Nataranta si Peryang nawawala bigla daw si Maria.
"Naku baka pumunta iyon sa puntod ng Mama at Papa niya."mabilisan kumuha ng flashlight si Loria at patakbong pumunta sa medyo mabundok kung saan nakalibing ang magulang ni Maria.
"Teo sundan ninyo si Loria nawala daw si Maria.Di pa iyon kumakain daw."gilalas na tawag ni Lara sa mga binata.Patakbo sila Teo,Ryeo at Jade.Iniwan pa ni Maria ang iPhone nito.
"Maria bati na tayo.Di na kita aawayin di ko na hihiwalayan si Ryeo.Diba yon ang sabi mo.Madilim na baka may ahas pa dito Maria.Takot ako sa ahas diba.?"napapaos na ang boses ni Loria madamo ang daanan sa puntod na iyon.
"Loira sa falls pumunta si Maria.Doon yata matulog sa tent may dala siyang kumot at unan.Tapos bagpack pa yata iyon."buti na lang nasalubong nila ang nakakita kay Maria daw.
"Malapit lang dito ang falls.Pero di ko na kayang maglakad pa."nanghihina na ang tuhod ni Loria.
"Bhe sakay ka sa likod ko.Puntahan natin ang kaibigan mo agad."nahimasmasan si Ryeo di siya dapat maging emotional bata lang sina Loira at Maria.
"Dito ang daan di madamo doon naman."memorize na iyon agad ni Teo kahit gabe na.Maliwanag ang buwan naman at bituin.
"Di ba takot si Maria sa dilim.?"panay text ni Thea naman kay Jade.Nakahinga ng maluwag ang mga ito.Dahil may bahay malapit daw sa falls.
"Hindi kina lola at Mama lang siya takot.Matapang pa iyon kesa sa akin."sagot pa rin ni Loira kahit gutom na gutom na siya.
Pagdating nila mga gamit lang nasa tent.Wala si Maria doon.
"Oh my god Maria where are you."si Teo ang nakaramdam ng pangamba.Wag sana magsuicide si Maria sa tubigan.
"Teo may flashlight dito.Naka on pa pati."pinulot ni Jade ang flashlight katabi noon isang pares ng tsinelas.
"Maria ano ba nasaan ka na ba.?"nailawan ni Teo si Maria sa tubig.
"Wag kayong lalapit dito.!"sigaw pabalik ni Maria.
"Are you insane magpapakamatay ka ba.?I don't care pupuntahan kita dyan."ayaw makinig si Teo sa dalagita.
"Loria nakahubad ako ngayon.Pigilan mo itong pinsan mo.Nasa tent mga damit ko."tumitili na si Maria.
"Pipikit na lang ako.Isuot mo itong tshirt ko."matigas ulo ni Teo nilapitan niya talaga si Maria.
"Sigurado ka bang nakapikit ka.?"sigurista si Maria tinakpan pa ang bandang mata ni Teo.
"Oo nga infairness malamig talaga ang tubig lalo na pag gabi."kumalma na agad si Teo mababaw lang pala doon.
"Tapos na ako Ayan nabasa ka tuloy.Sabing wag kang pumunta dito.Tayo na kumain na ako kina Aling Petra.Takot ako kina lola at Tiyang kasi.Secret lang sana namin iyon ni Loira.Umalis ako para di na kami mapalo pa ni Loira na dalawa."nakahawak na si Maria sa braso ni Teo.
"Kumain na kami may dala pala siyang emergency light.Gutom na din kami kay sarap ng Letson paksiw na ito."umasta si Ryeo na walang nangyari.Ayaw niyang pag usapan pa nila Loira ang break up pa.
"Tubig dahan dahan mabulunan ka Ryeo."concern naman si Loira pero ayaw pa niya yong seryosohan pa talaga.Bata pa siya at foreigner si Ryeo.Marami pang pwedeng mangyari.
"Thank you Bhe."mapait ang ngiti ni Ryeo tumingin kay Loira naiilang ito sa kanya at dumidistansya.Parang di niya ito gf ng 1 year.May tampo siya sa nobya ramdam niya di ito excited sa pagkikita nila talaga.
"Ryeo wag mo ako tawaging Bhe.Talagang sorry dahil parang pinaasa pala kita.Di tayo bagay talaga at bata pa ako.Ayoko din magkaproblema kayo ng parents mo balang araw.Kaya isipin mo na friend mo lang ako sa Facebook.Seryoso ako sa hiwalayan.Marami pang pwede mangyari sa London ka.At may ambisyon pa kami magtravel ni Maria sa ibat ibang bansa."biglang naging matured ang opinion ni Loira ngayon.
"Kung ikaw sa kalagayan ni Loira Maria.Kunwari bf mo ako hihiwalayan mo ba ako bigla bigla na lang.?"tanong ni Teo kay Maria na nasa likod niya.
"Wait nagsusuot pa ako ng damit.Pakiulit kay hirap sa malong magpalit ng damit.Di ko alam kung baliktad panty ko o ano."reklamo pa ni Maria at natatawa pati si Loira sa kanya.
"Walang preno talaga bunganga ni Maria kahit kelan."tinulungan na ni Loira magbihis ang kaibigan.
Inulit ni Teo talaga ang tanong.
"Kahit seryoso or hindi maging loyal ako if ever kay kuya Teo.Depende iyan sa bf naman.Sa case ni Loira complicated lang mag isip siya.Wala naman problema iyon.Nasa kay kuya Ryeo iyon kung mapagod sa paghihintay.At kung ayaw ng parents kay Loira.Malayo naman sila sa isat isa.Kaya ok lang iyon I block mo sila sa account mo kung magmessage if ever.Kung Alukin ka ng pera aba tanggapin mo bago kabayaran kung insultuhin ka man.Di pa kayo magpapakasal naman.Ma failed ka man sa relasyon you must go on in your life."word of wisdom ni Maria.
Mayamaya yumakap bigla si Loira kay Ryeo.
"So ibig sabihin nagbago na isip mo.?"malambing na tanong ni Ryeo natulo luha niya.Dahil kahit bata pa si Loira alam niya she is the one for him.
"P-pero kunwari lang hiwalay tayo.Ayoko na mapalo ni Mama at ni lola kasi.Excited ako makita ka Ryeo.Pero takot lang ako malaman nila."humihikbing ani ni Loira.
"Sorry it's my fault sana I pretend na di tayo magkakilala kanina.Shhh...tahan na ok Bhe hmmmp."haplos haplos ni Ryeo ang likod ni Loira.
"Umiiyak ka din naman diba.?"umangat ang mukha ni Loira at pinahid ang mga luha ni Ryeo.
"Siguro ganun si Papa Oscar ko sa Mama Mellisa ko.Ka swerte mo na nga Loira.Ako di ako pinapansin ng crush ko."malungkot na bulalas ni Maria.
"Hay naku wag mo ng isipin ang lalake na iyon.Dito na tayo matulog nakakatakot umuwi ang dilim sa daan."kunwari naman ni Teo at nahiga na siya doon.
"Kasya tayo dito pala sayang wala si Thea.Usog ka dito kuya Teo share tayo sa kumot ko."biglang hila ni Maria kay Teo share din sila sa unan.
Sumaya naman bigla ang puso ni Teo nagtabi na sila ni Maria.Sa gitna sina Ryeo at Loira at sa dulo si Jade na suportado lang silang dalawa.Kahit di ni Teo sabihin sa mga kaibigan niya.Alam ng mga ito na attractive siya kay Maria Loraine.
Kinabukasan nakayakap talaga si Maria kay Teo.Si Loira parang batang hinihili ngayon ni Ryeo.At si Jade nasa labas na kasama na ang mga bata na naglalaro.Dahil maaga palang hinahatiran sila ni Thea ng almusal.Dumilat ang mata ni Maria pero pumikit uli.
"5 minutes ayoko pang bumangon."sumiksik pa ito kay Teo pakiramdam ni Maria secure siya pag kasama si Teo.
"Oh my god teka maghilamos lang ako.May muta pa ako Ryeo noh."naalimpungatan naman si Loira dali daling bumangon at lumabas ng tent para maghilamos sa tubig.
"Its ok your pretty naman."pure pinay beauty kasi si Loira at wala talaga itong make up pa sa mukha.Tinawagan ni Ryeo ang parents niya.Sobrang lakas ng signal doon.Ipapakita niya ang ganda ng view sa Sta.Mesa.At sasabihin niya ang goodnews na nasa Sta.Mesa ang gf niya.
"Mommy say hi to my gf.Nahihiya siya kaya medyo ayaw magpakita."kay saya ni Ryeo 2 months daw sila doon.Pinay ang Ina niya at pure American ang Daddy niya.
"H-hello po Maam Sir."nahihiyang bata ni Loira.
"Oh my god sobrang bata ng gf mo Ryeo.But pwede na ang height pandak kasi ako anak right.Sayang di ka nakapagdala ng pasalubong galing sa amin.But next time imbitahan mo si Loira sa London ha.Total sabi mo pinsan ni Teo siya hindi ba.?Anak remember sa sinabi ko sa culture ng pinoy right.Para magustuhan ka ng balae ko."ngayon pa lang gusto na ni Mrs.Bryant si Loira.
"Mommy di pa pwede iyon.Mag aaral at magtatrabaho pa ako for our future diba."mahina lang iyon baka marinig si Ryeo ni Loira na kumakain na ngayon.
"Ryeo nganga masarap itong ulam na dala ni Thea."sinubuan bigla ni Loira si Ryeo.
"Enjoy anak next time sasama daw kami dyan ng Daddy mo.Kay ganda ng view at may water falls pa.Wala iyan sa Manila anak."nagpaalam agad si Mrs.Bryant cool ang parents ni Ryeo.
"Kuya Teo isawsaw mo dito sa sauce pinigaan ko ng sili at calamansi.Si Lizzy lang di kumakain ng maanghang.Gusto ito ni Liam sobra.Tristan kumain ka ng madami para medyo tumaba ka ng konti.Tingnan mo si bulingkit medyo mataba na ang pisngi."sobrang maalaga si Maria sa mga nakababata sa kanya.Sinusubuan pa niya si Lizzy ngayon na nakakandong sa hita niya.
Mas lalong nagustuhan ni Teo pati ang ugali ni Maria.She is so caring sa mga taong nakapaligid sa kanya.

YOU ARE READING
Paghihiganti
Randommatapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya