Paghihiganti ☆ Part 18

52 1 0
                                    

"Di pa rin nagbabago sila ano.Playboy pa rin si Larry tapos eskandalosa si Trixie.Ang nakakaawa ang anak nila talaga."napapailing na lamang si Maria naawa siya sa bata.
"Buti na lang di kayo nagkatuluyan ni Larry noh.Tiyak ikaw ang nasa lugar ngayon ni Trixie.Balita ko ayaw pakasalan ni Larry si Trixie.Di ko alam ang dahilan pero tama ka Loraine kawawa ang 4 yrs old na anak nila."segunda naman ni Loira na nakakalap din ng chismis.
"Nong naging kami ni Larry.Di ko naman inisip na magkatuluyan kami.Baliw yata ako noon buti dumating si Tanda sa buhay ko on time.Alam ninyo ba kinilig ako ng makita ko si Teo.Pero bata pa ako noon at gusto ko maging loyal kay Larry.Tapos naging gf pa ni Teo yong Caroline.Ah ewan basta mas nasaktan ako na may gf si tanda.Kesa sa gf ni Larry si Trixie.Naghalo halo na emotion ko noon dahil natakot din akong magkaroon ng anak sa murang edad.Kaya nagbreak down talaga ako noon."first time na kinuwento ni Maria sa mga lalake ang tungkol doon.
"So ibig mong sabihin Loraine na mas mahal mo si Teo kay Larry.?"nagulat na tanong ni Ryeo kay Maria.
"Ganun siguro yon kuya Ryeo.Sabi nina Thea at Loira ganun daw iyon.At sobrang saya ko na ako pinili ni Tanda na pakasalan kesa sa Caroline na iyon.Kaya I fixed myself para maging karapatdapat kay Teo Valdeza."buong pagmamahal na yumakap si Maria sa bandang leeg ng mister niya.
"Paranoid nga siya every week pumupunta kami ng derma.Kahit konting piklat pinapatanggal niya.Para daw maging flawless siya at di makapaghanap ng iba si kuya Teo."hagikgik naman ni Loira at binuking si Maria.
"Tapos kinakaladkad niya kami sa gym din.Strict diet namin ni Loira para di daw kami maagawan.Nag ipon kami ng Maige para may pera kami pang negosyo.Nakakatakot nga naman maagawan ng iba."sumiksik naman si Thea kay Jared.
"Basta ako kakalbuhin ko talaga kung may manglandi sa Bhe ko."kumandong din si Loira at minarkahan ang territory niya.
Kaya sobrang tawa ng mga lalake sa mga misis nila.Ngayon pa nila alam na kakaiba ang iniisip ng mga ito.At balak na talaga ng mga ito manatili sa piling nila.Kaya pala hardworking ang mga ito dahil nag iipon pala.Di naaksaya ang paghihintay ng tatlong mga lalake.Lalo na sa punto ni Teo.Feeling niya sobrang lamang na siya kay Larry ngayon.At lahat ng sasabihin ni Maria pinapaniwalaan niya na talaga.Kaya na niyang taas noong makikipagsabayan sa karibal niya.Dahil talagang pag aari na niya ang puso ni Maria Loraine.At tutulungan niya ito maghigante sa nanakit dito.Kahit pa sabihin na lang natin na half sister niya si Trixie.
"Bakit binabyahe mo sa Manila si Trio aber.?Sabi ng Doctor pabalik balik ang lagnat niya.Trixie di mo ginagampanan ng mabuti ang pagiging Ina mo.!"bulyaw ni Larry kay Trixie nang umuwi muna sila sa condo niya para kumuha ng mga gamit at damit.Naconfine talaga kasi ang anak nila.
"Larry ikaw ang pabayang ama.Nakikipaglampungan ka sa mga babae.At umaasa kang balikan ka pa ni Maria.As if na papayag ako Larry Tolentino.!"di din magpapatalo si Trixie sa mister.
"Wala akong pakialam sayo Trixie.Kung si Maria sana ang Ina ni Trio.Di sana napabayaan ang anak ko.!"nagsisi talaga si Larry sa desisyon niya.
"Tanggapin mo na lang kasi na mister na ni Maria si kuya Teo.At di mo na din makukuha ang anak mo.Magpokus na ka na kasi sa amin ni Trio Larry ano ba.!"demand talaga ni Trixie sa lalake.
"Anak ko si Matteo at ako lang ang mahal ni Maria.Galit lang siya sa akin dahil pinili kita.Kaya manahimik ka na di ako makakapayag na maging talunan na lamang ako.At ito ang tandaan mo mas lamang ako sa kuya mo.!"yon lang at galit na iniwan ni Larry si Trixie.
"Ano pa ba ang pwede kong gawin ha Larry.?Para marealize mo na ako talaga ang totoong nagmamahal sayo hindi si Maria."impit na hiyaw ni Trixie sa kawalan.Binababa na niya ang sariling pagkatao.Para lang siya ang piliin at pakasalan ni Larry.Subalit bukambibig nito talaga si Maria.Inisip niyang walang lamang sa kanya ang isang taga probinsya at Hampas lupa lamang.Pero bakit di siya makawala sa anino ng ex gf ni Larry.?Mas lalo pang lumalim ang poot ni Trixie na nararamdaman niya para kay Maria.Di niya maamin sa sarili niya na kinarma lamang siya ngayon.Dahil kamuntikan ng makunan at mabaliw ito ng dahil sa kanila ni Larry noon.Will ngayon naniningil lang din ang tadhana sa kanya.Sa mga panglalait niya kay Maria noon.Masyado kasing mataas ang tingin niya sa sarili noon.At naniniwala siyang siya talaga ang mahal ni Larry hindi si Maria.Pero dumating ang punto na siya na ang nanlilimos ng pagmamahal sa lalaking inalayan niya ng buong pagkatao niya noon pa.Naging dependent kasi si Trixie kay Larry.Kaya ngayon nangangapa siya sa dilim.Hindi niya kayang tumayo sa sarili niyang paa.Buti na lamang may pinanghahawakan pa siya ngayon.Ang anak nila mismo pero tinatrato naman siya ni Larry na parang basura ngayon.
Samantalang excited si Matteo na maging ring bearer daw sa tatlong couple.Siya lang ang bata dahil malaki na sina Tristan,Liam at Lizzy.Mga Abay na ang tatlo sa triple wedding nila.Malawak ang Hacienda na pag aari nila Maria at Loira.Kaya sinadya nilang doon idaos ang ceremony ng kasal nila.
"Nanadya yata sila umaasa tayong si Larry ang maging asawa ni Maria diba.?Kawawa naman si Trixie Darling."di talaga gusto ni Emilda si Maria maging manugang pero dahil sa Hacienda at Villa ng yumaong byenan susugal na sila.
"Kelangan natin pigilan ang kasal.Saan na ba ang anak mo?Bakit hanggang ngayon di pa niya nauto si Maria.?"gahol na sila sa oras kaya natataranta na din si Mr.Tolentino.
"Mailap masyado si Maria sa atin.Wag mong sisihin si Larry natin.Ganito na lang kumuha ka ng atty.Dadaanin natin sa sindak si Maria.Ang magagawa na lang natin ngayon ang kunin ng sapilitan ang anak nila ni Larry."ideya ni Emilda dahil desperada na din siya.
"Tama bakit di ko naisip iyon."nagbayad nga dali dali si Mr.Tolentino ng magaling na Abogado para di matuloy ang kasal nina Maria at Teo.Alam ng Abogado na kelangan niyang magpanggap.Kahit maliit lang ang chance na makuha nila talaga ang bata sa poder ng Ina nito.
Binago na lang nila Loisa at Aling Peryang ang venue.Dahil madami ng bisitang naimbitahan niya.Pati kakilala ni Stella sa Japan nakauwi na.Malaki na din ang bahay nila na two storey doon sa Sta.Mesa.Dahil may malawak na sakahan na din sila ng palay doon.Sira na kasi din ang bahay nila na kahoy noon.Na dati magkatabi pa ngayon iisang gate na lamang na bakal.Ang bahay nila ay pinuno nila ng maraming halamang bulaklakin.Isa na din sila sa mayaman na pamilya sa baryo na iyon.
"Inang kukuha din tayo ng abogado.Para palayasin ang mga iyon sa Hacienda mismo.Nasa atin ang titulo ng Sakahan at Villa diba.?"galit na ani ni Stella para sa kanila kabayaran iyon sa ginawa ng pamilya Tolentino kay Maria mismo.
"Stella unahin muna natin ang kasal ng mga bata.Magsuot ka ng apron tumulong ka nga sa amin sa kusina.Darating ang mga bisita mo diba.?Dapat pakainin natin sila muna."busy masyado si Aling Peryang at Loisa sa kusina para sa paghahanda ng pagkain.
"Tagahiwa lang ako ng sibuyas Inang.Nga pala Inang darating ang bf ko na Afam ok lang ba.?"biglang sabi ni Stella sabay suot ng apron para maghiwa ng sibuyas at mga ingredient.
"Kay tanda mo na may bf ka pa.Asawahin mo na kaya Stella.At isa pa kelan ka ba nagpapaalam sa akin.?Himala yata iyon diba Loisa.?Nga pala hanapan mo din si Loisa ng boyfriend."biro pa ni Aling Peryang.
"Tamang tama sasama yong kaibigan ng bf ko.Isasama nila mga anak nila.Baka magustuhan mo iyon Loisa."ani naman ni Stella sa busy na si Loisa.
"Naku selosa sina Loira at Maria.Baka di nila magustuhan iyon Stella."nangingiting napapailing si Loisa dahil sobrang selosa ang dalawang panganay nila.
"Tama ka kaya kinakabahan din nga ako.Baka di pasok sa standard ng dalawang iyon.Sila talaga yong magrereact agad at over protective right.?"natatawang pagsang ayon ni Stella.
Napagkasunduan nila unahin muna nila ang kasal ng mga ito.Tsaka na nila ilaban ang karapatan nina Loira at Maria sa mana na iniwan ni Don Tolentino sa mga ito.Dahil mas mahalaga ang okasyon na iyon kesa sa Villa at Hacienda nga naman.

PaghihigantiWhere stories live. Discover now