eksena.Nabawasan ang sakit nang ulo niya.Itong relasyon nila ni Caroline wala namang commitment kumbaga.Wala pala sina Maria sa Manila.Sabi ng mga katulong ng mga ito umuwi sa probinsya.Excited din si Caroline makita muli sila ni Teo.If mauto muli ni Larry si Maria.Sasaluhin naman agad ni Caroline si Teo Valdeza.Samantalang nagdala ng abogado sina Loira at Maria sa Villa.
"Anong ibig sabihin nito.?"takang tanong ni Mr.Tolentino.
"Pinapaalis na namin kayo sa pagmamay ari namin ni Loira.Will dalhin na ninyo ang mga valuable na gamit ninyo.Alam ninyo naman na trespassing kayo sa Villa na ito.!"badass girl na ang datingan ni Maria.Matapang siya dahil nakasuporta sa likod niya si Teo.
"Ano di ninyo magagawa iyon.?Di kayo kaano ano ni Papa.Wag kayong makapal ang mukha ibalik ninyo din ang assets ng byenan ko.!"bulyaw ni Mrs.Tolentino.
"Hawak namin ang mga papeles na nagpapatunay na kami na noon pa ang nagmamay ari ng naiwan ni Don Tolentino.Hintayin pa ba ninyong kasuhan namin kayo."matapang din ani ni Loira nakaalalay din si Ryeo sa likod lang niya.
"Alam ko din iyong last testament na iyon.Ako din ang maging witness sa kanilang dalawa."biglang sabad ni Mr.Valdeza na kinagulat ng mag asawang Tolentino.Nakawheelchair ito kandong si Matteo.
"Pare este Mr.Valdeza pumanig ka na sa kanila.?Dahil ba di pinakasalan ni Larry ang anak mo.?"gilalas na tanong ni Mr.Tolentino sa dating kaibigan niya.
"Di ito dahil kay Trixie baka nakakalimutan ninyo anak ko pa rin si Teo.At manugang ko si Maria na ngayon.At isa pa naalala ko ang pag angkin ng anak mo sa company na tayo ang naghirap Mr.Tolentino.Tinatraydor mo ako remember.?"galit na sumbat ni Mr.Valdeza sa tinuring niyang matalik na kaibigan.
"Binenta mo ang shares mo diba kaya automatic na mapupunta sa amin ang company."taas noong ani ni Mr.Tolentino kinalimutan niya ang pagkakaibigan nila.Dahil lang sa ganid sila ng kapangyarihan at kayamanan na rin.
"Malas ninyo ako ang nakabili ng shares ni Daddy.Kaya pag aari pa rin namin ang 30 percent nang company.!"sa kauna unahang pagkakataon nasa panig si Teo ng kanyang ama.Siguro dapat bigyan niya ng isa pang chance ito.At nauntog na ito kasi sa pagkakamali nito.At ang ama ang nakadiskubre na anak niya si Matteo mismo.
"A-ano.?"nanghihina ang tuhod ni Mr.Tolentino.Aatakehin yata siya ng highblood sa sunod sunod na kamalasan sa buhay nila.Ang ani ng pananim sa sakahan nila matumal daw.Inatake ng mga peste ang mga pananim.Kelangan tamnan ng mga bagong pananim.Tamad din si Mr.Tolentino sa sakahan nila.Kaya di niya namomonitor madalas ang mga tauhan nila.Di nila alam na ninanakawan din sila mismo.Dahil galit ang mga tao sa pamilya nila.Di maganda ang pamamalakad ni Mr.Tolentino sa taniman din nila.
Dali dali namang tinawagan ni Mrs.Tolentino si Larry.Mayamaya pa dumating ang mga ito.
"Mommy bakit ka umiiyak.?"nag alalang tanong niya sa Ina.
"Buti naman nandito ka Larry.Pinapaalis na namin sila dito sa Villa.Panahon na siguro na kunin namin ni Loira ang pag aari namin.!"matapang na hinarap na ni Maria ang lalake na nagdulot sa kanya ng matinding puwersyo sa pagkatao niya noon.
"M-maria can we talk in a private.?Gusto talaga kitang makausap.Kaya lang mailap ka sa akin.Gusto kitang kausapin about sa anak nating si Matteo."malumanay na pakikiusap ni Larry sa babaeng mahal niya pala.
"Kung anuman ang gusto mong sabihin sa asawa ko Larry sabihin mo na sa harapan ko mismo."sabad agad ni Teo at tinago niya sa likod niya agad si Maria.Kumalma agad siya dahil parang sawa agad ito na yumakap sa beywang niya.
"Oo nga seloso ang mister ko baka akala mo."inaamoy pa ni Maria ang mabango niyang mister.
"Siguro naman pwede natin pag usapan natin ng mahinahon ito Teo."umepal si Caroline inatake siya ng selos sa PDA ng dalawa.
Naupo sila sa sala dahil buntis sina Loira at Maria.Baka mapaano pa kinokontrol din ni Teo ang sarili.Baka masindak niya ang buntis na misis niya.Akala ni Caroline nakontrol na niya ang sitwasyon.Kaya nagsalita ulit siya.
"Ang alam ko di kayo kaano ano ni Don Tolentino.Wala naman siguro kayong karapatan sa ari Arian na iniwan ng matanda diba.?Bilang abogado nila Larry.You must better to give na lang.Pirmahan na lang ninyo itong mga papeles na ito.Para di na tayo aabot sa korte."nagmamagaling si Caroline akala niya mangmang sina Loira at Maria.Masyado siyang bilib sa sarili niya.Di niya alam pinapalala niya ang sitwasyon.
"Boba ka ba na abogado nila.?Hoy babae valid ang last testament ni Don Tolentino.Dapat mag isip ka bago magsalita.Tapos Papirmahin mo kami sa gawa gawa mong papeles kamo.Di kami tanga ni Loira babae.!"galit na ani Maria kay Caroline.
"Bhe calm down baka mastress kayo ni baby niyan"niyakap agad ni Teo si Maria baka mapano pa ito at ang baby nila.Matagal na nila ni Matteo hiling na magkababy ulit sila.Baka makunan pa ito sa pressure na dulot ng pamilya Tolentino.
"M-maria buntis ka sa anak ni Teo.?Baka mapabayaan mo ang anak natin."di nagustuhan ni Larry na biglang nabuntis si Maria sa anak ni Teo.Ngayon pang nadispatsa na niya si Trixie.
"Isa din sa dahilan kung bakit pumunta kami dito sa probinsya Larry.Gusto ko ipakita sa inyo na si Matteo ay anak ko.Ito DNA test ng anak ko Larry Tolentino."seryosong binigay ni Teo ang result ng DNA test kay Larry.
"N-no di totoo ito diba sabi mo Maria noon na anak natin si Matteo.?G-gusto nyong lang tanggalan ako ng karapatan sa anak ko hindi ba.?"nanginig sa galit si Larry at pinunit niya ang papel na hawak niya.Di niya matanggap na wala siya palang koneksyon kay Maria Loraine noon pa.
"Bata pa si Maria noon akala niya ikaw ang ama ni Matteo.Kaya payo ko na lang sayo Larry na wag ka ng magsayang ng pera.Dahil wala ka talagang karapatan sa mag ina ko.At pwede ba umalis na kayo after a week dito.Buntis sina Loira at Maria.Ayaw namin sila mastress ng dahil sa inyo.Kung ayaw ninyo talagang umalis tatawag na kami ng pulis.Sobra ng hassle pag demandahan pa.Kung di kayo madadaan sa pakiusapan.Dadanin namin kayo sa sapilitan.Total legal na pag aari nina Loira at Maria noon pa ang Villa na ito.Pati ang mga taniman na iniiwan ni Don Tolentino sa kanilang dalawa."deklara na talaga ni Teo walang mangyayari kung puro bangayan lang sila.Aaksyon na talaga silang mga lalake.Para maging masaya na ang mga misis nila.

YOU ARE READING
Paghihiganti
Diversosmatapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya